MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 39

by

Habang bumababa si Joaquin sa hagdanan ay ipinikit ni Lena ang mga mata niya. Laking dismaya na lang niya noong makita niyang hindi si Joaquin si Joaquin. (Hindi muna kasi inalam kung totoong si Joaquin nga iyon, sus). Tumakbo ito papalabas at doon umiyak. Sinundan siya ni Jackie. Nag-sorry si Jackie akala kasi niya nahanap na nila si Joaquin, nangako ito na hindi siya hihintong hanapin si Joaquin. Nag-iyakan sila, nagbolahan sila, blah blah blah…

Sinabi ni Veron kay Mateo na bastos si Corazon kaya pa-english english pa raw ito. Ayaw maniwala ni Mateo at sinabi nitong inggit lang si Veron dahil walang nagmamahal sa kanya. Nag-ring ang cellphone ni Veron pero hindi niya sinabi kay Mateo kung sino ang tumatawag sa kanya. Basta ang sinabi lang nito ay hindi lang kay Fidel umiikot ang mundo niya.

Ayaw sagutin ni Celine ang tawag ni JB sa cellphone niya kahit na anong kumbinse ni Onay sa kanya. Nagseselos pa ito kay Vanessa. Biglang nag-ring ang cellphone ni Onay at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ayaw naman itong sagutin ni Celine. Basta siya raw ay may karapatang magselos. Sinabi niya kay Onay na huwag niyang sagutin ang cellphone niya. Bwisit na bwisit naman si JB sa kabilang linya. Bumalik na lang siya sa ginagawa niya with his coworkers.

Dumating si Vanessa at masaya niyang ibinalita sa grupo dahil naapprove daw ang project ni JB. Nagplano silang magcelebrate. Party daw after work. Sinabi ni JB na hindi siya makakapunta dahil kailangan niyang sunduin ang girlfriend niya, hindi siya pinayagan ni Vanessa. (Bwiset, sabihin mo na kasing may kanser na yang syota mo tignan ko lang kung hindi sipunin ang mga iyan sa kakaiyak. Pwera siempre si Vanessa da hil magbi-viva ya). Nag-ring ang phone niya at si Corazon ang nasa kabilang linya.

Nagrereklamo ito bakit daw iniwan siyang mag-isa doon. She was screaming torture and boredom (habang sinasabi niya ito nagpapamasahe siya).

Tinutulungan naman ni Celine si Onay na maghanda ng mga lahok sa lulutuin nila. Naiinis pa rin si Celine dahil nag-give up na raw si JB, ni text or tawag daw wala na. Onay assured her na malabo siyang palitan ni JB. Lalo na raw maganda siya, sexy, matalino…at may sakit, dagdag ni Celine. Sinabi ni Onay na hindi naman siguro mababawasan ng sakit ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Dapat daw lumabas siya at ipakita daw sa buong universe kung paano siya chumever. Hindi man maintindihan ni Celine ang sinabi ni Onay, natawa na rin siya (hindi rin pala alam ni Onay ang ibig sabihin nun maganda lang daw pakinggan).

Inaayos nina Onay at Celine ang mga costumes na nasa pangangalaga ng Lolo Bogs niya (Sa wakas alam ko na rin ang pangalan niya). Iyong iba raw pinapatago lang sa kanya, iyong iba hiningi niya. Kahit daw iyong ipinang-prom niya doon niya kinuha. May natiphang pulang dress si Celine.

Isinukat niya ito with matching wig ni Joko. Tuwang-tuwa sina Onay, Joko at Bogs. Lalabas daw sina Celine at Onay that night.

Pumunta sa opisina nina JB sina Celine (na nakawig at dress pa rin with matching high heels) at Onay. Kinakabahan si Celine, baka raw hindi tanggapin ni JB ang sorry niya. Pinalakas ni Onay ang loob niya.

Nakatulog si Eli sa desk niya sa opisina. Ginising lang siya ng secretary niya dahil nasa kabilang linya si Amang. Sinita iyon ni Mateo. Hindi raw dapat nakikita iyon ng mga tauhan nila baka isipin nilang sila rin pwede nilang gawin iyon. Tumawag daw si Amang dahil may gusto siyang ipakiusap kay Eli.

Pinuntahan ni Eli si Corazon at may dala itong regalo (ito ang ipinakiusap ni Mateo). Sinabi ni Eli na baka raw kasi hindi nito maipagkatiwala sa iba ang ipinadala niya. Binuksan ni Corazon ang regalo. Ferrero Rocher chocolates ang laman nito.

Sinabi ni Eli na baka raw ginawa lang ni Mateo na dahilan iyon para makapag-usap na sila. Wala raw silang dapat pag-usapan sabi ni Corazon. “The magnitude of what has happened betwen all of them is so great that no one in their right mind can ever forget that” daw. Hinding-hindi raw niya mapapatawd si Eli.

Hiniling ni Eli na kahit hindi na lang siya, kahit si Gloria na lang ang patawarin ni Corazon. Hinding-hindi raw mangyayari iyon sabi ni Corazon. Sinabi ni Corazon na ibalik daw niya ang mga barko niya at ang kumpanyang itinayo niya, baka raw mapatawad pa niya ang mga ito. Until the huwag daw itong lalapit sa kanya para humingi ng tawad. Pinasabi niya kay Mateo na hindi siya natutuwa sa mga diskarte niya…

3 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 39”

  1. Mariel Says:

    The magnitude of what has happened betwen all of them is so great that no one in their right mind can ever forget that daw.

    Astigin, nakuha mo pa un? Hehe… hinahabol ko un kagabi, hindi ko masyadong natandaan but I got the meaning. It’s just cute that you included this in summary na almost “as quoted”, lol.

    Adik na ko sa kwentong to. Nagmarathon nga ako ng Book 1 at 2 hours pa lang ang tulog ko for 48 hours. Lufet ko.

  2. ptvj Says:

    isa-summarize ko na lang sana kaso she had me at “the magnitude…” so decided just to quote her. which reminds me, i have to put quotation marks😀

  3. jhe Says:

    hmmm..excited na ako mkita si joaquin!! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: