Lobo, Episode 4

by

Nakita ni Jayjay ang ama at ang LOBO. Aksidente nahulog sa bangin si Emil sa kaiiwas sa LOBOng si Nessa. Malungkot na tiningnan ng lobo ang nahulog na si Emil. Paglapit ni Jayjay sa kinaroroonan ng lobo ay nakita niya ang duguang katawan ng ama. Naghihinagpis ang anak sa sinapit ng amang si Emil. Kumahol ng kumahol ang lobo, natakot si Jayjay pero hindi pala ang bata ang kinakahulan ng lobo kundi si Minyong na nahulog sa puno. Hinabol ng lobo si Minyong.

Sumunod pala sa gubat si Anton, nang narinig nito ang boses ni Ulay na tinatawag si Jayjay, tumakbo si Anton sa pinanggalingan ng boses ni Ulay. Nagdalawang grupo naman ang LUNA groups, at nagpatuloy sila sa paghahanap sa taong lobo. Hinahabol pa rin ng lobo si Minyong nang biglang lumitaw si Anton at ito ang nakagat ng lobo. Nakita na ni Ulay si Jayjay (dala dala nito ang natagpuang mga gamit ni Emil).

Iyak ng iyak si Jayjay habang patuloy na binabanggit ang mga katagang “pinatay nya ang tatay ko”. Itinuro ni Jayjay kay Ulay ang bangkay ng ama. Samantala hindi naabutan ng lobo si Minyong. Nagsatao na si Nessa, nang matagpuan ito ng isang grupo ng LUNA na pinamumunuan ng isang babae (Maritoni Fernandez). Kinausap ng babae ang mga kasamahan na walang dapat makaalam sa gagawin nila. Binaril ng pampatulog (yata) si Nessa.

Galit na galit na umiiyak pa rin ang batang si Jayjay sa pagkamatay ng ama. Ayaw nitong iwan ang ama.

Nakarating na sa kabayanan ang nagsisigaw na si Minyong. Nilapitan ni Father Ben (Simon Ibarra) ang nagsisigaw na si Minyong. Pilit nitong inunawa ang kinukuwento ni Minyong ng pautal, “aso – tao – halimaw – Doc Emil- patay. Dumating ang humahangos na si Clara, sinabi nitong nawawala ang anak niyang si Anton, at nawawala rin sina Nessa at Ulay. May lalaking dumating karga nito ang walang malay na si anton. Nagkita kita sa kinaroroonan ng mga sasakyan nila ang LUNA groups. Inusisa ni Leon (Christan Vasquez) ang ilang kasamahan kung nakita ang taong lobo. Itinanggi ng kasamahan na nakita nila ang taong lobo.

Hinanap sa gubat ng kura paroko at ilang kalalakihan sina Nessa, Emil, Ulay at Jayjay. Natagpuan nila ang dalawang bata, at nakita rin ng mga ito ang bangkay ni Doc. Emil. Sa burol ni Emil ay dumating si Leon at sinabi nito kay Father Ben na siya ang itinalaga ni Emil na mag-aalaga sa anak, kasi matalik na kaibigan daw siya ni Emil at wala nang kamag-anak ang mga magulang ni Jayjay. May ibinigay na mga papeles si Leon sa pari bilang katunayan na siya ang guardian ni Jayjay.

Nagpapaalam si Ulay sa mama Clara niya na pupunta siya sa kalarong si Jayjay, sinaktan na naman ni Clara ang pamangkin. Pinuntahan ni Ulay si Jayjay sa libingan ni Emil, doon ay nag-iyakan na naman ang magkaibigan. Nangako sa isa’t isa ang dalawang bata na hindi sila mag-iiwanan at aalagaan nila ang bawa’t isa, pagkatapos ay nag-magic embrace sila. Inaayos nina Leon at Father Ben ang mga gamit ni Emil, ibinigay ni Leon ang nakitang box (nakapangalan kay Fr. Ben) sa pari. Dumating si Jayjay at sinabi na rito ni Leon na siya na ang magiging tatay ni Jayjay, subalit ayaw ng bata sapagkat si Emil Ortega lang daw ang ama niya, at umalis ang bata. sinabi ni Fr. Ben na hayaan na muna ni Leon si Jayjay kasi nagluluksa pa ito.

Sa gubat, gumagawa ng sulat ang dalawang bata para sa kanilang mga magulang. Nag-wish sila sa “Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang sumisilip. Ibigay ang hiling ng matang nakapikit”. Pag-uwi ni Jayjay ay nandoon ang galit na naghihintay sa kanyang si Leon – sinabi nitong mag-impake na sapagkat aalis sila kinabukasan.

Pinuntahan ni Jayjay si Ulay at ipinaalam sa kalaro na dadalhin siya ni Leon sa bahay nito. Umiyak si Ulay dahil magkakahiwalay sila ng kaibigan. Sinabi ni Jayjay na magkita sila sa Pulang Bato (magtatanan?), kasi aalis silang dalawang lang at hindi siya sasama kay Leon. Nagpaalam si Ulay sa pinsang si Anton at hinalikan ito sa pisngi, natuwa si Anton. Nagkita sa kanilang tagpuan ang dalawang bata. Sumakay sila sa bangka (balsa). Habang nasa ilog sila ay sinabi ni Ulay na natatakot siya, lumapit sa kanya si Jayjay at binigay ang kwintas na binigay ng ama – para daw lumakas ang loob ni Ulay. Ibinigay rin ni Ulay kay Jayjay ang kwintas na binigay ng ina, at magic embrace ulit. Tumaob ang balsa na sinasakyan ng mga bata.

Sa hospital (?) na nagising si Jayjay at hinanap kaagad nito ang kaibigan, pero sinabi ni Leon na patay na si Ulay. Hindi makapaniwala si Jayjay na patay na si Ulay, umiyak ito ng umiyak.

Samantala natapuan ng dalawang lalaki si Ulay na walang malay sa pampang ng ilog. Nakilala ng mga lalaki na pamangkin ito ni Clara. Napagpasyahan ni Clara na dalhin na lang sa ospital sa Maynila ang hindi pa gumagaling na si Anton. Pumayag si Anton pero gusto nitong isama si Ulay, tumutol si Clara. Dumating si Father ben na kasama ang dalawang lalaki na nakatagpo kay Ulay sa ilog.

Isinama na ni Leon si Jayjay sa bahay nito. Ipinakilala ni Leon kay Jayjay ang baby girl na anak nito, si Zoey. Sinabi nitong mula sa araw na iyon ay kapatid na niya si Zoey kasi siya (Leon) na ang magiging tatay ni Jajyay.

Nakaluhod sa munggo (Aray! Maalaala mo kaya sa akin ang eksenang ito huhuhu!) si Jayjay bilang kaparusahan sa tangkang pagtakas nito. Habang umiiyak na nakaluhod ay sinasabi ni Jayjay na hindi pala mabait si Leon. Pinayuhan ni Leon si Jayjay na mag-move on and be a man sa mga pagsubok ng buhay.

Ayaw ni Jayjay na tawagin siya ni Leon nang Jayjay, Noah daw ang itawag sa kanya – tatay lang daw niya ang may karapatang tumawag ng Jayjay sa kanya.

Pilit na pinapakain ni Clara ang pamangkin pero ayaw talaga nitong kumain. Sinaktan na naman ni Clara si Ulay pero dumating si Anton at pinigilan ang ina.

Umiiyak na yumakap si Ulay sa pinsang si Anton.

Nasa gubat si ulay at nag-wish ito sa buwang nakasilip. Lumaki na sina Ulay at Jayjay, nasa city na sila (hindi ako sure kung post office building iyong nasa background), nagwi-wish pa rin ang dalawa sa buwan habang binabanggit ang mga katagang “hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang sumisilip. Ibigay ang hiling ng matang nakapikit”.

3 Tugon to “Lobo, Episode 4”

  1. jd Says:

    sayang, hindi ko nakita ang madramang episode na to, am sure laglag din ang mga tears ko, any way thanks a lot for the update. makapanood nga mamaya sa 5th episode kahit very late na.

  2. jhe Says:

    mas cute ung young anton kesa kay young jay-jay..ganda ng lobo..wala pa akong episode na di npapanuod..=) d best..

  3. foobarph Says:

    This is for our valentine blogging activity! Have fun posting your own date of date of birth, together with the name of your love one on the first string! See my whole post and comment for more information. Have fun! (year of birth not included! ^^)

    http://foobarph.wordpress.com/2008/02/02/days-of-love/

    (kakaiba talaga ang quality ng mga telenovela pag nagsisimula sila. sana hanggang ganito till the end. ^^)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: