Lobo, Episode 03

by

ang pagpapatuloy…

Sinabi ni Emil na natuklasan na niya ang gamot na magpapagaling kay Nessa. Nagkaroon ng pag-asa si Nessa, at gusto niya sa oras na iyon din ay gamutin siya ni Emil pero tumanggi si Emil kasi hindi pa nasusubukan ang gamot sa tao.

Namamalengke si Nessa, umangal siya na mahal ang presyo ng manok, sumagot ang nagtitinda na tinaasan din daw kasi ng pinagkukunan niya ng manok ang presyo, kasi marami ang nangangamatay sa mga alagang manok.

Sumingit sa usapan ang “sintu-sinto” na si Minyong (Cris Villanueva), at sinabi nito na may kumakain daw kasi ng mga hayop. Nang marinig ang sinabi ni Minyong ay kinakabahang nagpaalam na si Nessa. Nagalit ang nagtitinda ng manok kay Minyong dahil sapinagsasabi nito. Pero pinagdiinan ni Minyong na totoo ang sinasabi niya kasi rinig na rinig niya mula sa bahay niya. Narinig sila ng isang lalaki (sundalo?) at tinanong nito si Minyong kung saan ito nakatira. (nakikinig sa usapan si Nessa)

Minyong : Sa gubat ho. Kapag bilog ang buwan, hindi na mapakali ang mga hayop, para hong merong nakikita.
Nessa : Anong nakikita?
Minyong : Bukas! bukas bilog ang buwan. Magpapakita ulit ‘yon.
Lalaki : Anong magpapakita? (tumalilis si Minyong) Boy! boy sandali! Habulin mo nga ‘yon. Ang labong namang kausap ‘to.

Ginigising ni Anton ang pinsan pinsanang si Ulay, pero ayaw pang bumangon ni Ulay. Nakita ni Anton ang nakasabit na drawing na ibinigay ni Jayjay kay Nessa.

Galit na kinuha ni Anton ang drawing at nilamukos ito. Nakita ni ulay ang ginawa ni Anton, at nag-agawan ang dalawang bata sa drawing. Sinabi ni anton na mas magaling daw siyang mag-drawing kaysa kay Jayjay. Habang nag-aagawan ang dalawang bata ay naitulak ni Ulay si Anton, nakita ito ni Clara. Sinaktan ni Clara ang pamangkin, narinig nang mula sa pamamalengke na si Nessa ang iyak ng anak.

Tumakbo ito at nakita na sinasaktan ni Clara si Ulay. Inawat ni Nessa ang kapatid pero ayaw nito magpa-awat, nagalit si Nessa at sinakal niya ang nakatatandang kapatid. Inawat ni Ulay ang ina sa ginagawa nitong pagsakal kay Clara. Nang mahimasmasan ay humingi ng tawad si Nessa sa ate Clara niya, pero galit pa rin ang nasaktang kapatid.

Nagdrawing si Nessa at ibinigay ito sa anak, bilang kapalit daw ng nasira ni Anton. Nagandahan si ulay sa drawing ng ina, sila daw mag-ina iyong nasa drawing at ang gaganda ng damit nila. Umiiyak pa rin si Ulay, kasi gusto pa rin daw niya ang drawing na ibingay ni Jayjay. Pinatahan ni Nessa ang anak at itinanong sa anak kung ano ang ginagawa ng ama nito kung umiiyak si Ulay. Pinagbilinan ni Nessa ang anak na kapag wala na siya ay maging malakas ito at huwag basta iiyak. Sinabi rin ng ina na kung wala na siya, ay magpapakabait si Ulay sa tiya Clara niya kasi ito ang tatayong nanay niya kung wala na ang ina, dapat love daw ni Ulay sina Clara at Anton sapagkat pamilya sila. Habang nag-iiyakan ang mag-ina ay dumating si Jayjay na may dalang saranggola at niyaya si Ulay na magpalipad ng saranggola. Pinagbilinan rin ni Nessa si Jayjay na bantayan si ulay pag wala na siya. Nangako si Jayjay sa ina ng kalaro na siya ang bahala.

Sa tagpuan nila, ay sinabi ni Nessa kay Emil na nangyari na ang kinatatakutan niya – nasaktan nya ang kapatid. Pero inalo siya ni Emil na wala siyang kasalanan, na nagawa nya lang saktan ang kapatid kasi sinaktan nito si Ulay. Hiningi na ni Nessa ang gamot kay Emil pero ayaw pa ibigay ni Emil kasi hindi pa nga nasusubukan. sinabi ni Nessa na wala namang ibang dapat subukan ng gamot, kundi siya lang dahil siya lang ang bukod tanging nagdadala ng sumpa.

Sinabi ni Nessa na darating daw siya kinagabihan. Niyakap ni Emil ang kasintahan.

Sa bukid, gumagawa ng sulat si Ulay para sa ama. Nagka-idea si Jayjay na ipadala nila ang sulat sa heaven sa pamamagitan ng saranggola. Humingi ng ngiti si Jayjay sa kalaro, sapagkat napansin nitong malungkot si Ulay. Nagpromise ang batang lalaki na gagawa ulit siya ng drawing basta ngumiti lang ang kalaro.

May kumausap ka Jayjay na lalaki. Tinanong ng lalaki si Jayjay kung anak siya ni Emil Ortega. Nagpakilala ang lalaki, siya daw si Leon at kaibigan ng tatay ni Jayjay. Inusisa ni leon kung anu ano ang mga pinagkakaabalahan ni Emil. Sinabi ni Jayjay na ang ama ay palaging nagsusulat at kung anu ano ang binabasa.

Isiningit ni ulay na palagi rin daw kasama ni Emil ang nanay niya.

Nakita ni Ulay ang paparating na sina Emil at nessa. Nang makita Ni Emil si Leon ay pinauna na niyang umuwi sina Nessa at pinasama na rin si Jayjay, gumagabi na raw kasi. Bagaman at nagtataka ay umalis na si Nessa kasama ang dalawang bata.

Sinabi ni Leon na matalinong bata si Jayjay at kanino pa naman daw ba ito magmamana. Tinanong ni Emil kung ano ang pakay ng kausap. Sinabi nito kailangandaw ng LUNA si Dr. Ortega, at nanduruon siya para hingin ang matamis na oo ni Emil. Binigo ni Emil ang kausap at sinabing masaya na siya sa simpleng buhay.

Iginiit ni Leon na hindi nababagay kay Dr. Ortega ang simpleng pamumuhay (pinapakita ni Leon ang singsing na suot kay Emil), at huwag daw sayangin nito ang talino. Hinihikayat pa rin nito si Emil na sumapi LUNA oraganization, pero ayaw ni Emil kasi naniniwala ito na lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatang mabuhay – hindi siya papatay ng LOBO. Tinanong ni Leon kung dahil daw ba sa babaeng (nessa) kausap ni Emil kanina kaya tumatanggi ito, sabi ni Emil ay huwag idadamay ang babae dahil wala itong kinalaman.

Emil : Leon, hindi ako papatay ng LOBO. Tulad ng hindi ko pagpatay sa ibang mababangis na hayop.
Leon : Walang pinagkaiba sa mga kriminal ang mga mababangis na hayop na tinutugis ng LUNA. Layunin nito ay iligtas ang sangkatauhan sa salot at panganib na dala ng lahi ng taong LOBO.

Nagpaalam na si Leon at sinabi nitong bibigyan niya ng pagkakataon si Emil na mag-isip. Bago umalis ay sinabi rin nitong may nabalitaan siyang may pagala-galang LOBO sa lugar nina Emil. Sinabi ni Emil na wala siyang naririnig tungkol sa tinutukoy ng kausap. Binanggit ni Leon na bukod sa kanya (Emil) ay ang LOBO ang isa pa nitong pakay.

Kinagabihan, hawak-hawak ni Nessa ang kuwintas na ibinigay ng ama. Napansin ni Ulay na parang maysakit ang ina, sinabi ni Nessa na masama raw ang pakiramdam niya kaya niyaya niya ang anak na matulog nang maaga. Bago natulog ay nagdasal ang bata na i-bless ang ina para mawala na ang sakit. Isinuot ni Nessa sa anak ang kuwintas, at sinabing mahal na mahal nya ito.

Si Emil ay parang nagpapaalam sa anak, isinuot nito kay Jayjay ang kwintas na bigay sa kanya ni Nessa. Nagbilin pa si Emil na maging matapang si Jayjay, at kahit hindi siya nakikita ng anak ay naduon lang siya sa tabi nito. Nag-promise si Jayjay na magiging matapang siya, para kahit wala na ang ama ay maging proud ito sa kanya.

Pumunta na sa gubat si Emil dala ang mga gamot para kay Nessa. Sinundan siya ni Leon. Habang naghihintay si Emil ay nakita niya ang isang LOBO, nagpalit ng anyo ang LOBO at ito ay naging si Nessa. Hinubad ni Emil ang suot na polo para itakip sa hubad na katawan ni Nessa. Nagising si Ulay at lumabas ito ng kwarto, tinanong niya ang tiya Clara niya pero wala daw itong alam kung nasaan ang nanay nya.

Inilabas na ni Emil ang dalang mga gamot. Hindi nila namamalayan na may tao sa paligid, na nakakasaksi sa lahat, si Minggoy – nasa itaas ito ng puno.

Habang hinahanap ni Ulay ang ina ay nakasalubong nito si Jayjay. Niyaya no Ulay ang kalaro na samahan siyang hanapin ang ina kasi maysakit daw ito.

Bumangon si Anton at sumilip sa kwarto nina Ulay pero wala siyang nakitang tao.

Nag-aalangan si Emil na ibigay ang gamot kay Nessa, kasi natatakot siya dahil hindi pa nasusubukan ang gamot sa tao. Pero iginiit ni Nessa na ibigay na sa kanya ni Emil ang gamot. Kung saan saan na nakarating ang dalawang bata sa paghahanap, nagyaya ng umuwi si jayjay pero tumanggi si Ulay kasi napanaginipan raw niya ang ina na nagpalit ng anyo. May napadaan na isang lalaki at sinabi kay Ulay na nakita niya si Nessa papuntang bundok.

Naghahanda naman si Leon at ilang tauhan para sa pagsagupa sa LOBO.

Nag-aalangan pa rin si Emil sa gagawin pero wala siyang nagawa kundi ibigay ang gamot kay Nessa. Niyakap muna ni Emil si Nessa. bago tinurukan ng gamot.

Nakikita lahat ni Minyong ang nangyayari.

Patuloy pa rin sa paghahanap ang dalawang bata.

Nagpasalamat si Nessa kay Emil sa ibinigay nitong gamot. Sinabi ni Nessa na malamig, tapos mainit ang pakiramdam niya. Sinabi ni Emil na umeepekto ang gamot. Sa isang iglap ay naging LOBO si Nessa, nagulat si Emil.

May umungol. Narinig ito ni Jayjay at tumakbo papunta sa gubat, nakasunod si Ulay. Narinig rin iyon ni Leon at sinabing tama nga ang narinig nilang may taong lobo sa lugar na iyon.

Tumakbo ang LOBO, sinundan iyon ni Emil. Tumatakbo rin ang mga bata, hinahanap pa rin ang mga magulang. Naghahanap naman sa taong lobo ang grupo nina Leon.

(Haaay! napagod rin ako sa katatakbo nila – Neneng).

Patuloy na kinakausap ni Emil ang lobo at sinasabi nitong siya si Emil, pero patuloy ang pagkahol ng lobo parang sinasabi kay Emil na lumayo.

Tumatakbo pa rin Jayjay. Sa kaa-atras ni Emil ay nahulog ito sa bangin. Nagsisisigaw si Minyong sa nasaksihan. Nakita ni Jayjay ang pagkakahulog ng ama. Nang makita ng LOBO ang papalapit na si Jayjay ay tumakbo ito. Nakita ni Jayjay ang katawan ng ama na walang buhay.

Teaser : Ipanikita na sina Lyka at Noah.

4 Tugon to “Lobo, Episode 03”

  1. jd Says:

    this is the first time i watched lobo. wow, galing ng acting ni agot at ni emil. interesting ata itong lobo, masundan nga tuwing off ko. excited akong makita si papa piolo, hehe, lalo na ang wankata. hay…….

  2. goms Says:

    Grabe sa positive comments ang LOBO. well orchestrated talaga! Quality talaga! Hindi kayang i-tampered o manipulahin d kagaya ng ratings na yan! Kainin nyo ng buo GMA ang ratings na yan..inyong inyo nayan! kawawa naman kayo!Baduy! AWWWWWWOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!

  3. No Car Says:

    Wow talaga, Super talaga. Just keep your fingers cross that the script writters will not screw up in future. Kay maaga pa lang manawagan na tayo sa kanila. “hoy” mga script writters binabalaan namin kayo, huwag na wa kayong makakamaling sirain ang tiwala namin at ang dignity ng ABSCBN” This is your last chance marami na kayong sinirang teleserye. Nabawasan na ang tiwala namin sa inyo.

  4. jhe Says:

    nkakaiyak pag eksena na nila emil at nessa..ung 1st episode, dhil sa kanila npaiyak ako!! harhar

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: