MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 35

by

Sinabi ni Corazon kay Onay na it’s rude to stare. Nagpaumanhin si Onay dahil ngayon lang daw siya nakakita ng babaeng kasing-ganda niya. That’s the most stupid compliment she ever received daw. Pero oblivious si Onay sa inis ni Corazon, nagagandahan pa rin siya dito.

Tinuturuan ni Jackie si Lena na magluto ng pcohero. Skeptical pa rin si Lena, hindi ito naniniwala na magugustuhan din ito ng daddy nila dahil siya ang nagluto.

Ipinadala nila sa driver nila ang pagkain para kay Fidel. Nagbonding na naman ang dalawa.

Humingi ng paumanhin si Celine sa pagiging masungit ni JB kay Onay. Stressed out lang daw iyon. Celine decribed all the good qualities ni JB. Baka raw matagalan bago makita ni Onay ang mga sinasabi ni Celine. Itinanong ni Onay kung sino ang magandang babaeng nakita niyang naglalakad sa labas. Noong malaman niyang iyon ang nanay ni JB, itinanong ni Onay na edi pareho raw silang mabait ni JB, since mag-nanay sila. Napatingin na lang si Celine sa kanya.

Tinititigan ni Eli ang mga isinulat niya sa notepad tungkol sa panaginip niya. Nag-search siya sa internet tungkol dito.

Pinuntahan ni Eli ang puntod ni Dadoods. Kinakausap niya ito tungkol sa panaginip niya. Ayaw raw niyang sabihin sa iba dahil baka raw akalain nila na nasisiraan na siya ng bait. Bakit nga raw ba siya ibinalik ng Diyos, para lang daw ba kay Jackie o may iba pang dahilan?

Hindi sinasagot ni Celine ang cellphone niya kaya natetense na si JB. Pero nasa CR si Celine kaya si Onay ang sumagot. Hindi maintindihan ni JB ang sinabi ni Onay na nag-je-jebs si Celine. JB started nagging Onay, kaya inilagay na lang ni Onay sa may side table ang phone hangga’t natapos magsalit si JB.

Hindi ma-gets ni Mateo kung bakit Miss Tonta ang tawag ni Veron kay Corazon. Lol.

Pindalhan ng sampaguita (parang atang naligaw mula sa GMA Supershow ang delivery guy) ni Mateo si Corazon. Lalo lang siya nainis kay Mateo. Naiwan kay onay ang mga bulaklak.

Pag-uwi ni Eli, excited ito sa mga niluto ni Jackie. Tinanong ni Jackie kung okay lang ba daw si Eli? Siempre dineny ni Eli. Basta pag ready na raw niyang sabihin, naroroon lang daw siya.

Tinawagan ni Veron si Fidel. Namimiss na raw niya si Fidel. Stay out of his face daw. Huwag daw siyang susungitan ni Fidel dahil pupunta raw si Veron kay Monique pag hindi ito naging mabait sa kanya. Hindi pa raw ba bilib si Fidel sa convincing powers ni Veron? Sinabi ni Fidel na pag ginawa daw niya iyon ang anak raw niya ang bubweltahan niya. Lalo na raw ngayong nagkakasundo na sina MOnique, Jackie at Lena. Baka raw hindi na bumalik sa kanya ang anak niya.

Walang kibo si Veron habang ipinapakita ni Lena sa kanya ang mga pinamili niya para dito. Bilib na bilib si Lena sa sosyal na taste ni Jackie kaya panay ang kwento niya sa ina. Sinampal ni Veron si Lena.

Para matauhan daw si Lena kaya niya sinampal ito dahil puro na lang daw si Jackie ang bukambibig niya. Wala na raw silang plano sabi ni Lena dahil okay na sila, ibinigay na nila ang lahat sa kanila. Hindi pa rin kontento si Veron sa mga ibinigay sa kanila ng pamilya niya. Sinabi ni Lena na masaya na siya mansiyon.

Tinawag siyang tanga ni Veron. Mas maiging tanga na raw siya kaysa naman maging ilusyonada siya. Sinabi ni Lena na hindi maagaw ni Veron si Fidel kay Monique dahil mabait daw si MOnique. Sinaktan ni Veron si Lena.

Sinabi ng umiiyak na si Lena na mabubuti daw silang tao ayaw na niyang maging salbahe. Sinabi ni Veron na bumalik lang si Lena sa mansiyon niya. Umalis na raw siya sa nanay niya na walang itinuro kung hindi katarantaduhan, magsamasama raw sila.

Tama na raw sabi ni Lena. Mali raw kasi ang ginagawa nila. Pinalayas pa rin siya ni Veron.

Pinauuwi na ni Celine si Onay baka raw gabihin siya. Sinabi ni Onay na ibinilin ni JB na hindi raw siya uuwi until dumating siya. Narealize ni Celine na JB should’ve been home by then.

May inaasikaso pa si JB sa opisina. Ipinakilala sa kanya si Vanessa Domingo (anak ng may-ari ng kumpanya) at ang VP ng Public Affairs. Kilala siya ni Vanessa, whou wouldn’t know him daw ba, he’s one of the most eligible bachelors of his time. They’ll be working closely together daw. Habang in-e-explain ni JB kay Vanessa ang developments ng plan nila, panay ang dikit ni Vanessa. Lumayo si JB ng konti.

Nagpatour pa si Vanessa sa opisina bago siya umuwi.

(Hay naku, mini-skirt and a halter-top? Alam ba ni Vanessa na sa opisina ang trabaho niya? And hindi siya kagandahan, ha.)

Ang intense ng preview for next week:

Gustong bumukod nina Eli at Jackie kaya magagalit si Fidel.
Sasabunutan ni Celine si Vanessa. Mag-aaway sina Celine at JB.
Pupuntahan ni Eli si Pong.
Aawayin ni Corazon si Eli.
Magwawala si Eli sa harap ni Jackie. Pagod na raw siya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: