MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 42

by

Sweet na sina JB at Celine habang kumakain sila kasama sina Onay and family. Nagdrama si Joko dahil noon lang daw may nanglibre sa kanya ng ganoon.

Nagpasalamat si JB sa kanila sa pag-aalaga nila kay Celine. Humingi sila ng pasensiya dahil merienda lang ang naibigay nila sa kanila, babawi na lang daw sila next time.

Iniiisip daw ni Lolo Bogs kung kailan daw kaya makakakita ng kadramamahan (syota) si Onay kagaya nina JB at Celine. Pangpelikula daw kasi ang eksena nila sa labas ng bahay.

Nabigla si JB dahil hindi pa pala nagkaboyfriend si Onay. Sabi ni Celine darating daw ang chever niya.

To cheer Lena up, nagpreprare ng picnic si Jackie sa backyard nila. Nag-inuman sila.

Kinuwestiyon ni Fidel ang proposal ni Eli (na suggestion naman ni Mateo) na bigyan ng discounts ang mga consumers nila. Binigyan na siya ng go-signal nito para mag-present sa board. Sinabi rin ni Eli na suggestion din iyon ni Mateo. Maganda raw na may nakukuha itong maganda sa magandang relasyon nilang mag-ama pero sana raw eventually magkaroon ito ng sariling diskarte at hindi iyong umaasa na lang siya sa ama at kay Fidel. Ayaw daw nitong nakikitang kung sinu-sino lang ang pinakikinggan niya. Ayaw daw niyag maging boss si Eli ng walang sariling bait.

Pinuntahan ni JB si Vanessa (buti naman pang-opisina na ang outift niya) para mag-apologize. Sinabi ni Vanessa na noong malaman niyang she’ll be working with her excited daw siya dahil alam niyang maganda ang credentials ni JB. Pero ngayon daw naisip niya paano na-manage ni JB ang shipping company nila dati kung girlfriend nga niya, hindi niya maayos.

JB told her na Celine is coping with cancer. Sorry to hear daw sabi naman ni Vanessa pero that’s not an excuse to act the way she did. Sana raw next time iwan na lang ang problema sa bahay nila para hindi sila nagkakagulo sa opisina. Pero mag-move on na lang daw sila. JB said “Thanks, I owe you one.” Agad namang sinabi ni Vanessa na “Dinner?”

O di ba ang bilis ng loka.

Napa-“what?!” si JB. Pumayag na rin si JB. Huwag daw siyang mag-alala at this time around daw hindi niya sasabihin kay Celine ang exact location nila. Joke lang daw. (May accent ba talaga ang babaeng ito o nagpapacute lang?)

Nalasing na ang dalawa. Pero mas lasing si Lena. Dumating si Eli at sinabi nitong mukha raw na nasobrahan na si Lena kaya pinapaakyat na niya ito. Ayaw umakyat ni Lena, binigyan niya ng beer si Eli. Pakembot-kembot pa ito pero umiyak siya after a while. (May kilala akong ganito malasing, ah)

Nanaginip na naman si Eli. Naglalakad daw ito sa isang gubat-like place (hehe), may naririnig itong humihingi ng tulong. Nakita niya si Joaquin nasa isang hukay (na hanggang waist or a little bit more), sinasabi nitong “Dalhin mo siya sa akin.”

Umiiyak si Eli kaya nagising si Jackie at ginising niya ito. Ayaw na raw ni Eli ano ba raw ang nangyayari sa kanya. Natatakot na raw siya sa panaginip niya, sa sarili niya. Kailan daw matatapos ang panaginip niya sa isang lalaking umiiyak at humihingi ng tulong. Hindi raw niya maintindihan kung bakit hindi niya ito mabale-wala.

Nagwala na si Eli. Hindi na raw siya matutulog. Ayaw na raw niya. Paulit-ulit nitong sinusuntok ang ulo. Niyakap siya ni Jackie.

Kinabukasan, nagpunta sina Eli at Jackie sa simbahan at nagdasal. Kinunsulta nila ang isang pari. Sinabi nito na ang kalapati daw ay manifestation ng Diyos sa kanya. Gusto na raw malaman ni Eli ang gusto ng Diyos na gawin niya. Lagi na lang daw niyang tatandaan na hindi siya pababayaan ng Diyos gaway ng hindi niya pagpapabaya noon.

Tinawagan ni Jackie si Lena may sopresa daw ito. Ayaw nitong sabihin kung saan ito pupunta.

Dinala ng driver sa Star City si Lena. Naglakad-lakad ito, tinawag siya ni Fidel. Nabigla si Lena pero sinabi ni Fidel na nangako raw siya kay Jackie na sasamahan niya ito the whole day…

2 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 42”

  1. nawawala Says:

    bwiset yung boss ni JB… landi! =p (oo, role lang yon.. hehehe)

  2. jhe Says:

    i like juliana palermo pero nabubwisit ako sa kanya dhil mlandi sya sa mskm..hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: