MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 34

by

Umiiyak si Onay kaya Joko comforted her by saying na hindi naman siya aanuhin nina Celine, siguradong magiging okay naman daw siya doon. Malaking tulong din daw sa kanila ang trabaho niya.

Nagising si Jackie at nakita niyang sulat na lang ang nasa unan ni Eli: “Asawa ko maaga lang ako sa office. Sobrang aga kaya hindi na kita ginising. I love you.”

Pagdating ni Eli sa opisina hindi nito alam kung ano ang uunahin sa trabaho. Nilista na lang niya ang mga nasa panaginip niya the previous night:

Anino
Jackie
Hindi kilalang lalaki
Humihinging tulong
Kalapati
Patis at Sibuyas

Binilog niya ang kalapati.

Tinuruan ni Jackie si Lena kung paano timplahin ang kape ni Fidel. Jackie assured her na magugustuhan ito ni Fidel.

Siempre para madrama, mali si Jackie. Sinabi ni Fidel na masyadong matabang. Si Jackie daw ang may alam ng timpla niya. Dinagdagan ni Lena ng mas maraming asukal, sinabi ni Fidel sobra naman at baka magka-diabetes naman daw siya. Okay raw iyon sabi ni Lena para naman daw maging sweet ito sa kanya kahit papaano. Nag-walkout si Lena mula sa hapag kainan. Nagpatimpla ng kape si Fidel kay Monique.

Naiinis si JB dahil late si Onay (nasaan ang service niya? One time lang daw ba iyon?). JB gave Onay 10 minutes, sisante na raw siya.

Inatake ng asthma ang lolo ni Onay (si Lou Veloso ba iyon?). Hindi ito nakaalis hangga’t hindi nakakarating si Joko mula sa botika.

Nagdidilig ng halaman si Lena. Nilapitan siya ni Jackie:

Jackie: Ako parin…ako na lang…ako na lang ulit.
Lena: Hindi mo siya kailangan, kailangan ko siya.

Oops, wrong show.

Eto pala ang totoong nangyari:

Si Jackie ang humingi ng dispensa kay Lena para ka Fidel. Dala lang daw siguro iyon ng mga problema niya sa kumpanya. Gets na naman daw iyon sabi ni Lena, tanggap na raw niya na hindi siya matatanggap ni Fidel. Sinabi ni Jackie na madali raw mahalin si Lena, ipakita lang daw nito kay Fide na mabait siya lalambot din ang puso niya.

Baka raw isipin ni Fidel na nagbabai-baitan lang siya. Nagawa na nga raw niya iyon — kay Jackie. Inamin na niya kay Jackie na dati kaplastikan lang ang ipinakita niya sa kanya dahil naiinis siya dito. Lahat daw kasi ng grasya, sinalo na ni Jackie. Pakiramdam daw kasi niya ang swapang-swapang niya.

Sinabi ni Jackie na hindi naman siya tanga. Alam naman daw nito na pinaiikot lang siya ni Lena.

Mainit pa rin ang ulo ni Fidel noong papaalis na siya. Monique asked kung bakit ayaw niyang bigyan ng chance si Lena? Fidel said na hindi nila pinalaki si Lena hindi nila alam kung mamahalin niya ang mga ito kagaya ng pagmamahal ni Jackie sa kanila.

Aba, nagdadrama parin pala sina Lena at Jackie. Inamin na rin ni Jackie na nagseselos siya noon kay Lena dahil bigla na lang siyang sumulpot sa buhay nila. May iba pa palang prinsesa. Pero huwag daw siyang mag-aalala dahil sisiguraduhin ni Jackie na hating kapatid sila. Nagyakap sila.

Pinagalitan ni JB si Onay pagdating nito. Kahit daw na nakiusap sila sa kanya para tanggapin nito ang trabaho, she’s still there to work. Sabihin na lang daw ni Onay kay JB kung ayaw niya para kalimutan na lang nila ang lahat ng ito.

Kinausap muna ni Onay ang sarili niya habang naglalakad at pilit niyang pinapakalmante ang sarili niya. She consulted her cards first at itinanong kung mag-i-stay siya doon. The cards said yes (Late na nga ano pa ang inaatupag).

Natigilan si Onay noong nakikita niyang naglalakad si Corazon at mukhang nagandahan siya dito.

Wala sa sarili si Eli habang nag-mi-meeting sila ng mga engineers ata nila iyon. Umalis na lang sila, they’ll just talk some other time daw. Pag-alis nila sinabi ng secretary kay Eli na gusto siyang makausap ni Fidel. Nabigla si Eli dahil ang alam nito nakabakasyon pa si Fidel.

Sinabi ni Fidel na naayos na niya ang problema ni Eli tungkol sa mga German engineers. Nagpasalamat si Eli. Looks like he still got his charm daw, akala daw niya wala siyang silbi sa kumpanya. Eli said na alam naman daw niya na kaya-kaya ni Fidel iyon.

Sinabi ni Fidel na ang wala ni Eli ay experience –lots and lots of it– na nagbigay ng pangalan sa kanya na pinangalagaan at iningatan niya ng mahabang panahon.

Nagpasalamat uli si Eli. Sinabi niya na hindi nito kayang patakbuhin ang kumpanya ng mag-isa. Umalis na si Eli noong hindi siya sinagot ni Fidel…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: