Kuro-kuro sa Wowowee

by

Nabubwisit ako kapag si Willie minamadaling masyado ang mga contestants. Alam ko naman na may mga contestants na ninanamnam ng husto ang 15-minute fame nila kaya kailangang rendahan ng konti. Pero minsan kasi masyado ng garapal ang pagmamadali.

Bawasan na lang kasi ang pagkanta sa unang bahagi ng show para mas may oras kayo sa mga palaro niyo.

Sana may ibang contests din kagaya noong mga variety shows noong unang panahon (well, noong bata pa ako). Sana may mga dance contests din, iyon bang mga ganoong type. Huwag na beauty contest. Unang-una feminista ako and don’t get me started with beauty contests, nanggagalaiti ako. At saka naku ha, kung gusto niyong mag-interview si Willie ng mga babaeng nakabikini at high heels dapat very careful sa mga itatanong.

Dapat huwag masyadong magpahalata sa pagiging biased. Obvious naman kasi na kapag ayaw kang manalo ni Willie, malabo kang manalo.

Ano pa ba? Mag-iisip pa ako…

6 Tugon to “Kuro-kuro sa Wowowee”

  1. nawawala Says:

    hay nako.. ako naiinis talaga kay willie… parang napaka-maniakis at mayabang at plastik! ayokong pinapanood yan eh… heheh.

  2. ptvj Says:

    nawawala, bakit ka nawala? namiss tuloy kita hehehe

  3. nawawala Says:

    hehehe… nax naman… hihihi… nagbabasa pa rin ako minsan. lately kase tinatamad na ‘kong manood ng mga teleserye eh! o kaya di ko rin naaabutan…

    anyway… nagbabasa na naman ako ng mga comments sa PEP, yung tungkol kay kc. tignan mo na lang. parang mga tanga yung iba, sabe “sayang sa ch. 2 si kc, di ko sya mapapanood” blah blah kase raw SOLID kapuso sila… parang tangek!!! nakakatawa na nakakainis! kakairita…! parang bawal maglipat ng channel kung pineprefer mo yung isang channel… ang labo!

  4. jhe Says:

    ayoko kay willy, kahit kapamilya ako mas gusto ko pa eat bulaga kesa wowowee..=)

  5. NoCar Says:

    gusto to lang sa wowowee yung mga contestant, kasi sila ang “tunay” na tao. si willie plastic talaga. although gusto ko rin ang ibang mga joke niya.

  6. annedito Says:

    ang daming mga bata na nanonood ng show. dapat medyo gawin naman PG ang mga topic. hindi na maalis ang pagka-manyakis at plastik ni willie. the “feel good” and charity concept ng show na yan ay nawala na. ngayon kapag tinawag mo ng “pogi” si willie then baka manalo ka. napaka-insecure naman niya para magbigay pa ng extra 500 pesos para matawagan lang siya ng pogi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: