Lobo, Episode 02

by

Ang pagpapatuloy:

Hindi matanggap ni Emil ang natuklasan, tumakbo ito ng tumakbo nang tumakbo … Buong paghihinagpis na napaluhod si Emil at inisigaw ang pangalan ni Nessa. Ang LOBOng si Nessa ay tumakbo rin ng tumakbo ng tumakbo nang walang tiyak na patutunguhan.

Nasa Bus ang mag-inang Nessa at Ulay (Sharlene San Pedro), nagising na parang naguguluhan si Nessa.
Ulay : Inay, bakit po?
Nessa : Wala anak, nananaginip lang si nanay.
Ulay : Kay tatay po ba? Ako din po kasi, nanaginip kay tatay.

Flashback kung ano ang nagyari kay Nessa nang magkahiwalay sila ni Emil.
Nagising si Nessa sa isang dampa.
Nessa : Sino po kayo?
Tata Selo : Anselmo ang pangalan ko. Tata Selo ang tawag sa akin ng mga mangangahoy dyan sa kabilang baryo. Ano bang nangyari at napadpad ka dito sa San Sebastian?
-Naalala ni nessa ang mga nangyari (iyong nagtakbuhan sila ng i Emil nang matuklasan nito ang kanyang pagkatao)


Tata Selo : pagpapasensyahan mo na lang itong konti kong pabaon, anak. Sigurado ka na ba sa desisyon mo iha?
Nessa : Di bale na hong mabuhay si ate at si Emil na may galit sa akin, basta ligtas sila. Ligtas sila sa kung anumang pahamak na puede kong dalhin.
Tata Selo : Ikaw ang bahala. Tutal wala namang masama kung paminsan minsan ay tumatakbo ka o tumatakas sandali, ang mahalaga – huwag mong kakalimutan ang daan pabalik. Dadating ang panahon, titigil ka rin sa pagtakbo.

Inilibing na ang ina nina Nessa at Clara. Nanduon si Emil, may dalang bag. May paring umaalalay kay Clara sa pagdadalamhati nito. Lumuluha sa pinagkukublihan si Nessa.
Nessa : Ate, patawarin mo ako. Emil … pinakamamahal kita. Patawarin niyo ako kung kailangan kong lumayo … mahal na mahal ko kayo.
-Luminga linga si Emil pero hindi niya nakita si Nessa.

Mag-isang namuhay sa isang liblib na lugar si Nessa. May lalaking tahimik na tumutulong sa kanya, si Nicolas (Kier Legazpi). Isang gabi, nagising si Nessa na katabi niyang natutulog sa papag si Nicolas. Galit na galit na pinagpapalo ni Nessa ang nakahigang si Nicolas, pinagsamantalahan siya ni Nicolas. Sa galit ni Nessa ay muntik na niyang mataga ang lalaki. Humingi ng kapatawaran si Nicolas pero galit na galit na pinaalis siya ni Nessa. Patuloy pa rin sa panunuyo si Nicolas. Isang araw ay nagsusuka si Nessa.
Nicolas : Nessa, galing akong bayan, binilhan kita ng damit.
Nessa : Nicolas, buntis ako – nagbunga ang kawalanghiyaan mo.
Nicolas : Pagbigyan mo ako, na itama ko ang pagkakamali ko.
Nessa : manuod ka Nicolas, ibukas mo ang mga mata mo – pagkatapos n’on saka mo hingin ang pagkakataon na hinihingi mo.
-nagsaLOBO sandali si Nessa. Nagulat si nicolas pero hindi ito umalis.
Nicolas : ngayon, naiintindihan ko na. Salamat at ipinakita mo sa akin ang totoong pagkatao mo.
Nessa : papaano mong natatanggap ito ni Nicolas? Layuan mo ako, hindi ako tao, isa akong halimaw na dapat katakutan.
nicolas : bakit ako matatakot? wala akong dapat gawin kundi pasalamatan ang Diyos. para sa iyo. Salamat nessa, aalagaan ko kayo ng anak ko, magiging masaya tayo tulad ng isang normal na pamilya.

Naging masaya si Nessa sa piling ni Nicolas at ng kanilang anak na babae, si Ulay. Isang gabi ay humahangos na dumating si Nicolas, hinahabol siya ng taumbayan – pinagbibintangan sila ng mga tao na pamilya sila ng halimaw. Tumakas silang mag-anak pero sa kasawiang palad ay nasugatan si Nicolas at hindi na nya kayang tumakbo, pinapatakas na lang ni Nicolas ang kanyang mag-ina pero ayaw siyang iwanan ng mga ito. kinausap ni Nicolas ang anak at sinabing maglalaro sila ng taguan, at kailangan nilang tumakbo ng nanay niya para hindi sila abutan ng taya (Nicolas) at hindi sila dapat abutan. Nakatakas si nessa at Ulay, pero si Nicolas ay naabutan at sinunog ng mga humahabol.

Nakarating na sa San Adolfo ang sinasakyang bus ng mag-ina. Napadaan sila sa kapilya, habang nagdarasal si Nessa ay tumingin tingin sa labas ng kapilya si Ulay. Dumating sa kapilya si Emil na may kasamang lalaki, pero iniwan rin siya ng kasama. Kung saan saan nakarating si Ulay. May nakilalang bata si Ulay, si Jay-jay na may asong ang pangala ay Bite, hinabol si Ulay ni Bite pero tinulungan siya ni Jay-jay. Nagkapalagayang loob kaagad ang dalawang bata. Samantala, sa simbahan ay nagkita ang dating magkasintahan na sina Emil at Nessa. Umiiyak na nagyakap ang dalawa.

Dinala ni Jay-jay si Ulay sa kanyang “kaharian” (iyong burol na tagpuan nina Nessa at Emil). Ginawang reyna ni Jay-jay sa kanyang kaharian si Ulay. Umiyak si Ulay nang mag-wish siya, pinapadaan daw nya sa tatay nyang nasa langit ang hiling niya para makarating kaagad sa Diyos. (ginagawa ko rin ito, sabi ko kay Papa na siya na ang bahalang kumalabit sa mga nasa taas para sa amin – Neneng).

Pinatatahan si Ulay ng kalaro, nasabi nito na nasa langit na rin ang nanay nya (kagaya ng tatay ni
ulay). May “bumati” na paru-paro sa mahal na reyna. nang lumipad ang paru-paro ay hinabol ito nina Ulay at Jay-jay, at aksidenteng “nagkahalikan” ang dalawang bata :”>

Sa simbahan.
Emil : Sa tagal ng panahon, akala ko ay hindi na kita makikita. Hindi ako makapaniwalang nandito ka ngayon sa tabi ko Nessa. Marami akong gustong malaman, maraming gustong itanong.
Nessa : nakapag-asawa ako Emil, nagka-anak din kami.
Emil : Pareho pala tayo. _______________________. Ang asawa mo, alam ba niya yong …
Nessa : Alam niya, alam nya ang lahat. Nakita nya kung ano ako, pero tinaggap pa rin nya – ang swerte ko. Pero wala na sya. ang anak ko? nasaan ang anak ko?

Hinanap nina Emil at Nessa ang mga anak nila. Nakita nilang magkasama ang mga ito. Umiiyak si Ulay na lumapit sa ina. Humingi ng sorry kay Nessa si Jayjay at sinabi ng batang lalaki na naglalaro lang naman daw sila ni Ulay. Nagpakilala si Jayjay na anak ni Doc. Emil. Nagpa-alam na sina Nessa sa mag-ama kasi pagod daw sila sa byahe. Ihahatid sana sila ni Emil pero tumanggi si nessa.

Nagulat si Clara nang makita na ang kapatid na si nessa pala ang kumakatok. Sinampal ni Clara ang kapatid. Humingi ng tawad si Nessa sa nakakatandang kapatid. Hindi ibinigay ang kapatawaran at walang imik na pinatuloy ni Clara ang mag-ina.

Tinanong ni Jay-jay ang ama, kung magkaibigan sila ni Nessa – magkaibigan na rin daw sila ni Ulay. pinayagan naman ni Emil ang anak. may hinahanap na formula (ng gamot?) si Emil.

Nakilala ni Ulay ang pinsan-pinsanan nyang si Anton (anak ng asawa ni Clara). Naglaro ang magpinsan.

Tinitingnan ni Nessa ang mga larawan nila ng kapatid ng mga bata pa sila. sinabi nya sa kapatid na sana raw ay manumbalik ang samahan nila – gaya noong mga bata pa sila. Ang sabi ni Clara ay masyado na raw marami ang nangyari, kaya imposible nang maibalik pa ang pagtitinginan nila gaya noong mga bata sa larawan. Nakita ni Nessa ang diary ng ama.

Pumunta sa burol si Nessa, yakap-yakap nya ang diary ng ama.

Habang nagdarasal si Ulay (matutulog na), ay naramdaman niyang may tao sa labas nang bahay, kumakahol ang mga aso – nang buksan nya ang bintana ay nakita niya si Jay-jay.

Pumunta rin sa burol si Emil.
Emil : Nessa
Nessa : Emil
Emil : Alam kong pupunta ka dito, naramdaman ko (naks!)
Nessa : Iba na ngayon
Emil : nessa, anong iba? Tumalon ang puso ko nang makita kita kanina (walastik! galing dumiga). Hindi mo alam kung gaano ko katagal pinaparusahan ang sarili ko dahil sa pagtalikod ko sa iyo noon. Sampung taon! Sampung taon na ang lumilipas pero walang isang araw sa sampung taon na iyon, na hindi ang mukha mo ang nilalaman ng puso ko. Pinagbigyan ako ng pagkakataon na makabawi ng Diyos, pinagbigyan nya ang hiling ko para sabihin sa iyo na Nessa, ikaw pa rin. (kinikilig ako)
Nessa: Emil
Emil : Nessa, mahal kita, noon, ngayon, kailanman. Pagbigyan mo na ako, na ipakita sa iyo na mahal kita.
Nessa : Tama na. huwag na, huwag na Emil. Tama ka. Mahal na mahal pa rin kita. Hindi maaari, hindi maaring magmahal ang isang halimaw na tulad ko. Kaya ako lumayo sa iyo noon, nakakabit pa rin ang sumpa. Magagaya ka lang kay Nicolas na isinugal ang buhay, alang alang sa akin. Mawawala ka lang ng tuluyan. Masakit pero bumalik lang ako rito para iwanan ang anak ko kay ate Clara. Hindi rin ako magtatagal, kung hindi ko rin mahanap ang gamot para sa sumpang ito, mas pipiliin ko na lumayo sa ikalawang pagkakataon para lang hindi madamay ang mga mahal ko sa buhay. Patawarin mo ako Emil at lalayo rin muli ako sa iyo.
-Paalis na si Nessa…
Emil : Walang lalayo. Hindi mo kailangang umalis.

Naglalaro sina Ulay at Jay-jay. nakangiti na lumabas ng bahay ang batang si Anton pero sumimangot kaagad ito ng makita na may kalaro na si Ulay. Niyaya ni Ulay si Anton na makipaglaro sa kanila ni Jay-jay pero pumasok ulit ng bahay si Anton. Nagtaka si Ulay.

Emil : Hindi mo na kailangan umalis. Hindi na natin kailangang maghiwalay. Nandito na ang gamot na gagaling sa iyo.

Teaser : Pinag-uusapan ng mga tao ang kumakain ng mga hayop. Kabilugan ng buwan at naging LOBO ulit si Nessa….

2 Tugon to “Lobo, Episode 02”

  1. jhe Says:

    nakakaiyak,,kawawa naman si nessa..=(

  2. mj Says:

    maraming-maraming salamat sa episode update…love this drama

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: