Ysabella, Final Thoughts

by

Isang linggo na mula noong matapos ang pinakakaabangang pagtatapos ng isang teleserye. Talagang inaabanganng matapos ng mga tao dahil nabubwisit na siguro sila sa naging takbo ng story nito.

Unang-una, akala ko ba dati sa February pa ang ending nito? Mali ba ako o minove lang nila dahil sa Lobo. At kung tama ako ano kaya ang masasabi ni Alfie Lorenzo tungkol dito. Not that I really care.

Noong una maganda naman ang story niya di ba. Parang iyong mga story noong unang panahon, hanggang sa nakatulog na ata ang mga writers at hindi na nagising so iyong mga random babbles nila sa mga panaginip nila iyon na lang ang paulit-ulit na nangyari.

May gagawing masama si Victoria kay Ysay. Lalong maghihirap sina Ysay, tapos sasaluhin siya either ni Andrew, Albert o Mito. Tapos the cycle went on and on and on. Promise, minsan sa sobrang inis ko gusto ko na ngang magtagumpay si Victoria sa mga plano niya.

At saka bakit itong si Phoemela, siya lahat ang nagko-cover ng mga events sa buhay ni Ysay. Siya ang reporter noong ininterview niya si Mito pagkatapos ma-i-build ang Rosario’s Cusina, okay lang iyon dahil celebrity naman si Mito. Aba, ang lola siya pa ang nagcover ng mga newscasts noong may nagbreak-in sa bahay nina Ysay at pati sa trial. Ano kaya iyon.

Tapos ipinasok pa nila ang character ni Christina at Tingloy. As usual, naiwan ata ng mga writers nila ang mga utak nila sa 1700s at hindi nila alam ang concept ng DNA. Bakit ba biglang na lang naniwala si Albert kay Christina. Hindi naman nila kamukha ni Andrew ang bata. Dahil lang ba sa nakita niyang may picture si Christina at Andrew sa wallet ni Christina, ibig sabihin may anak na sila. Naalala ko tuloy iyong mga usong wallets noong bata pa ako, iyong may outside pocket tapos may picture siya ng mga artista. Aber, kung may picture ako nina Lotlot at Monching, ibig sabihin ba mga magulang ko na sila?

Si Victoria naman, noong earlier episodes ipinakita ang dahilan kung bakit siya naging masama at least alam natin ang pinagdaanan niya when she was younger. Pero noong naglaon, masahol pa siya sa two years old kung magdahilan sa mga paghihiganti niya kay Ysabella.

Ito namang si Mito. Noong una gusto ko siya para kay Ysay, pero later on nabwisit na rin ako sa kanya.

Don’t get me started with Albert. Too late, I already did. Noong una, noong nakapomada pa siya mukha siyang nerd (no offence sa mga nerd), tapos pinahaba ang buhok niya nag-transform naman siya as mistisuhing Tado. Hindi ko alam kung anong trip meron ang mga writers ng mga show na ito. Porke’t ba bigla na lang “lumayo” si Albert, ibig sabihin nawala na lahat ng gunting at pang-ahit sa Pilipinas kaya humaba ang buhok niya ng ganoon?

Ilang mga katanungan sa isip sa isip natin (hinango ko sa mga comments niyo DITO):

Did the writers even bother na isulat na nalaman ng mga mahal sa buhay ni Andrew na hindi siya talaga nagpakamatay?

Nasaan si Phuket?

Bakit hindi binigyan ng emphasis iyong pagkikita nina Albert at Ysay noong mga bata pa sila?

BAKIT TUMIGIL ANG AMBULANSIYA NOONG NAMATAY SI ALBERT?

At para sa mga writers: Lasing ba kayo o inaantok noong ginagawa niyo ang script ng Ysabella?

Iyon lang.

14 Tugon to “Ysabella, Final Thoughts”

  1. safiya Says:

    gaya ng sabi mo maganda story nito nung una ng nagulo storya inayawan ko. Pero pinanood ko ang huling linggo kse interesado ako kung paano natapos. ano ba yan bakit yung kambal pinatay. Kay Mito sya in the end dahil ba niluluto ang love team nila. marami rin akong tanong sa mga naunang character na bigla naglaho like si phuket.

    kakadisappoint lang na ang isang magandang storya sa simula eh lumalabo sa gitna hanggang sa katapusan. dame kse paningit.

  2. No Car Says:

    About Phuket, I remember seeing her character in wikipedia as Phuket- (something like) she is the only person who knows Victoria real identity. (whats with that!?) tapos hindi naman siya ang nag reveal ng secret ni Victoria. And hindi naman talaga secret, kasi at the very start alam na ng mga viewers na ninakaw niya ang recipe ng nanay in ysay.

  3. No Car Says:

    Sa totoo lang nawawalan na talaga anko ng gana sa mga teleserye. Eh hindi ka ba naman mabubuwisit, sobrang excited ka sa umpisa, kaya naman religiously sinusubaybayan natin lahat tapos ang pangit lang pala na katapusan. sometime sa gitna pa lang pumapanget na pero hindi parin tayo nawawalan ng pag-asa kaya patuloy pa rin natin pinapanuod pero ano ang napala natin wala. Pangit pa rin. Ayoko na!!!! (pero eto ako umaasa pa rin sa MSKM2) Yung lobo, palos etc. medyo skip muna ako.

  4. jd Says:

    nalilito ako, could any of you pls tell me kung ano ang dapat panoorin sa mga teleserye ngayon? kasi i don’t know kung may maganda ba. even my sister from pinas said nalilito din siya kasi even palos is just about running and running……..she’s wondering kasi parang wala ng katapusan sa katatakbo from the beginning. simula pa lang ng episode hanggang sa kasunod takbo lang ng takbo! what can you guys recommend to watch?

  5. hEavEN Says:

    I think when they see that a drama is rating well, they will drag the story to extend it. Kaya nag-iiba tuloy ang flow ng story. I was really hooked sa “Natutulog Ba ang Diyos”. What I liked about it is hindi sya masyadong mahaba at hindi nagpaikot ikot ang story… Till the very end, walang redundancy. My sister said that “Sana Maulit Muli” is also great. Why can’t they do that again? For me, ABSCBN’s forte is in good dramas but recently what we’re getting are long, going-non-sense series. Parang lugi na ko sa TFC ko. TV Patrol na lang ang gusto kong panoorin.

  6. hEavEN Says:

    oh PTVJ, i forgot to say that eventhough I stopped watching teleseryes recently, I still visit your site just to read your blogs. Your thoughts and your readers’ comments, really makes my “no-good-pinoydrama-to-watch” days.🙂

  7. jhe Says:

    badtrip ang ysabella…tagal kong sinubaybayan tapos ganon lang ang ending..di realistic!! lokohan ata ang gustong ibgay ng mga writers nito eh!! parang ung walang kpalit nila claudine at piolo..mbubuwisit ka lang,,sana ung lobo hndi gnito ung klbasan..hmmppp..

  8. jhe Says:

    tma ka jan no car..ang tgal mong sinubaybayan tapos ang panget ng ending..lokohan tlga! pag pnget din ktapusan ng lobo di na ko manunuod ulit sa chanel 2..sabotahe tlga..hmmp

  9. jhe Says:

    hindi sila lasing..high sila sa drugs noong gnwa nila mga scenes sa ysabella..

    this teleserye is a big n0-no..+(

  10. Joyce Says:

    hangang anong episode natapos and Ysabella? Hanggang 108 lang ako

  11. ptvj Says:

    joyce, i’m not sure. i stopped watching ysabella around that time as well. may kilala akong gumawa ng text update ng ysabella up until the end and she told me that i could post them here. i might do that when i’m not busy.

  12. Evelyn Says:

    hEavEN, panoorin mo na lang yong Sana Maulit Muli kung may time ka. However, kung ako lang, gusto kong bawiin my time na lilustay ko sa Sana Maulit Muli. It is like sci-fi na mahirap intindihin. [but that’s just me].
    I understand marami rin stupid movies ang Hollywood, kaya piling pili ang pinapanood ko. So, I guess it is the same way sa mga tele-novela natin sa Pinas.
    I’m curious why Ysabella story was treated poorly.
    I do like to reflect on and about a story.

  13. N.A Says:

    well is that how it all ends? Albert dying in ysay’s arms?
    I will have to agree with the first or the second complaint that i read that the ambulance stopped when they saw Albert dying on the floor.
    The ending is quite suspicious, interesting and disturbing because i want to know whether albert survived or not.
    By the way, why did’nt Mito used himself as a shield instead of albert? (sorry for the term “shield). Mito was fully hugging ysay- well, i guess that mito’s brain is working slow. I can not do anything with a soap opera, but give two thumbs up to the show.
    Is there a continuation? if so, please inform me cause i’m only watching it on the net since im far from philippines.
    Thanks.

  14. cristy Says:

    d pa namin napapanood ang buong istorya ng ysabella paano namin makikita ang episode na gus2 namin makita at mapanood sayang naman ang ganda pa naman pls lang episode 136 hangang finale pls mapagbigyan nyo sana kami sa request namin gustong gus2 pa naman namin c mito & ysay bagay na bagay cl sana magkaroon cl ng movie / piolo pacual

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: