LOBO Episode 6

by

Nagwawala si Nessa sa pinagkukulungan sa kanya.
Nessa : PAKAWALAN NYo AKOOO! Pakawalan nyo ako, may anak, maawa kayo.
Napanaginipan naman ni Lyka ang ina.
Lyka : Inay, nandito lang ako, nandito lang ako. Inay…

Habang nakatingin sa nakagapos at umiiyak na si Nessa.
Dr. Vivian Lee (Maritoni Fernandez) : Wala na tayong makukuha sa kanya. Kung totoo man ang batang iyon, kailangang mahanap nyo na sya.
Man (nakatalikod): We’re working on it. We just work on her.
Nessa : Pakawalan nyo ako.

Gabi. May misyon ang grupo nina Noah sa gubat, nagkakatuwaan sina Choy (Janus Del Prado) at mga kasama.

May pinapagawa si Elton kay Lyka na ayaw sundin ni Lyka. Ayaw talaga ni Lyka gawin ang iniuutos ni Elton, na kahit “ngumuya pa daw siya ng bubog” ay gagawin niya, huwag lang iyong pinapagawa ni Elton. Sabi naman ng bading na Elton na iyon daw ang chance ni Lyka na patunayan sa House of Ellie na tama ang pagkakahire sa kanya.
-May isang staff na nagsisigaw ng “Sir Elton”, may tawag pala para kay Elton – si lady Ellie ang nasa telepono. Kinumusta ni Lady Ellie ang shoot. Tinawag ni Elton na “tonta” ang bagong fashion assistant (Lyka). Sinaway ni Lady Ellie si Elton sa pagtawag ng tonta sa tao, kasi hindi raw nice. After nilang mag-usap ni Lady Ellie ay tinalakan na naman ni Elton tungkol sa pinagagawa niya si Lyka.

Tinatawagan ni Lady Ellie si Don Manolo Sebastian (Robert arevalo) pero naka-mailbox ang cellphone nito, hawak hawak ni Lady Ellie ang resume/bio-data ni Lyka Raymundo. Kaya pala hindi sinasagot ni
Manolo ang telepono kasi nakaposas ito – napapaligiran ng mga “kidnapper” si Don Manolo. Sinabi ni Lady Ellie sa mailbox na may pag-uusapan silang importante. Naiinip na ang mga kidnapper ni Don Manolo kasi mukha naman daw walang naghahanap sa bihag nila.

May “special mission”na ipinapagawa si Gen. Leon Cristobal (Dante Rivero) sa grupo nina Second Lieutenant Noah Ortega. Ang grupo nila ang ipinadala kasi sila daw ang the best among the beast (naks!).

Sa photo shoot ay napilitan ring gawin ni Lyka ang ipinapagawa (paragliding ?) ni Elton. Kinakabahan na nakatingin kay Lyka sina Trixie (Dimples Romana) at ilang staff. Nakataingin din ang baklang si Elton. Tinanong ng photographer si Lyka kung okey lang siya, oo naman daw sabi ng natatarantang si Lyka – gusto daw niya ng challenges kaya ayan ang challenges sabi ni Lyka sa sarili.

Inihatid ng helekopter sina Noah sa gubat para sa mission nila – ang iligtas si Don Manolo. Nagpa-paragliding naman si Lyka (tinangay kasi siyaq ng hangin). Eksakto namang pasugod na si Lt. Ortega sa kinaroroonan ng mga kidnapper nang bumagsak sa harapan niya si Lyka Raymundo. Dahil sa ingay na ginawa ni Lyka ay nagkabarilan na sa pagitan ng mga “kidnapper” at mga military. Sinalo ni Noah si Lyka at tumakbo ito habang karga karga ang babae sa gitna ng nagpuputukan (Haaay! sana ako na lang si Lyka).

(Grabee! kinikilig ako sa kagwapuhan ni Piolo) Nanlaki ang mga mata ni Lyka nang mapagmasdan ang mukha ni Noah – kinilig ang ale. Pumapailanlang ang theme song na “Ikaw Ang Pangarap” ni Martin Nievera ang masilayan ni Lyka si Noah. Nagpakilala si Lyka pero iniwanan siya ni Noah (nasa gitna ba naman ng putukan, makipagkilala bwaahahhaha!). Sumunod Si Lyka kay Noah. Nakalapit sa kinaroroonan ni Don Manolo at 2 kidnappers si Noah, nakasunod sa likuran niya si Lyka. Nakilala ni Lyka ang kidnap victim (e di ba nagtratrabaho siya sa House of Ellie na pag-aari nina Don Manolo). Ibinaba ni Lt.Ortega ang hawak niyang armas sabay tulak kay Lyka papunta sa mga kidnappers, binaril ni Noah ang mga nagulat na kidnappers. Pinanlakihan ni Lyka ng mata si Noah. Mission Accomplished – “nailigtas” nila si Don Manolo.

Daldal pa rin ng daldal si Lyka, napakaseryoso naman ni fafa Piolo este Noah. Sinabihan naman ni Lt. Noah ang isang kasamahan na ito na lang ang mag”brief” kay Lyka. Humirit naman si Lyka na hindi siya nagsusuot ng Brief – joke daw kasi napaka seryoso naman ng sundalo. Sinabihan pa nito ang hindi nakikilalang kaibigang si Jayjay na huwag magpak-seryoso kasi baka maging kamukhan nito si kookey. Aligaga si Lyka sa pagbitbit ng mga gamit niya (paragliding), tinatanong nito ang pangalan ng sundalo para naman daw makapag-thank you siya – hindi sumasagot ang tinatanong. Binalikan ni Noah ang hindi magkaugaga sa mga dala dala niya na si Lyka, sabay buhat dito. Nagsisigaw ang nagulat na si Lyka na ibaba siya, mamaya maya ay okey lang daw siya na huwag ibaba.

Nagpasalamat ang naligtas na kidnap victim sa pinagkakautangan niya ng buhay. Tinanong ni Don Manolo ang pangalan ng nagligtas sa kanya – Noah Ortega, tatandaan daw ng Don ang pangalan nito. Nagpakilala kay Don Manolo ang maingay na si Lyka.

Sa opisina ni Gen. Leon Cristobal ay nagpasalamat ang naligtas na si Don Manolo Sebastian. Pinayuhan ng general si Don Manolo na maghigpit ng security para sa kaligtasan nito. Napansin ni Manolo ang suot na singsing ni Leon, at napagtanto nitong aktibo pa pala ito sa organisasyon (LUNA). Magkasama pala dati ang dalawa sa LUNA pero umalis si Don Manolo sa organisasyon 8 years ago.

Nagtatalo sina Elton at Trixie sa nangyari kay Lyka (aksidenteng natangay ng hangin si Lyka). Nagwo-worry si Trixie sa kaibigan. Tumatakbong lumapit sa kanila ang masayang si Lyka, nagkwento pa ito na ang sarap-sarap daw pala magparaglide. Nagpasalamat pa si Lyka kay Elton, pero tinalakan siya ng bakla. Sinasaway ni Trixie si Elton sa ginagawa nito kay Lyka. Back-up ang shoot, sabi ni Elton nang dahil daw kay Lyka. Payo ni Trixie na pagpasensyahan na lang daw ni Lyka si Elton kasi may REGLA!?.

Inireport nina Noah at Gabby (Shaina Magdayao) kay Gen. Leon na may witness sa ginawa nilang mission – ang pagliligtas kay Don Manolo. Si Lyka ang tinutukoy na witness ni Noah. Wala daw dapat ikabahala sa nakasaksi kasi hindi daw ito threat sa kanila ang sabi ni Noah – pero galit pa rin sa nangyari si Gen. Leon.

Nag-alala si Lady Ellie sa nangyari kay Lyka, pero sinabi ng assistant na okey na naman daw ito. Pinaalis muna ni Don Manolo ang assistant ni Elleanor para makapag-usap silang dalawa. Nagpasalamat si Elleanor kay Don Manolo, sinabi ng lalaki na habang buhay daw siyang umaasa at alam ito ni Elleanor.

Nagrereport si Lt. Noah Ortega ng tungkol kay Don Manolo Sebastian na ilang taon na daw pinaghihinalaan na leader ng sindikato. Sinabi rin nitong front lang ng sindikato ang House of Ellie. Inireport naman ni Gabby na ayon daw sa report ng DOD ay inili-link si Don Manolo sa terrorist group sa Southern Mindanao. Sa meeting ay binigyan ng mission ni Gen. Leon ang anak-nakang si Noah na maging bodyguard ni Lady Ellie na kanang kamay ni Don Manolo Sebastian.

Ibinunyag din ni Gen. Leon na palabas lang pala ang pagkaka-kidnap kay Don Manolo – mga kasamahan nila ang mga kinappers kuno. Palalabasin na tinanggal sa serbisyo si Noah dahil sa “rescue operation” at makakarating ito sa Don. Dahil sa kagustuhan ni Don Manolo na makabawi sa taong naglöigtas sa buhay nya ay kukunin niyang “bodyguard” ni Lady Ellie ang nawalan ng trabahong si Noah. Ito ang mga plano ni Gen. Leon.

Nasa location shooting pa rin sina Lyka. Nag-aalala pa rin si Trixie kay Lyka, pero sinabi nito na okey lang siya as in sobrang okey. Naguguluhan na napa-okey na lang rin si Trixie. Sa loob ng sasakyan ay inilabas ni Lyka ang sobarng pagkakilig kasi kailangan na raw talagang ilabas (paano? panoorin nyo hihihi!). Sinabi ni Lyka sa kumareng nagtatakip ng tainga (mare ang twagan nila, haller!) na dumating na ang kanyang “my destiny, my the one, my all, my everything”. Na ve-at-first sight daw siya kaya lang ang “sungit” at napakaseryoso.

Ikinukuwento naman ni Noah kay Gabby ang encounter niya kay Lyka – nagkasunod sunod daw ang kamalasan niya (asus!).

Sinabi naman ng kinikilig na si Lyka na doon daw siya pinaglanding para makilala niya ang kaisa isang lalaki na walang kasing-gwapo.

Itinuturing ni Lyka na swerte ang pagkakakilala niya kay Noah. Kabaligtaran naman si Noah na malas ang tingin kay Lyka.

Hindi sumagot si Noah sa tanong ni Gabby na kung maganda si Lyka. Sinabi ni Gabby na lihitimong tanong ang tanong niya na kung maganda ang babaing kinukwento ni Noah. “Irrelevant” daw sabi ni Tinyente Ortega.

Kilig na kilig pa rin si Lyka habang nagkukwento kay Trixie. Si Lt. Noah Ortega naman ay itinatago ang kilig.

Teaser : Ang pagkikita ulit nina Lyka at Noah.

Isang Tugon to “LOBO Episode 6”

  1. ptvj Says:

    bitin ako sa episode na to😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: