Patayin sa sindak si Barbara, Final Episode (Episode 15)

by

Title: “Ang Huling Bulong”

Tumakbo lang si Barbara papalayo noong tinanong siya ni Fritz if she would marry him. Sinundan siya ni Fritz, nakiusap si Barbara. Huwag na raw pahirapan ni Fritz ang loob niya. Iniisip daw kasi niya ang kaligatasan nilang lahat. Kung mahal daw siya nito pakawalan na siya nito.

Pinuntahan ni Amanda ang umiiyak na si Barbara sa kwarto nito. Sinabi ni Amanda na hindi na siya pahihirapan. Mahal na mahal daw niya si Barbara. Tinawag niyang anak si Barbara.

Umiiyak sina Karen at Amanda noong papaalis na si Barbara.

Habang nasa sasakyan si Barbara, naisip niya ang mga iniwanan niya — sina Amanda, Karen at Fritz. Pinili niyang bumalik na lamang. Tinanggap ni Barbara ang proposal ni Fritz.

Nagseselos pa rin si John kapag nakikita niyang sweet sina Dale at Agnes.

Habang pinapasukat kay Barbara ang veil niya, naalala ni Amanda na isinukat ni Ruth ang wedding gown niya bago siya ikinasal. Pinigilan niya ito and for a split second, si Ruth ang nakita niya under the veil.

Naikasal na sina Fritz at Barbara (hindi man lang ipinakita ang wedding). Naroroon ang lahat pati na si John.

Hinahanap ni Agnes si John. Hindi nila alam dala ni John ang board para sa spirit of the glass.

Natakot si Barbara dahil bigla na lang may kalapating lumipad sa bintana niya. Hindi niya alam patay na ang kalapati when it landed on the ground. Nag-reready na si Barbara para sa honeymoon nila ni Fritz. Isinasama niya sina Amanda at Karen pero ayaw ni Amanda dahil lakad daw nila iyon.

Stupid John summoned Ruth’s soul. Alam daw nitong may gusto pa siyang gawin at tutulungan daw niyang gawin iyon.

Noong nagpaalam na sina Fritz at Barbara kay Karen sinabi ni Karen na sasama daw sa kanila si Chelsea, siya raw ang magbabantay sa kanila.

Pinalaya ni John ang kaluluwa ni Ruth. Nakita ni Dale si Ruth habang hinahanap nilang dalawa ni Agnes si John. Hinabol nila ito at nakita nila si John still where he was noong pinakawalan niya si Ruth.

Sinabi ni John na dahil kay Agnes daw kaya niya ginawa iyon. Gusto lang niyang patunayan na kaya din niyang gawin ang ginagawa ni Dale. Dahil mahal daw niya ito.

Tinawagan ni Agnes si Ruth. Nag-ring ang cellphone ni Barbara, pero hindi pinasagot ni Fritz (siempre honeymoon nila). Nasa backseat si Chelsea.

Narealize ni John ang ginawa niya. Itinigil nito ang sasakyan. Nagpasalamat si Ruth kay John. Lumabas ng sasakyan si John. Nakita niya si Ruth, masagasaan si John.

Kino-contact nina Tina, Amanda, Agnes at Dale sina Barbara pero hindi nila macontact. Pinuntahan sila ng kaluluwa ni John at humingi ito ng tawad sa kanila.

Gusto ni Fritz na sana ay bumukod na sila nina Barbara kay Amanda pagbalik nila. Pero ayaw ni Barbara dahil ayaw daw niyang iwan si Amanda ng nag-iisa. Binuksan ni Barbara ang radyo at narinig niya ang “Ang bulong ni Mommy…” kaya dali-dali niya itong pinatay. Nasira ang sasakyan nila sa tapat ng sementeryo.

Sinundan nina Amanda sina Barbara.

Sinabi na ni Barbara ang narinig niya sa radyo at nakikita niya ulit ang lumang Chelsea. Sinabi ni Fritz na kaya iminungkahi na raw niyang bumukod sila para malayo na sila sa bahay na iyon. Nagtalo sila. Baka raw mali sila, dapat daw hindi na nila itinuloy ang kasal. They reconciled.

Noong naayos na ang sasakya, nakiusap si Barbara na huwag na silang tumuloy sa resort. Pumayag si Fritz nagyakap at nag-“I love you” muna sila bago inistart ni Fritz ang sasakyan.

Tuluyan ng naging Ruth si Chelsea. Itinapon ni Fritz and manyika sa labas ng sasakyan. Ruth kept haunting them. Nakarating sila sa sementeryo. Sinabi ni Barbara na gusto na niyang labanan si Ruth. Nakarating sila sa puntod ni Ruth. May mga itim na kandilang nakatirik sa ibabaw noon. Nakita nilang may lapida na rin si Fritz (at Martinez pala ang last name nila, lol). Narealize ni Fritz na hindi si Barbara ang papatayin ni Ruth dahil hindi niya kaya ito. Tinawag ni Fritz ang kaluluwa ni Ruth, kunin na raw siya nito. Pumasok sa sasakyan si Fritz. Ginilit ni Ruth ang leeg ni Fritz. Sasagasaan na sana ni Ruth (using Fritz) si Barbara noong biglang dumating si Amanda at itinulak niya si Barbara out of harm’s way.

Kinalong ni Ruth si Amanda. Sinabi ni Amanda na hayaan na raw ni Ruth ang kapatid niya at si Fritz. Si Amanda na raw ang sasama sa kanya. Namatay si Amanda. Galit na galit si Ruth. Sinabi ni Barbara na patayin na sila ni Ruth dahil sigurado siya na hindi na sila nito masusundan.

Biglang lumitaw ang kaluluwa ni Amanda at niyaya ni si Ruth na umalis na. Kinanta ni Amanda kay Ruth ang “Ang bulong ni Mommy… .” Sumama si Ruth kay Amanda.

Pupunta na sa States sina Barbara, Karen at Fritz (for good?). Matapos maghabilin nin Fritz sa mga kasama nila sa bahay, umalis na sila. Pumasok na rin sa loob ng bahay sina Tina, Dale at Agnes.

Lumitaw sina Amanda at Barbara. Sinabi ni Amanda kay Ruth na “tayo na.” Kalong-kalong ni Ruth si Chelsea. Naglakad sila papunta sa pinto ng mansiyon at naglaho sila sa may pintuan.

(Ano to, part two? Hehe).

The End.

(Next week: Palos, Kung Fu Kids at Lobo. There will be a text update for Lobo courtesy of Miss Maribeth🙂 )

2 Tugon to “Patayin sa sindak si Barbara, Final Episode (Episode 15)”

  1. Mariel Says:

    The best!!! Ganda nitong episode na toh! Medyo nakakagulat bigla nalang susulpot si Ruth! Haha. Ganda talaga nito! Sana di nalang ito natapos! Waahh.

  2. No Car Says:

    Maganda ang pakakagawa ang mga effects nila well improved na. But I disagree of showing this in primetime. Pang movie lang dapat ang ganitong nakakatakot. Maraming mga bata at kahit matanda ang hindi kayang manuod ng ganito. And the story it self hindi pang primetime. I know fiction lang ito but still. I’m not favor of the whole concept. (That’s just meeh)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: