Lobo, Episode 01

by

PTJV’s Note: Hey guys, please help me welcome Neneng onboard. She’ll be doing the text updates for Lobo. Thanks, Neneng!!!

Hindi ko pa alam kung anu-ano ang name ng mga characters kaya screen name ng mga gumanap muna ang sinulat ko.

Kabilugan ng buwan. Nakatitig sa buwan ang isang matipunong lalaki (Piolo Pascual) habang hawak hawak ang kuwintas, at sa kabilang banda ay nakatitig rin sa buwan ang isang magandang dilag (Angel Locsin) na may hawak hawak ring kuwintas na kahalintulad ng sa matipunong lalaki.

Sa kanyang ika-dalawampu’t isang kaarawan ay natuklasan ni Nessa (Agot isidro) ang kanyang tunay na pagkatao, ang pagiging isang taong lobo. Minana nya ito sa kanyang ama (diether ocampo). Habang isang lobo ay nakapatay ang kanyang ama ng isang tao. Inutusan ng ama ni Nessa ang kanyang asawa na tumakas kasama ang mga anak at pumunta sa isang malayong lugar na walang nakakakilala sa kanila. Ibinigay ni Diether ang kanyang huwintas sa anak na si nessa. Si Angel aquino ang gumanap na ina ng batang si nessa. Ang kanyang ama ay galing sa angkan ng mga taong lobo.

Humingi ng tulong ang ama ni Nessa sa kanyang kakambal na si Leonor (Sheryl Cruz). Ipinagtapat ni Diether sa kanyang kapatid na siya ay may anak. Hindi siya nailigtas ng kanyang kakambal sa parusang kamatayan na inihatol sa kanya bilang kaparusahan sa nagawa niyang kasalanan (nakapatay ng tao). Si Robert Arevalo ang gumanap na pinuno ng mga taong lobo at tatay ng kambal (Diether Ocampo at Sheryl Cruz).

Si Nessa ay may kasintahan na mahal na mahal siya at inalok siyang magpakasal. si Bobby Andrew ang gumanap na kasintahan ni Nessa (Agot Isidro). Hinati ni Nessa ang kuwintas (pinupok ng bato) na binigay sa kanya ng kanyang ama, ibinigay nito ang kalahati sa katipan. Nasabi ni Nessa sa kanyang kasintahan, ang kanyang pagtataka kung bakit silang magkapatid ay pinalaki na sa kanya nakatuon ang buong atensyon ng ina at kapatid.

Nang matuklasan ni Nessa na siya ay isang “halimaw”, labag sa kalooban ay nakipagkalas siya sa kanyang katipan. Nagtatalo sila ng kanyang ina (susan africa) dahil sa paglilihim nito sa kanya ng kanyang tunay na katauhan ng aksidenteng matulak ni nessa ang kanyang ina at tumama ang ulo nito sa bato na siya nitong ikinamatay. Si Irma Adlawan ang gumanap na kapatid ni agot Isidro. Dumating sa dampa nina Nessa si Emil (Bobby Andrews) at nakita nito ang nangyari. Tumakbo si nessa sa burol at doon ay sinundan siya ni Emil.

Sa burol habang pilit na kinukumbinsi ni Emil ang kasintahan na huwag lumayo sa kanya, ay naging lobo si Nessa. Hindi matanggap ni emil na ang kanyang sinisinta ay isang halimaw, umiiyak itong tumakbo nang tumakbo. Nakamasid sa papalayong si Emil ang aso (Nessa). Lumuluha ang asong puti (lobo).

Teaser : pagkaraan ng ilang taon ay nagkita ang dating magkasintahan na sina Nessa at Emil.

Neneng’s comment : Grabee! ang gagaling umarte nang lahat nang nagsiganap.

11 Tugon to “Lobo, Episode 01”

  1. Naodin Says:

    Yup, ang galing nilang lahat…
    perfect pra sken ang mga nagsipag ganap..
    ang ggling umiyak, nakakadala ng emotions…

  2. Raymond Lee Quijano Says:

    magaling silang lahat! sana maging maganda ang istorya hanggang sa matapos!

  3. Seth Says:

    Ok ang supporting Cast, sana ok din ang mga Bida.

  4. safiya Says:

    huli kong napanood si Diether Ocampo 2003, grabe may lalim na acting nya at HINDI na bulol! Si Shreyl Cruz ngayon ko lang uli napanood, nagmature na agn acting nya kaya lang tumaba sya. At si Agot Isidro, super gemacht in German, ang galeng nya. Napabilib ako pilot episode pa lang. Sana lang magtuloy tuloy ang ganda ng storya at acting ng lahat hanggang sa huli.

    Neneng, salamat, gleng gleng mo rin magstory telling.

  5. annedito Says:

    ang galing nga! talagang impress ako with the supporting cast and how the director made enough screen time for them all. kaya lang hanggang do’n nalang sila and hopefully angel can live up to the hype. kasi magaling naman si piolo eh so i hope bagay yung acting nila. i wasn’t that impressed with angel doon sa MMK episode niya. hope all that workshop worked…lol…but the pilot of LOBO was really impressive! galing ni diether and even sheryl cruz. nawala ang inis ko sa kanya from princess sarah…hehe

  6. dadz Says:

    the first three episodes of lobo was really heartwarming…
    the lines…
    the scenes…
    the actors were really great but i should say that agot isidro was such a surprise for everybody. (for those who haven’t seen her act on stage)
    she’s really amazing!!!

  7. dadz Says:

    sorry for the wrong grammar
    “the first three episodes of lobo were really heartwarming…”

  8. annedito Says:

    it’s okay dadz…

    we do not criticize each other here…we just harshly criticize the screenwriters, producers, directors, actors/actress, shows…etc…but never each other…LOL

  9. ptvj Says:

    tama ka diyan annedito, hehehe. ako nga hindi ko pinuproof read ang mga nilalagay ko dito. maybe i should start doing that😈

  10. jhe Says:

    sobrang galing nung cast..tlgang nk2dala bawat scenes!! can’t wait to see angel locsin!! idol ko tlga sya..=) galing ni diet..amazing!!

  11. dadz Says:

    thanks annedito…

    di rin ako nagalingan kay angel dun sa mmk. ung friday ep nila, medyo bitin pa rin ung kay angel.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: