LOBO Episode 7

by

Kinikilig pa ring nagkukwento si Lyka sa kaibigan, tungkol sa pagtatagpo nila ng “kaisa isang lalaki na walang kasing-gwapo”.
Lyka : Sinadya ito ni God eh, kulang na lang gumawa pa siya ng paraan para mapaglapit pa ang mga mundo namin e.
Trixie : Oo naman! ang lapit, sundalo … fashion assistant
Lyka : (pabirong hinampas ang kaibigan) Inggitera, inggetera.
Trixie : Bakit totoo naman eh.

Noah : Parang nanadya yata e.
Gabby : Bok, marami pa tayong operation, malamang sa hindi eh makakasalubong mo pa siya ulit. Is this going to be a problem?
Noah : Negative.
Gabby : Good!

Tinawagan ni Lyka ang pinsan pinsanang si Anton – nasa laboratoryo si Anton (Chemist?). Ikinuwento ni Lyka ang nangyari sa photo shoot, at sobrang nag-alala si Anton. Nilambing lambing ni Lyka ang nag-gagalit-galitang pinsan. Sinabi ni Anton na iyon nga daw ang masama hindi siya makatanggi kay Lyka (in-love?). Nagbiruan ang magpinsan. Nang mapunta ang usapan sa paniningil ni Anton sa mga utang ni Lyka ay biglang “nabingi at nawalan ng signal si Lyka” (hahahaha! ang hirap talaga ng sinisingil, nabibingi). Pagkababa sa phone ay napatingin sa mirror si Anton at sinuri nito ang sarili – pati ngipin! (bakit?)

Nagluluto si Lyka, nang dumating si Clara na mainit ang ulo. “Sinabon” na naman ni Clara si Lyka, kesyo maalat ang pagkain, makalat ang bahay, magtipid, pangit ang kulay ng damit na regalo sana ng pamangkin sa kanya, blah blah blah… then Clara walked out.

Pati sa bahay ay “sir” pa rin ang tawag ni Leon kay Noah. Sinabihan ni Leon na huwag nang maglalalabas ng bahay si Noah kasi malapit na ang operation. Malamig ang samahan ng dalawa – military style. Bumulong si Noah ng “Goodnight Dad!”

Sa House of Elle, sinisi ni Elton si Lyka sa mga aberyang nangyari sa photo shoot. Tinanggal ni Elton sa trabaho si Lyka. Napaluha si Lyka.

Sinimulan na ni Noah ang plano. Kinausap nito si Manolo Sebastian at sinabing tinanggal siya sa serbisyo. Gaya nng sinabi ni Gen. leon na babawi sigurado si Don Manolo sa taong nagligtas sa buhay nya – kinuha nitong bodyguard si Noah para sa “the most precious thing in his life”, si Lady Elle.

Nagkita ng palihim si Gabby at Gen. Leon. Inireport ni Gabby sa General ang pagkakapasok na ni Noah sa House of Elle bilang bodyguard ni Lady Elle. Walang kamalay malay si Noah na iba pala talaga ang layunin ng misyon niya sa House of Elle – operation pala ito ng LUNA group. Naghahanap ang grupo ni Gen. Leon ng mga evidence na magpapatunay na si Don Manolo Sebastian nga ang mayamang promoprotekta sa mga taong lobo.

Sinabi ni Trixie kay Lyka na ireport sa HR ang ginawa ni Elton – ang pagtanggal kay Lyka sa trabaho. Pero okey lang daw siya sabi nang mangiyak ngiyak na si Lyka. Niyaya nito ang kaibigan na uminom.

Nagmamasid-masid si Noah sa house of Elle, napansin nito ang maraming kamera sa building.

Pumunta sa isang Billard Bar sina Lyka at Trixie. Nag-e-emote si Lyka sa nangyari sa kanya. Kinailangan ni Trixie na pumunta sa banyo, kaya naiwang mag-isa si Lyka. Sinimulang bastusin ng isang lalaki si Lyka. Nakita ni Lyka ang padating na si Noah at nakita rin siya ni “sungit” – saglit na nagkatitigan ang dalawa. Tumuloy si Noah sa paglalakad.

Nakita ni Noah na binabastos si Lyka ng ilang kalalakihan, lumapit siya rito at sinabing magkasama sila – kilig to the max naman si Lyka. Humirit ang pinakalider ng grupo na nambabastos na general ang tatay nya. Inupakan ni Noah ang mga lalaki. Nakita ni Trixie ang paghila ni Noah kay Lyka palabas ng bar, sumunod siya sa mga ito. Sa labas ng bar ay tinanong ni Noah kung saan nakatira si Lyka kasi ihahatid niya ang dalaga, bago pa raw niya makasalubong sa isang kanto si Lyka na naholdap, nabangga sa poste o nahulog sa isang manhole ay ihahatid na lang niya ito. Nahihiya pa kunyari ang kinikilig na si Lyka pero palihim siyang inapakan ni Trixie kaya pumayag itong magpahatid. Ibinigay ni Lyka ang susi ng kanyang sasakyan kay Trixie. Isinuot ni Lyka ang helmet na ibingay ni Noah at umangkas na ito sa motor ni Noah.

Habang pauwi ay panay ang “tsansing” ni Lyka kay Noah (hahahaha!) Nang nasa harapan na sila ng bahay nina Lyka ay parang ayaw pa nitong bumaba sa sasakyan ni Noah. Pinapasok na ni Noah si Lyka, nang bigla niya itong tinawag ulit, kinikilig na bumalik si Lyka, pero kukunin lang pala ni Noah ang helmet niya na suot suot pa rin nang dalaga. Nang makapsok na sa gate si Lyka ay ngumiti ang nagpapakaseryosong si Noah (kinikilig din pala ang mokong hehehe!). Nang makaalis ang binata ay lumabas pa ulit si Lyka sa gate na grabe pa rin ang nararamdamang kilig.

Pumasok si Lyka sa bahay na parang lumulutang sa alapaap sa kaligayahan na nadarama. Pinagsalitaan na naman siya ng nabulabog ang tulog na si Clara. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Lyka.

Masayang nagmomotorsiklo si Noah pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso ito sa kwarto ng kapatid na si Zoe (Lauren Young), nakatulog na ang dalagita sa pagbabasa. Kinuha ni Noah ang libro na nakatakip sa mukha ng kapatid, nang kukunin na niya ang salamin sa mata na suot nito ay nagising si Zoe. Kinumusta ni Noah ang kapatid.

Pumasok na sa kwarto niya si Noah, inilabas nito ang kwintas at kinumusta si Ulay. Sa kwarto nya ay nagdodrawing si Lyka ng mga damit, nakapatong sa pinipinta niya ang pendant na bigay ni Jayjay. Nang biglang kinabahan si Lyka at parang nakikita na naman niya sa isip ang ina na naglalakad na nakaposas ang mga kamay at paa.

Kinaumagahan sa almusal, sinabi ni Anton na ipagpapatayo niya si Lyka ng sariling fashion house na tatawaging “Lady Lyka”. Nagkabiruan sina Lyka at Anton. Umentra sa usapan ang mainit na naman ang ulo na si Clara, as usual sinabon na naman nito si Lyka. Naghahanap ng trabaho si Lyka sa Classified Ads sa dyaryo.

Teaser: Kinukumbinsi ni Manolo si Lady Elle na pumayag na magkaroon ng “bantay”. Magkikita ulit sina Noah at Lyka.

4 Tugon to “LOBO Episode 7”

  1. ptvj Says:

    kinikilig talaga ako sa show na to, pramis😈

  2. kiwanz Says:

    super kilig to the max talaga aq….as in
    habang sumasakay sa motorsiklo si Lyka at Noah…kilig-kilig talaga aq at ayaw pa bitiwan ni Lyka si Noah at hindi pa pinahalata na kinikilig din..hehehhe

    Nice soap the best talaga grabe na toh……bitin aq sa episode na to…i want more..pwede reply this episode..hehhehe

  3. jhe Says:

    hehe..kakatuwa c angel dito..grbe!! laki ng improvement nya sa abs!! avid fan ako ng lobo..di makukumpleto ang monday to friday ko ng di ito napapanuod..=)

  4. lala Says:

    noah’s scene with his sister zoe was very cute and charming…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: