LOBO Episode 8

by

Habang naghahanap sa Classified Ads ng maa-aplayan si Lyka ay may naramdamang siyang kakaiba. Tumawag si Trixie para sabihin sa kaibigan na pinababalik siya sa trabaho ni Lady Elle – at may meeting with Lady Elle. Tuwang tuwa si lyka nang malamang may trabaho na siya ulit. Pagkatapos kausapin ni Trixie si lyka sa phone, ay lumapit sa una ang assistant ni Lady Elle na si Lorian (?) para magpasalamat kay Trixie. Sinabi ni Trixie na aalalayan niya si Lyka at sinabi rin niya sa kausap na matibay si Lyka.

Nagtatalo sina Lady Elle at Manolo – tutol sa pagkakaroon ng bodyguard si Lady Elle. Pinaalala ni Lady Elle kay Manolo kung sino siya talaga – isa rin siyang lobo. Sa huli ay pumayag rin si Lady Elle sa kagustuhan ng boss nya, na magkaroon siya ng Bodyguard.

Habang nagsasanay sa isang indoor shooting range sina Noah ay Gabby, ay pinag-uusapan nila ang mission nila sa House of Elle. Napansin ni Gabby na tila may kakaiba sa kaibigan – masaya si Noah (inspired kasi, naks!).

Sa House ofg Elle, tumatakbong pumunta si lyka sa Cafeteria at umorder ito ng Lyka’s Special kasi kailangan daw niya lakas, dahil may appointment siya with Lady Elle. Iyong tinawag nilang Lyka’s special ay ampalaya shake pala, pinangalanan nilang Lyka’s special kasi wala daw ibang umoorder niyon kundi si Lyka lang.

Habang naghihintay sa inorder na “pampalakas” niya ay hindi napansin ni Lyka na, dumating din si Noah sa House of Elle, ipinarada nito ang motorsiklo niya sa tapat ng Cafeteria na kinaroroonan ni Lyka, hindi nila napansin ang isa’t isa. Muntik nang magkita muli ang dalawa pero binalikan ni Lyka ang mga gamit niyang naiwan sa Cafeteria, samantala kausap ni Noah sa phone si Gabby. Paglabas ni Lyka sa Cafeteria ay siya namang pasok ni Noah, nagkasalisi sila.

Habang hinihintay ang pagdating ni Lady Elle sa opisina nito, ay manghang mangha si Lyka sa opisina – umupo pa ito sa desk ni Lady Elle, tiningnan ang mga larawan na naka – display at pati iyong TV ay pinagdiskitahan din. Naupuan ni Lyka ang remote control na nasa sofa, hindi niya malaman ang gagawin kasi hindi lang pala iyon remote ng TV, hindi malaman ni Lyka ang gagawin. Nang pumasok si Lady Elle sa office niya ay nagulat pa ito sa nadatnan – nasa ilalim ng table si Lyka. Nag-explain si Lyka sa boss niya, pero tahimik lang si Lady Elle. Lalabas na lang sana sa opisina si Lyka, pero tinawag siya ni Lady Elle. Tinanong siya ni Lady Elle na kung bakit hindi siya nag-reklamo sa ginawa ni Elton, binigyan pa siya nito ng advice. Ginawang personal assistant ni Lady Elle si Lyka. But may mga rules si Lady Elle at ang number one rule – ay ayaw niya ang masyadong madada (patay!).

Pumasok sa opisina ni Lady Elle ang nagtatakang si Elton – nagtataka ang baklang creative director kung bakit nandoon si Lyka. Pinalabas muna ni Lady Elle si Lyka bago kinausap si Elton. Sinita ni Lady Elle si Elton sa ginawa nitong pagtanggal ng empleyado na hindi muna ipinaalam sa kanya. Paglabas ng walang nasabing si Elton ay siya namang pagdating ni Don Manolo, kasama si Noah. Ipinakilala ni Don Manolo kay Lady Elle ang bago nitong bodyguard. May mga rules din si Lady Elle para kay Noah. Napansin ni Lady Elle na may itsura si Noah, tinanong nito ang bodyguard kung kinokonsider nito ang modelling career. Pinagsabihan ni Don Manolo si Lady Elle na maging nice, palagi naman daw siyang nice sagot ng babae.

Busy ang lahat sa trabaho. Tsinitsika naman ni Lyka kay Trixie ang “super hero” nya, maingay ang magkaibigan. Narinig ni Noah ang magkaibigan na maingay na nagkukuwentuhan, binanggit pa ni Lyka na Noah ang name ng super hero niya. Napansin ni Trixie na nandoon din at naririnig sila ng pinag-uusapan nila. Tinawag ni Trixie ang kaibigan pero patuloy ito sa kadadaldal. Nakipagkilala si Trixie kay Noah. Si Lyka naman ay natulala na nakanganga nang makita si Noah. Tinanong ni Noah si Trixie kung okey lang kaibigan nito, sinabi ni Trixie na “nakalunok lang ng laway”. Nang matauhan sa pagkabigla nang makita si Noah, ay lumapit si Lyka kay Noah at kinulit kulit ito. Napansin ni Lady Elle na parang magkakilala na ang dalawa. Pinakilala niya sa isa’t isa ang bodyguard at personal assistant niya. Pinagmamasdan naman ni Lady Elle ang natatarantang si Lyka.

Sa isang petshop. Inuusisa ng babae kung ano ang ginagawa ni Anton sa mga dagang binibili nito. Tinanong ni Anton ang babae kung lahat daw ba ng bumibili ay kinukwestyon nito, natahimik ang babae. May dumating na mamang may kasamang aso, kinahol nito nang kinahol ng aso si Anton. Humingi ng pasensya ang may-ari ng aso, sinabi ni Anton na okey lang, nahihintakutan pa rin ang babae sa umalis na si Anton.

Habang nagtratrabaho ay kausap ni Lyka si trixie sa phone, kaya hindi agad nito nasagot ang tawag ni Lady Elle – sinita ni lady Elle si Lyka sa hindi agad nito pagsagot ng phone. Maraming pinagbilin si Lady Elle kay Lyka.

Habang naglalakad ay nangangalaglag ang mga bitbit na damit ni Lyka, pinulot ni Noah ang bawat nalalaglag. Pinipresent ni Elton ang latest design na damit kay Lady Elle nang dumating ang kitikiting si Lyka. Nang iabot ni Noah kay Lyka ang mga damit ay kinilg na naman ang dalaga. Napansin ng boss ang reaction ni Elton kay Lyka, pinagsabihan ni Lady Elle si Elton na hindi na daw ito teenager. Tinanong ni Lady Elle ang opinion ni Lyka sa pinipresent ni Elton. Sinabi ni Lyka ang opinion nya sa damit, naasar si Elton sa mga comments ni Lyka sa damit. Nireject ni Lady Elle ang design ni Elton (bwahahahaha!), kasi nakita na daw niya ito sa mga magazines, ginaya lang ni Elton ang design – walang originality.

Pagkalabas ng opisina ni Lady Elle ay kinakabahan naman si Lyka na pag-iinitan siya lalo ni Elton dahil sa ginawa niya. Kinulit kulit pa ni Lyka ang walang imik na si Noah. Pag nakatalikod si Lyka ay natatawa si Noah sa kadaldalan ni Lyka, pag humaharap ito sa kanya ay balik sa pagiging seryoso si Noah. Sinabi ni Lyka na aakyat na lang daw siya sa roof top para kausapin ang mga ibon. Pigil pa rin ni Noah ang kilig.

Teaser: Sinundan ni Noah si Lyka sa rooftop.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: