MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 41

by

Nagluluto ang mag-inang Monique at Jackie. Pinag-uusapan nila na dapat daw ay hindi nawawalan ng panahon sa isa’t isa sina Eli at Jackie. Sinabi ng katulong na wala raw ganang kumain si Lena kaya pinuntahan ni Jackie si Lena sa kwarto niya.

Kahit anong pilit ni Jackie ayaw bumangon ni Lena dahil depressed daw siya. Sinabi ni Jackie na isang oras lang daw siya pwedeng madepress. Susunduin daw nila si Celine at lalabas sila. Ayaw pa rin bumangon ni Lena.

Apektado naman si Onay sa awayan nina Celine at JB kaya hindi siya nagpe-pay attention kay Joko. Tigilan na raw niya iyon sabi ni Joko baka raw at the end siya lang ang mapahamak. Nag-ring ang cellphone ni Onay, si JB ang tumatawag.

Namumurublema naman sina Fidel sa mga windfarms nila.

Kinumusta ni JB si Celine kay Onay. Sinabi ni JB na siya na muna ang bahala kay Celine, babayaran daw niya ang oras nito. Humingi ng paumanhin si JB sa nangyari the previous day pero JB reminded her na she should know better daw. Hindi raw maganda sa situation ni Celine na magtravel in long distance ng nakatricycle lang.

Sinabi ni Mateo kay Eli na may puntos naman daw si Fidel sa mga sinabi niya tungkol sa mga windfarms. He suggested na bigyan muna nila ng discounts ang mga customers nila habang naghahanap pa sila ng mga bagong consumers.

Sinabi ni Eli kay Mateo na hindi tinanggap ni Corazon ang regalo niya. Sinabi ni Mateo kay Eli na kaya gusto niya si Corazon ay dahil sa unpredicatbility nito. Ibigay na lang daw kay Jackie ang mga chocolates.

Nagising si Lena sa kaka-karaoke ni Jackie (well, nakikisabya lang siya sa Iyugyog mo ni Willie sa TV). Natawa na rin si Lena sa pagwawala ni Jackie kaya nakikanta na rin siya. Naglaba pa sila.

(Akala ko ba susunduin nila si Celine?)

Sinabi ni Gloria kay Eli na nalulungkot daw siya everytime na naaalala niya si Corazon. Araw araw daw na tinatawagan niya ito pero ayaw siyang kausapin. Huwag na raw masyadong iniisip ni Gloria ang kapatid dahil baka raw kasi ikasama pa niya iyon. Sinabi ni Gloria na hindi naman daw niya maiiwasan. Pinuntahan daw niya ito minsan sa spa pero tinalikuran lang siya nito.

Iminungkahi ni Gloria kay Eli na dalawin niya si Corazon. Sinabi ni Eli na ginawa na niya iyon.

Napansin ni Gloria na malungkot si Eli noong kausap niya ito sa telefono (oo telefono ang sinabi niya). Sinabi ni Eli na gusto lang niyang makausap ang ina niya.

Habang pinapasaya nina Onay at Joko si Celine, dumating si JB. Ayaw sumama ni Celine. Binuhat ni JB si Celine pati na ang kinauupuan niya. Nagtalo sila. Babatuhin sana niya ng vase si JB pero pinigilan siya nina Onay and family dahil bigay daw ng jowa ni Joko iyon.

Bumalik na lang daw siya sa bitchy boss niya, sabi ni Celine (Habang nag-eenjoy naman sa kakapanood sa dalawa ang tatlo). Ayaw maniwala ni Celine sa mga paliwanag ni JB.

Ito ang sagot ni JB:

“Celine, you know theres no one else for me but you. I breathe for you. If you ask me to stop breathing right now, I will. I love you that much. But if pushing me away makes you happy, then I’ll go. I’m gone. But I will never stop loving you even if you keep breaking my heart into pieces, I will go on loving no one but you… .”

(Pucha, kapuso ka na lang kung hindi ka kikiligin sa sinabing ito ni JB).

Umalis na si JB. Hinabol ni Celine si JB at nagsorry ito. Sinabi ni Celine na mahal niya ito. Sabi ni JB: “Celine you’re my life, my everything.” Nagyakap sila sa gitna ng daan with all the usiseras at naghalikan at nagyakapan sila…

Awwwwwwwwwwww…

3 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 41”

  1. nawawala Says:

    oooh… sana mapanood ko ‘to mamaya. gusto ko lang makita si JB and Celine. hehe…

  2. annedito Says:

    awwwwwwe…ang cute naman talaga nila. i really do think sila na in real life. and to think papatayin si celine sa show. omg, kilig talaga sila ni jb. i feel like a high school girl…lol

  3. jhe Says:

    haha!! ang cute nila jb at celine!!! di ko na to papanoorin pag ptay na c celine..heheh!! joke =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: