MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 37

by

Sinabi ni Fidel kay Jackie na ayaw niyang pinupuntahan siya ni Lena sa opisina. Si Jackie daw ay okay na okay na pumunta doon because he knows that she cares that. Ayaw daw niya si Lena doon. Sinabi ni Jackie na gusto lang daw nilang dalawa ni Lena na bisitahin si Fidel. Sinabi ni Fidel na huwag siyang magpapasulsol sa kapatid niya. Sinabi ni Jackie na siya ang may gusto noon. Ayaw pa rin ni Fidel na puntahan siya ni Lena doon. Hindi sinabi ni Jackie kay Lena pinagalitan siya.

Nag-aaral ng belly dancing si Veron. Habang kausap niya si Mateo sinabi nitong sabihin niya sa prinsipe (iyong Arab prince na nakilala niya sa opisina) na marunong na siyag mag-belly dancing pero hindi pa iyon ang total performance niya dahil marunong pa siyang mag-tumbling. Nilinis din niya ang penthouse ni Mateo dahil para daw itong kural.

Dumating si Corazon sa bahay ni Mateo. Hindi naririnig ni Veron ang doorbell kaya nainip si Corazon at bigla na lang itong pumasok at nakita ang sumasayaw na si Veron.

Sinabi ni Lena kay Jackie na pwede naman siyang humingi ng tulong kay Mateo pero nahihiya lang daw ito sa kanya kasi kapag nagkataon, dalawa na silang mag-ina na nagtatrabaho sa kanya. (Mukhang nag-gi-give up na siya kay Fidel).

Nakatanungan nagkapilosopohan ang sina Veron at Corazon. Umalis na si Corazon but not before leaving word na Mrs. Corazon Roxas Vda. de Berenguer(sp?) paid a visit. Natawa lang si Veron.

Pag-uwi nina Jackie at Lena nakasalubong nila si Monique at inihahatid sa driveway si Col.Saludares . Sinabi niyang may nakuha na siyang lead kung saan nila mahahanap si Joaquin. Tuwang-tuwa si Lena. Totoo nga raw ang sinabi ni Impo. Abot ang pasasalamat ni Lena.

Natulala naman si Eli noong nakakita siya ng kalapati sa hood ng kotse niya.

There’s a tinge of jealousy noong kinompronta ni Corazon si Mateo tungkol kay Veron. Huwag daw siyang mag-alala at siya lang ang laman ng puso niya. Ayaw maniwala ni Corazon dahil hindi man lang daw ito nagpapakita. Busy lang daw si Mateo. Playing hard to get naman si Corazon kaya binabaan niya ng telepono si Mateo.

Hindi pa rin sinasagot ni Veron ang tawag ni Lena. Nag-ring ulit ang cellphone niya at ang prince ang tumawag kaya sinagot niya.

Sinabi ni Monique kay Fidel na gusto ng bumuko nina Jackie. Sigurado si Fidel na si Eli lang ang may gusto noon. Hindi daw siya papayag. Tama naman daw na bumukod sila pero malulungkot lang daw siya sabi ni Monique. Sinabi ni Fidel na kaya raw sila lumipat ng bahay dahil umaasa silang pati ang mga magiging apo nila doon na titira. Kaisa-isang anak daw nila si Jackie at karugtong na ng buhay nila.

Huwag daw muna siyang mag-re-react sabi ni Monique dahil baka raw pansamantala lang daw iyon at malay daw nila baka lumipas din iyon.

Naghihintay na naman sina Onay at Celine sa may gate nila para kay JB. Nag-aalala si Onay kay Celine dahil baka mahamugan ito. Humihingi ito ng pasensiya kay Onay dahil ginabi na naman ito. Gusto sana niya mag-stay in na lang si Onay pero sinabi ni Onay na mamimiss niya ang lolo niya at si Joko.

Naabutan sila doon ni Corazon. BUmaba ito ng taxi. Itinanong ni Celine kung bakit noon lan g siya umuwi, they’re starting to get worried na raw. Sinabi ni Corazon na tinatanggihan siya ng mga taxi. Who’s bright idea was it daw na magtayo ng spa in the middle of nowhere. Sumabad naman sa Onay sa usapan at sinabi niyang marami talagang abusadong taxi, etc. Corazon snapped at her. Sinabi ni Celine na sumabay na lang daw ito kay JB next time. Ayaw daw niyang istorbohin ang anak niya, he’s inconvenienced at it is daw.

Namimili ng damit si Lena para isuot sa pagkikita nila ni Joaquin. Natataranta na ito pero supportive si Jackie.

Sinabi ni Onay na magkakontra daw ng zodiac sign sina Corazon at Celine kaya hindi daw sila magkasundo. Iniintindi na lang daw niya iyon para kay JB. Nag-rig ang phone ni Celine, sinabi ni JB na kailangan nilang magwork ng overnight. Narinig ni Celine na tinawag siya ni Vanessa para sabihing naroroon na ang pizza. Sinabi ni Celine na maarte ang boses niya. Tinawag ulit siya ni Vanessa (2 more times!). Naiirita na si Celine. JB said na it’s for the two of them na raw. He’ll be there before she wakes up.

Ibinaba na nina JB at Celine ang telepono. Tinawag ulit siya ni Vanessa (geez, annoyed na rin ako).

Tinanong ni Onay kay Celine na hindi raw ba siya makakauwi ngayong gabi…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: