MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 38

by

Kinausap ni Fidel si Eli, sinabi nitong sana raw ay hindi madamay si Jackie sa mga nagiging alitan nila sa negosyo. At sana raw ay kagaya niya ay marunong si Eli na ihiwalay ang negosyo sa personal na buhay nila. Para na raw anak ang turing niya kay Eli, pero mula noong dumating sa buhay nila si Mateo para raw nag-iba. Ayaw raw niyang isipin na si Mateo ang dahilan ng alitan nila. Umoo lang si Eli. Pag-alis ni Fidel, nawalan na ng gana si Eli na ipagpatuloy ang pagkain niya.

Sumama si Celine sa bahay nina Onay. Naabutan sila ni Joko at ang Lolo nila. Galit na galit si Joko dahil natalo ito sa pageant. Tinawagan ni Celine si Jackie para ipaalam kung nasaan siya.

Walang kibo si Eli habang excited naman si Jackie sa pagkikita nina Lena at Joaquin next day. Napansion iyon ni Jackie. Sinabi ni Eli na stress lang daw iyon. Ayaw maniwala ni Jackie. Akala ni Jackie siya na problema ni Eli, pero Eli assured her na hindi siya ang problema niya. Huwag daw siyang alalahanin ni Jackie, wala raw iyon. Kung hindi raw makatulog si Eli sa mga bangungot niya, hindi raw makatulog si Jackie sa pag-aalala sa kanya. Eli suggested na mag-exercise sila sa kama para makatulog sila. (E kung nagkiskisan na lang sila…)

Bago matulog sina Onay at Celine, sinabi ni Onay na perfect for each other sina Celine at JB, bagay na bagay daw sila. Tinaggihan ni Onay si Celine sa alok niyang tabi na lang silang matulog dahil naghihilik daw siya. Nagpasalamat si Celine kay Onay. Sinabi ni Onay kay Celine na she understands daw na nagseselos si Celine kay JB pero sana raw kahit man lang tex i-text niya si JB.

Eli consulted someone (some guy) about his dreams. Sinabi nito na ang mga panaginip daw ay nag-uugat mula sa tunay na buhay. Kailangan daw niyang harapin ang mga problema niya para mawala ang problema.

Habang nag-aalmusal sina Onay kasama si Celine, dumating si JB. Walang kibo si Celine kahit na noong umupo sa tabi niya si JB.

Hinahanap ni Corazon ang mga kasambahay niya pero hindi naman alam ng staff kung nasaan ang dalawa. Ayaw niyang kumaing mag-isa kaya hindi na siya nagpahanda ng pagkain. Nakatayo lang siya while muttering that she’s bored.

Sarcastic si Celine sa mga tanong ni JB. Ayaw sumama ni Celine kay JB. Go to work and sleep with his boss. Nagalit si JB and he said “You know what, fine!” (Loko mo, binigyan mo ng permission…sige lang…)

Ayaw pa ring kausapin ni Veron si Lena kahit anong kulit ni Lena. Kahit na pa noong sinabi niya (through voicemail siguro) na magkikita na sila ni Joaquin.

The “doctor” (hindi siya mukhang doktor e) gave Eli reading materials tungkol panaginip. Ang lalake sa panaginip daw niya ay maaring too, maaring hindi.

Natatakot si Lena noong nakarating na sila sa bahay na sinasabing tinitirhan ni Joaquin. Bumaba na sa hagdanan si Joaquin…

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 38”

  1. jhe Says:

    c fidel..di mo malaman kung mbait ba or wat!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: