MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 36

by

May point naman daw si Lena sabi ni Mateo kay Veron, ano nga raw ba ang ipinaglalaban niya? Nainis si Veron kay Mateo. Aminin na raw ni Veron na kaya nagpuputok ang butsi niya ay dahil mahal niya pa rin si Fidel. Tanggapin na lang daw niya ang pagkatalo niya at huwag niyang ipakarga kay Lena ang galit ng puso niya because it’s not fair for Lena. Hindi nga raw niya maintindihan ang sarili kung bakit mahal pa rin niya si Fidel.

Sinabi ni Mateo na hindi siya mamahalin ni Fidel unless she’ll make it happen. But she’s not in the poisition to do that right now daw. (Parang he’s sending mixed messages kay Veron para lalo lang magulo ang utak niya. Gusto pa ata niyang ipadispatsa si Monique, lol.)

Naglalakad-lakad ang mag-inang Jackie at Monique. Nagwoworry si Jackie na baka lalong lumala ang situation nina Eli at Fidel. Sinabi ni Jackie na baka it’s best for Eli and Fidel na hindi na

magkasama sa iisang bubong. Nabigla si Monique, pero she agreed na kapag nag-asawa kailangan talagang bumukod. Pero sinabi ni Monique na bigyan pa sila ng time ni Fidel, especially Fidel, to get used to the idea na bubukod na sila.

Hindi sumasagot si Veron sa mga tawag at texts ni Lena. Nakita ni Lena ang note na idinikit ni Jackie sa pintuan for her:

Pinagtirhan ka namin ni Eli ng tuyo.
Bukas, Marami pa tayong lalakarin.
Hahanapin ulit natin si JOaquin.

Goodnight, Sis.

Love
Jackie.

Pagkabasa noong ni Lena, nagtext back si Veron. Sinabi nitong makulit siya pero okay na raw sila. Huwag lang daw muna itong tatawag, text lang daw muna.

Nag-aalala na si Celine dahil hindi nito macontact si JB. Tumawag na raw ito sa opisina pero sinabi noong nakausap niya na umalis na ito kasama ang boss niya. Pupunta na sana sila sa police station ni Onay noong biglang may dumaang sasakyan. Nakita ni Celine na babae ang nagmamaneho at ito ang naghatid kay JB.

Pag-alis ni Onay (na tumanggi sa offer ni Celine na doon na muna mag-stay), tinanong ni Celine kung bakit hindi ito tumawag or nagtext man lang. Drained na pala ang battery nito. Nagtampo si Celine pero nilambing-lambing siya ni JB.

Pinuntahan ni Eli si Pong (who by the way ay nagtuturo ng sayaw para sa kantang “Iyugyog Mo” sa mga kasama niya). Tuwang-tuwa si Eli noong nakita niyang sumasayaw si Pong. Masaya silang nagyakap. Habang kinakain ni Pong ang ipinadalang pagkain ni Jackie, napansin ni Pong na tahimik si Eli. Baka raw nananaginip na naman siya. Sinabi ni Eli na masaya raw na nakikita niyang masaya si Pong. Masaya raw siya pero iba pa rin daw sa labas. Iniisip na lang daw niya na may dahilan ang lahat at maybe it’s a way of bettering himself. Kagaya raw ni Eli, kaya raw siguro siya ibinalik for better purpose.

Nagmamadaling umalis si JB dahil may emergency meeting daw sila. Bago siya umalis inihabilin ulit ni JB kay Onay na alagaan niya si Celine at huwag itong aalis hangga’t hindi siya dumating.

Habang hinahanap nina Jackie at Lena si Joaquin, nabanggit ni Lena na nababagot na raw siya. Hindi raw siya sanay ng walang trabaho. Kailangan daw niya ng backer para makahanap ito ng isang matinong trabaho sa isang opisina (akala ko ba nursing student to, tapos sa opisina ang gusto niya) kung magigiging working student daw siya (Hello?! Si Mateo, si Fidel…duh!). Sinabi ni Jackie na huwag siyang mag-alala siya ang bahala.

Dinala ni Jackie si Lena sa opisina nila at ipinakilala niya si Lena sa lahat ng staff nila. Nahiya naman si Lena dahil hindi siya sanay. Nakita sila ni Fidel. Tinawag ni Fidel si Jackie at kinausap.

Nakita ni Onay si Celine na inaamoy ang polo ni JB. Akala ni Onay, BO ang ayaw na amoy na tinutukoy ni Celine (LOL). Inamoy ni Onay na baka raw pabango ng babae. Baka raw bading si Sir JB at Miss JB kagaya ng pinsan niyang si Joko. HAHAHAHA!

Ayaw ipalaba ni Celine ang polo ni JB, ipapaamoy daw niya ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: