MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 43

by

Nasa Star City parin sina Lena at Fidel. Nag-e-enjoy si Lena habang mukhang inip na inip naman si Fidel. Nakahalata naman si Lena noong ayaw umorder ni Fidel ng pagkain. Noong tumayo si Fidel para tawagan si Monique, nakita niyang umiiyak si Lena.

Binisita nina Jackie at Eli si Pong. Sinabi nitong may kasama siya dati na nananaginip ng kung anu-ano at pumunta ito sa albularyo. Interesado naman si Eli pero gusto lang maging clear ni Jackie na nawala ba raw iyong panaginip ng kasama ni Pong AND THEN nakulong siya? Hindi sigurado si Pong, pero sinabi ni Eli na nagpapatawa lang si Jackie.

Sinamahan na ni Fidel si Lena sa pagsakay sa mga rides kaya tuwang-tuwa na si Lena. Mukhang medyo nag-e-enjoy na rin si Fidel.

Okay na raw si Eli ngayong alam na niyang hindi siya nag-iisa. Sinabi ni Jackie na never naman siyang nag-isa. Tinanong ni Eli kung hindi raw ba natatakot si Jackie sa kanya. Nag-aalala lang daw siya pero hindi siya natatakot.

(Putol ang video, add ko na lang later)

Sinita naman ni Corazon si Celine sa pagkawala nito. Masyado daw siyang bored (e di maglaba ka bwiset). Natuwa naman si Celine at niyakap niya si Corazon, sinabi niyang natutuwa siya at namiss siya ni Corazon. Pinaghanda niya ng lunch si Corazon, dahil doon. Nagtaka naman si Corazon, ano raw ba ang nasabi niya?

Nag-pi-picturan sina Jackie at Celine habang suot nila ang mga coloured wigs. Ikinuwento ni Celine ang pananabunot niya kay Vanessa. Sinabi ni Jackie na pati raw si Onay dinadamay nila ni JB sa drama nila. Sabi naman ni Celine, masaya daw siya at si Onay ang caregiver niya.

Tuwang-tuwa pa rin si Lena. Ang galing daw talaga ni Jackie, nahulaan niya ang gusto niya. Sinabi ni Fidel na perfect daw talaga ang anak niyang iyon. Nahurt naman si Lena pero hindi siya nagpahalata. Napilit ni Lena si Fidel na sumakay sa isang ride (hindi ko alam ang tawag dun). Noong una kasi ayaw ni Fidel, pero ayaw na rin ni Lena noong nalaman niya ito. Nanood na lang si Lena kaya nakunsensiya naman si Fidel kaya pumayag na siya.

Bumisita si Eli sa spa na may dalang cheesecake. Inalok niya si Corazon pero sinabi nitong hindi siya kumakain ng dairy. Ipakain na lang daw kay Celine tutal she eats everything naman daw. Natawa na lang sina JB at Eli sa inasal ni Corazon noong nag-walk out ito. Dumating si Amang.

Sayang daw sabi ni Celine, nagpapahinga si Corazon. Sabi naman ni Mateo na sila ni JB ang sadya niya dahil sa ospital pa nila ito huling nakita. Sinabi ni Mateo na may kilala siyang pari na nagko-conduct ng healing mass. Natuwa naman daw siya at naroroon din sina Jackie at Eli.

Tinanong ni Mateo kung talagang nagpapahinga si Corazon. Sinabi ni JB na he could check on her. Sabi naman ni Mateo na ganoon talaga ang tumatanda, mahilig magsiesta…

(Hanggang dun lang ang video, i-a-add ko na lang mamya ang mga putul-putol kapag napanood ko na sa TV).

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 43”

  1. foobarph Says:

    muhuhu… gusto ko rin pumunta star city…. *iyak iyak iyak*

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: