LOBO Episode 9

by

Pagkalabas ng opisina ni Lady Elle ay kinakabahan naman si Lyka na pag-iinitan siya lalo ni Elton dahil sa ginawa niya. Kinulit kulit pa ni Lyka ang walang imik na si Noah. Pag nakatalikod si Lyka ay natatawa si Noah sa kadaldalan ni Lyka. Sinabi ni Lyka na aakyat na lang daw siya sa roof top para kausapin ang mga ibon. Pigil pa rin ni Noah ang kilig kahit na nang umalis na si Lyka – umakyat na ang dalaga sa rooftop.

Habang naglalakad lakad sa opisina si Noah ay nakita nito ang guest list para sa big party (Blancaflor Rendence) sa isang computer, nagkataon naman na walang tao doon sa desk (kay lyka?) pasimple na nagprint si Noah ng isang kopya ng guest list.

Inireport ni Lorian kay Lady Elle na maayos na ang lahat para sa party – dadating lahat ng guest at pati tight security ay naayos na rin.

Pinuntahan ni Noah si Lyka sa rooftop para sabihing hinahanap siya ni Lady Elle. Naka-lock ang pinto at hindi sila makababa – sinubukang buksan ni Noah, tapos sinubukan rin ni Lyka.
Lyka : Ayaw talaga, ayaw mabuksan. Dito lang tayo, stacked here, together … forever
-wala pa ring imik si Noah, tapos tinabig nito si lyka para umalis ang dalaga sa may pintuan
Noah : Tabi nga!
Lyka : Ay!
-pilit binubuksan ni Noah ang pinto
Lyka : sandali, sandali
-tinapik tapik nito ang ulo ni Noah
Noah : Sandali, ano ka ba? Ano ba ang ginagawa mo?
lyka : Inaalis ko ang masamang spirit dyan, kasi baka kinakarma ka
Noah : (panay ang iwas sa ginagawa sa kanya ni lyka) Tama na!
Lyka : Ang tangkad mo, hindi kita abot.
Noah : sandali
Lyka : Ayan tingnan mo kinakarma ka kasi masama ang ugali mo, kanina iniiwasan mo akong kausapin tapos tingnan mo kung nasaan tayo ngayon? (napatanga si Noah kay Lyka) Together… stacked … all alone. Ano ang favorite color mo?
-napabuntunghininga na lang si Noah sa jologs nyang kasama.
Lyka : Ano ang favorite color mo?
Noah : Red
Lyka : Red! my gosh red! Ibig sabihin no’n mapusok … tapos passionate. (tinapik na naman ang masungit na si Noah) Alam mo ako ang favorite color ko naman ay green, ibig sabihin naman non cool tapos may pagka – mysterious. Hoy! may favorite motto ka ba? motto?
-pundi na si Noah sa kakulitan ni Lyka
noah : Wala
Lyka : Wala? WALA! Ang lungkot naman non. Ito, ito … (taumatalon talon pa) ito na lang, maganda ito – Who is your first kiss? (napamaang lang si Noah) sige na, secret lang natin, hindi ko sasabihin kahit kanino. Ito namna masyadong masekreto. Okey, game … fine… kung ayaw mong sabihin, hindi ko rin sasabihin sa iyo kung sino ‘yong frist kiss ko. (umismid pa kay Noah) Sige na nga, ito ha, itong tanong at sana sagutin mo nang maayos ha – Who’s your crush?
-napatingin ng matiim si Noah sa makulit na dalaga

Lyka : sagot! sige ka pag hindi ka sumagot, hindi ka tatantanan ng karma, gusto mo ba yon, ha? ano?
Noah : Wala akong crush
Lyka : Sure ka? sure ka walang kang crush (looks disappointed). Okey lang, mababago pa naman yan eh – madedevelop pa rin tayo sa isa’t isa. ito, ito super last question
Noah : Akala ko ba last question na iyon?
lyka : Hindi, hindi, ito super last na talaga, message? message mo
Noah : ANO?
Lyka : Message
Noah : Sana makaalis na tayo dito
Lyka : (nag-emote sa sagot ni Noah) okey. Ganun ka ba talaga kaasiwa sa akin? Sorry ha, nakikipagkaibigan lang ako eh. Sorry!
Noah : Lyka, ah hindi iyon ang ibig kong sabihin
Lyka : JOKE! Uyyy affected (napakamot na lang sa ulo si Noah sa pagiging lukaret ng kasama) Minsan
kailangan hanapin mo ang kiliti, may konting lambing, (pinipihit ang seradura ng pinto) konting ligaw para makuha mo yong gusto mo. Kasi hindi naman lahat ng bagay nadadaan sa mabilis, minsan pag nagtitiyaga ka – ngingiti ang swerte sa iyo. Try lang ng try hanggang sa mag-succeed. At iyon may friend ang aking motto sa buhay.
-Nagulat si Naoh nang nakita na nabuksan ni Lyka ang pinto.
Lyka : At kung ikaw, hindi na masyadong masungit – share mo rin sa akin iyong sa iyo ha.
-Tapos hinila na nito si Noah pababa sa rooftop.

Magka-usap sina Noah at Gabby, parang wala sa sarili si Noah. Ikinwento ni Noah kay Gabby ang nangyari sa rooftop. Kinumbinsi ni Gabby si Noah na kuning asset si lyka para sa mission nila.

Sinabi ni Lady Elle na kailangan pumunta sa party si Lyka. Sinabi ni Lyka na wala siyang damit – pinayagan siya ni Lady Elle na gumamit ng damit mula sa “House of Elle”. Excited na pumipili ang magkaibigang Trixie at lyka ng damit na isusuot ni Lyka sa party. May nakita si trixie para sa kaibigan.

Sinisigurado ulit ni lady Elle sa assistant nya na kumpleto na ang lahat para sa party. Sinabihan siya ni Manolo na mag-relax at magpaganda para sa party. Kinakabahan daw si lady Elle dahil iyon ang unang pagkakataon na makikita ng mga myembro ng WAYA si Lyka.

Nakaready na si trixie pero si lyka ay hindi pa rin ready, kaya pinauna na ni lyka ang kaibigan sa kotse.

Ang gwapo gwapo ni Noah sa kasuotan nito, lumabas ang likas na kisig, naks! Si Lyka naman ay tapos na rin sa pagbibihis at napakaganda rin nito sa kasuotan. Napansin ni Noah ang napakagandang dilag, natulala si noah sa kariktang napagmasdan. Nagtama ang paningin nilang dalawa, pa-demure effect naman si Lyka ang lumapit sa kanya si Noah.

Noah : You look good
Lyka : (kinilig) You too
noah : No really, you look good.
-nagtitigan ang dalawa, dumating si trixie kaya umalis si Noah. Nagalit si Lyka kay Trixie dahil inistorbo nito ang “moment” nilang dalawa ni noah. Pinauna ni Lyka si Trixie sa party kasi kailang pa raw niya hanapin ang moonstone niya.

Bongga ang party na ginaganap, napakaganda rin ni Lady Elle. Nandoon din ang bihis na bihis ding si Gabby.

Hindi pa rin nahahanap ni Lyka ang hinahanap na moonstone, inalala niya ang lahat ng pangyayari nang
kausap siya ni lady Elle nang araw na iyon. Nakita rin ni Lyka ang hinahanap, nang biglang sumakit ang ulo niya.

Pinuntahan ni Lady Elle at assistant nito ang mga Waya na nasa private room, bihis na bihis rin ang mga ito.

Si Lyka naman ay hindi pa rin nakakaalis sa “House of Elle”. Nakaramdam si Lyka ng pananakit ng katawan, may nakuha siyang balahibo (?).

Nagpapalitan ng mga kuro kuro si Lady Elle at ang mga Waya tungkol kay Lyka. Nagkakainitan sila sa pag-uusap. Nagdadalawang isip ang mga waya kung si lyka na nga ang “huling bantay”, pero sinisigurado ni Lady na si Lyka na nga talaga ang huling bantay na magliligtas sa kanilang lahat.

Samantala si Lyka ay hindi makapaglakad mabuti sa sakit na nararamdaman, napansin nito na ang kakaibang nangyayari sa mga kamay. Nakadapa na humihiyaw sa sakit si Lyka.

Teaser : Parang narinig ni Nessa ang tinig nang anak na humihiyaw sa kakaibang nangyayari sa katawan niya.

2 Tugon to “LOBO Episode 9”

  1. ptvj Says:

    napaka-intense nung last scene parang pati ako napi-feel ko iyong pain ni lyka. oa ba? hehe.

  2. jhe Says:

    ang kulit ni angel dito,,cguro king my ganyan akong friend or gf, di na ako maboboring..hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: