Patayin sa sindak si Barbara, Episode 14

by

Title: “Till Death Do Us Part”

Nag-aalala si Tina dahil Chelsea na naman ang ipinagalan ni Karen sa bago niyang doll. Hindi naniniwala si Amanda na gumagala pa ang kaluluwa ni Ruth. Sinabi ni Tina na sa kamakalawa pa ang 40 days ni Ruth kaya gumagala pa ito.

Sinabi ni Ruth sa sarili na hindi siya papayag na lumampas ang araw ng taning niya. Gusto niyang pumasok sa katawan ni Barbara.

Nasa simbahan sina Fritz, Barbara at Karen. Naroroon din si Ruth. May nag-approach kay Barbara, namalikmata (or namalikmata nga ba talaga ito) ito at akala niya iyong pasyente niya sa US ang nasa harap niya.

Nagpabili ng love birds si Karen.

Sinabi ni Amanda kay Barbara na 40th day na ni Ruth the next day. Ayaw pa rin siyang basbasan ng pari dahil nga nagpakamatay siya.

Dumalaw sina Agnes at Dale sa bahay nina Karen. Tinanong ni Agnes kung may nararamdaman daw itong kakaiba sa manyika. Kinumusta ni Dale si Barbara. Sinabi ni Barbara na okay na siya, except na paminsan-minsan sumasakit ang dibdib niya.

Umiyak si Karen dahil namatay ang mga ibon niya. Sinabi niyang si Chelsea daw ang pumatay dahil iniputan siya ng mga ito.

Nakita ni Dale na si Ruth ang may kagagawan kung kaya’t sumasakit ang dibdib ni Barbara. Sinabi ni Dale kay Fritz, Agnes at Tina ang nakita. Kinunsulta nila si John. Sinabi nito na pagakatapos ng near death experience ng isang tao, vulnerable siya at pwede siyang sapian. Narinig lahat ni Amanda ang usapan nila (naka speaker phone si Dale).

(Ang tanga naman ni Ruth, alam naman niyang naroroon si Dale ginagawa pa rin niya iyon at saka bakit hindi tinulugan ni Dale si Barbara.)

Sumakit na naman ang dibdib ni Barbara. Nakita niya si Ruth sa reflection sa frame ng picture ni Karen (and Barbara ata). Pilit na sumasapi si Ruth kay Barbara.

Dumating si Fritz. Pilit nitong inaalis ang kamay ni Barbara sa dibdid niya (na pilit na itinutulak ni Ruth).

Narinig ni Amanda ang sigaw ni Barbara habang sinusunog nila ang mga personal effects ni Ruth para raw walang kapitan ng energy si Ruth.

Nakita ni Amanda ang struggle nina Fritz at Barbara against Ruth.

Wala itong magawa kaya bumalik na lang siya sa baba at ipinasunog niya ang mga pictures nila kasama si Ruth. Nag-dissipate ang kaluluwa ni Ruth.

Dinalhan ni Amanda si Barbara ng pagkain. Sinabi ni Barbara na kasalanan daw niya ang lahat ng mga nangyayari. Siempre hindi agree si Barbara.

Sinunog din nina Dale ang mga files ni Ruth sa Spirit Questors. Nakita ni John na nag-hold hands sina Dale at Agnes. Meron pang ibang files na hindi sinunog ni John.

Balak ng bumalik ni Barbara sa States. Nag-iyakan sila ni Amanda. Mahal daw niya sina Amanda at Karen kaya siya aalis. Tinanong ni Amanda kung iyon lang ang dahilan.

Kinausap ni Amanda si Fritz. Pinakiusapan ni Amanda si Fritz, kausapin daw niya si Barbara, pigilan daw niya itong umalis, kailangan daw siya nilang dalawa ni Karen. Nagyakap sina Fritz at Amanda.

Pagdating nina Karen at Barbara, naghihintay si Fritz. Nagpropose siya kay Barbara…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: