MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 40

by

Nabigla si Jackie dahil sinorpresa siya ni Fidel. Pagpasok nito sa boardroom nila sa opisina, may dinner na nakahanda. Sinalubong siya ng bouquet at may violinist pa sila. Habang sumasayaw sila, sinabi ni Fidel na baka raw kasi nagtatampo siya sa kanya (dahil nga sinungitan niya ito noong isinama niya si Lena doon). Masaya silang sumayaw.

Tinawagan ni Celine si JB (noong nasa lobby sila ng opisina nina JB).

Nagrereminisce sila tungkol sa Hitler-like demeanor ni Fidel sa mga dating manliligaw niya. Gusto lang daw ni Fidel ang karapatdapat sa prinsesa niya. Sinabi ni Jackie na karapatdapat si Eli sa kanya kaya sana huwag na silang mag-aaway. Nangako si Fidel na ang negosyo ay sa opisina na lang, ang bahay para sa pamilya. Nagparamdam na si Fidel na ayaw niyang magmove-out sina Jackie.

Jackie made Fidel draw a toothpick at kapag nakuha daw niya ang shorter one tutuparin niya ang wish ni Jackie. Nakuha nga niya ang shorter stick kaya masaya si Jackie.

Sinagot ni Vanessa ang phone ni JB dahil nag-ri-ring ito sa mesa at wala si JB. Hindi siya sumasagot at first kaya sabi ni Celine bakit daw maingay sa background nasa bar daw ba ito? Baka raw kasama na naman niya si come here JB girl. Nagsalita na si Vanessa sa phone, sinabi niya na wala raw kasing tigil ang pag-ring ng cellphone kaya sinagot na niya. Who is daw sabi ni Celine. What is it to her daw sagot naman ni Vanessa. Sinabi ni Celine na she just happens to ne JB’s wife. Hindi raw sinabi ni JB na may wife siya. Wife, girlfriend, whatever daw, but they are together (she could have said fiancée siya ni JB). Sinabi ni Vanessa na nasa restroom si JB dahil maraming nainom. Itinanong ni Celine kung nasaan sila at niyaya niya si Onay. Sinabi niyang ipapakita nila sa babaeng iyon what “chever” means.

Ang pakialamerang Vanessa naman, dinelete niya from JB’s incoming calls ang tawag ni Celine. Tinaggihan ni JB si Vanessa sa offer nitong drink dahil magmamaneho pa raw ito. JB agreed.

May sorpresa daw si Jackie kay Lena pero sasabihin na lang daw niya ito kapag okay na siya. Malungkot pa rin si Lena kaya hindi siya interesado.

One whole day with Lena pala ang wish si Jackie kay Fidel. Masaya naman si Monique sa mangyayari at tinutuya niya si Fidel at nauwi iyon sa lambingan nilang dalawa.

Minamasahe naman ni Jackie si Eli para daw makatulog ito ng maigi. Paano raw makakatulog si Eli kung naiisip niyang merong isang taong galit na galit sa kanya at hindi siya kayang patawarin. Huwag na raw niyang masyadong isipin si Corazon. Darating din siguro ang araw na makikipagkasundo na si Corazon sa kanila. Kahit anong isip raw ni Eli, wala naman daw mangyayari. Ang importante daw ay ginagalang daw nila si Corazon kahit galit ito sa kanila.

Pagdating nina Celine at Onay sa bar, nakita niyang hinila ni Vanessa si JB dahil uuwi na ito. Hawak hawak ni Vanessa ang mga kamay ni JB. Tinawag ni Celine na slut si Vanessa, si Onay naman tagalog version, haliparot. Sinabunutan ni Celine si Vanessa pero inawat siya ni JB. (Lol, iniiisip ko kung sinabunutan ni Vanessa si Celine, maaalis ang wig nito). Ayaw paawat ni Celine kaya binuhat siya ni JB. Galit na galit si Vanessa (duh, boss ka kaya nakikilandi ka sa subordinate mo).

Nagtalo sina Celine at JB sa parking lot. Kung daw pagod na raw si JB sa pag-aalaga sa kanya, sabihin lang daw niya sa kanya. May kanser daw siya pero hindi siya tanga. Nagsigawan pa sila more bago sila umalis. Sakay pa ring ng tricycle ni Mang Roger. (I just find it funny na nakapark pa ang tricycle sa parking lot. Di ba usually nakaharang lang sila dun. Ano ba yan pati iyon pinagdidiskitahan ko. Hehe).

Pag-uwi ni JB sinita pa siya ni Corazon. Anong oras na raw and don’t tell her galing itong opisina. Walang kibo si JB kahit nagrereklamo si Corazon na wala daw itong kasama at maraming itinatanong ang mga staff nila tungkol sa operations ng spa. Nagpasorry si JB sinabi nitong pagod lang ito sa work. He’s tired of working like an ass daw. Sinabi ni Corazon na hindi raw ito pagod sa work because she trained him to work hard, kay Celine daw ba siya pagod.

Sinabi ni Corazon na alaagan niya si Celine, pero kapag naging bitchy na raw ito let her know. Be a man daw. Love does not make wrong things right daw.

Noong papaalis na si Corazon, JB asked if she loves him. “That’s stupid question” daw sabi ng nabiglang is Corazon, “you’re my son.”

May date naman si Veron doon sa prince. Ino-offer siya nito ng kasal pero sinabi rin nitong marami siyang mga asawa pero siya ang magiging paborito nito. He could make love with her daw every 4 hours. LOL.

Noong sinagot ni prince ang cellphone niya, iniisip ni Veron na babalik na naman siya a pagpuputa like what Fidel thinks of her. Okay lang daw. Kung that way naman siya nagugugustuhan ng mga tao.

Nagpasalamat si Celine kay Onay. Sinabi ni Celine na tinawagan niya si Jackie at susunduin na siya nito the next day…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: