Lobo, Episode 05

by

Note: Ako po muna ang gagawa ng update just for today. – PTVJ

Nasa bangin si Ulay habang tinitignan niya ang mga sketches ng ina. Kinakausap nito ang ina, sinabi nitong hindi na raw ba talaga siya babalik. Sinabi rin niyang wala na si JayJay at nalunod ito.

Umiiyak din si Jayjay sa bagong bahay niya. Kinakausap din niya at tatay niya. Hindi raw niya nailigtas si Ulay.

Sabay nilang binibigkas ang mga “Hindi sa tala sa langit kundi sa buwang nakasilip ibigay ang hiling ng matang nakapikit”

Ayan lumitaw na sina Piolo at Angel.

Let’s take a moment of silence…

…para kiligin kay Piolo. Bwahahahahahaha!

Sabay na sinasabi ni Noah at Lyka ang “hindi sa tala… .” Hindi nila alam na magkalapit lang pala sila habang sinasabi nila ito.

Nagwiwish si Lyka na payagan na siya ni Clara na pumasok sa fashion design school. Sinasaktan pa rin siya nito.

Sampung taon na ang nakalipas mula noon gabing iyon sa ilog. Sinabi ni Noah kay “Ulay” na sundalo na siya sinunod na niya ang gusto ng Daddy niya (iyong adoptive parent niya), bawat buhay na mailigtas daw niya at bawat taong mailayo niya sa pangarap si Ulay at ang tatay niya ang iisipin niya. Habang buhay daw niyang pagbabayaran ang mga kakulangan niya sa kanilang dalawa. Kung magkita man daw sila Ulay at Tatay niya pakisabi na lang daw sa tatay niya siguro gusto na rin niya na maging sundalo si Noah, tutal ipinagkatiwala naman siya nito sa daddy niya.

Hindi na raw Ulay ang pangalan niya kung hindi Lyka, habang kinakausap pa rin niya ang imaginary Jayjay niya. Hindi pa rin siya binalikan ng ina. Sinabi niya kay Jayjay na ikumusta siya nito sa tatay niya.

Nagpasalamat sila sa isa’t isa — para inspirasyon.

Nagkasalubong sina Lyka Noah, pero umalis ulit si Lyka dahil naiwan niya ang libro niya.

Naabutan ni Noah na hine-hazing ng mga kasama niyang mga sundalo ang mga cadet nila. Tumanggi siyang sumali sa hazing kaya siya ang pinagpapalo ng mga ito.

Nagwawala si Anton (Ryan Eigenman) sa loob ng kwarto. Dumating si Lyka at siya na naman ang pinagdiskitahan ni Clara. Sinaktan niya ito ng paulit-ulit. Bumaba si Anton at pinigilan ang ina. Sinabi nitong walang kasalanan si Lyka at sinabi nito sa ina na kung mahal siya nito, iyon na ang huling pagkakataong sasaktan niya si Lyka — para kay Anton.

Hindi itinatago ni Lyka ang mga pasa niya sa school. Tinanong ng kaibigan ni Lyka sa school kung paano niya natatagalan ang pagmamalupit ni Clara sa kanya. Wala na raw kasi siyang ibang mapupuntahan at sila ang pamilya niya kaya hindi siya umaalis.

Napagalitan si Noah ng daddy niya. Dahil daw sa kanya nagkadisciplinary actions ang mga ka-mista niya.

Noong gabing iyon parehong nag-iisa sina Noah at Lyka sa gitna ng gabi.

Nagtetraining si Noah.

Nabangga ni Lyka si Lady Elle (Pilar Pilapil na dating Sheryl Cruz) noong nag-apply ito bilang isang fashion assistant. Natigilan ito noong makita niya si Lyka kaya kinuha niya ang application niya noong malaman niya ang sadya niya doon. Kahit tumutol si Elton (Gio Alvarez) ang isa sa mga designers niya, sinabi niya si Lyka na ang final choice niya.

Pag-alis ni Elton, sinabi niya kay Loida(?) na she smelled Lyka’s blood. Kakaiba daw siya kahit sa antas pa ng ibang mga lobo. Beinte anyos daw siya at soon, they’ll find out. May panahon pa raw para malaman kung tama siya na si Lyka ang matagal na nilang hinihintay.

Napanaginipan ni Noah noong bata pa siya at namatay ang tatay niya. Nagtraining si Noah noong naka-encounter niya si Bok(?) (Shaina Magdayao). Nagdwelo sila, natalo siya ni Noah. Nagyakap sila at nagkumustahan. Magkaklase pala sila dati. (Type niya si Noah).

Pingalitan ni Elton si Lyka dahil pinipicturan ng photographer si Lyka. Sinabi ng photographer na photogenic daw kasi si Lyka. Clumsy at natataranta pa rin si Lyka sa set.

Tinawagan ni Anton si Lyka at naririnig ni Clara ang concern ni Anton kay Lyka. Pinagalitan niya si Lyka noong ikinuwento niya ang tungkol sa sinabi ng photographer sa kanya. Babaero daw iyon at huwag siyang magpapaniwala sa sinasabi nito. Natigilan si Anton noong sinabi ni Lyka na wala pa raw siyang lovelife. Pagbaba ng phone, sinabi ni Clara kay Anton na ayaw daw talaga niyang makinig sa kanya. Hayaan na lang daw siya ng ina, sabi ni Anton. Nag-aalalang tinignan ni Clara ang kalendaryo, full moon na naman. (So naging lobo din si Anton?)

Napanaginipan ni Lyka ang ina. Nakakulong daw ito sa isang kwarto. Nakachain ang mga kamay nito at sinabi niyang may anak siya at pakalawan na siya. (Baka totoo kasi ipinakita rin si Maritoni Fernandez)…

6 Tugon to “Lobo, Episode 05”

  1. jhe Says:

    ang cute ng story ng lobo..unique..=)

  2. jd Says:

    thanks again sa update ptvj, hindi ko na naman napanood ang 5th episode. am missing a lot of good stuff na talaga. ano kaya sabihin ko sa boss ko na magsubscribe na lang sa TFC para wala akong palya sa lobo kahit i’m working! nahihibang na ata ako, hehehe. my boss might say sige pero kaltas sa sweldo mo ang monthly fee! hahaha. aruuuuyyyyy…..

  3. safiya Says:

    jd, ako sa you tube lang nakakanood kse wala akong tfc. o kaya dito, hanapin tignan mo ang episode 5 ng LOBO: http://abs-cbn-kapamilya-aficionado.blogspot.com/2008/02/watch-lobo-online-via-youtube-episodes.html

  4. jd Says:

    thanks a lot safiya. konti lang kasi ang alam ko sa computer e, basics lang. ang niece ko nga ang nagtuturo sa akin paano pupunta sa mga sites, blogs ,etc. kung nababakasyon s’ya dito and she taught me when she was seven! i have tfc dahil gusto ko may mapanood ang father ko na about filipino shows kung magbakasyon din s’ya dito. hindi kasi siya marunong sa computer. would you believe nalaman ko lang itong site ni ptvj dahil sa ysabella? i really enjoy it. just like now, just arrived from work ito na ang breakfast ko, hehehe. i saw lobo 5th episode sa kapamilya channel yesterday. nirererun nila kasi ang mga previous episodes ng mga teleserye on saturdays.

  5. annedito Says:

    ang guwapo ni piolo! crush ko na siya ulit…hehe…nag-improve naman ang acting ni angel, but hopefully she’ll just keep getting better. that’s one of the reasons i don’t like gma. i’m not into network wars, but i really do find their new talent to be stiff. walang pagka-natural ang acting nila kaya pagka-lipat nila sa dos, talagang kitang-kita ang pagka-baguhan nila. if it weren’t for the veteran actors/actress (jean garcia, richard gomez, etc.) wala ng manonood sa kanila.

    anyways, back to LOBO…ang guwapo talaga ni piolo. bumalik na ang pagka-cute niya. okay, tapos na ‘ko sa kaka-drool over him.

  6. ray Says:

    Hi Guys,

    I made a blog that features the latest episodes of Lobo.
    Watch online now for Free. Courtesy of Youtube videos. =)

    Copy and paste if clicking on this link below does not work.

    raystv.blogspot.com

    Enjoy!! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: