Patayin sa sindak si Barbara, Episode 13

by

Title: “Welcome Back Chelsea”

Nasa isang kabaong si Barbara, katabi niya si Ruth. Sumigaw si Barbara.

Nagkamalay na si Barbara sa ospital.

Pinuntahan ni John si Agnes at itinanong kung galit siya sa kanya dahil he disappointed her daw at humihingi siya ng second chance. Sinabi ni Agnes na okay lang dahil magkaibigan naman sila. Nagpaalam na ito, may date pa raw siya. Lumingon si John at nakita niyang kinawayan ni Agnes si Dale.

Nag-date sina Agnes at Dale. Binigyan i Dale ng bracelet si Agnes. Espesyal daw kasi ang araw na iyon dahil iyon ang araw na sasagutin siya ni Agnes. Ipinakabit in Agnes ang bracelet kay Dale kahit naka-cast pa ito para raw masabi niyang “I love you too.”

Tatlong araw na unconscious si Barbara. Sinabi nina Fritz at Karen na nanaginip siya at sinasabi niya ang pangalan ni Fritz. Sabi ni Karen na pag-uwi niya sasama na sa kanila si Fritz.

Hindi na sumasali si Agnes sa mga kasama niya sa Spirit Questors. Kaya nagplay ng sad music sa background noong naka-close up si John.

Speaking of music, habang naglalakad na mag-isa si Dale sa hallway ng school niya, scary music naman with matching patay ng ilaw every steps he made.

Si John lang pala. Nakiusap ito kay Dale na huwag niyang ikukuwento sa mga kasamahan niya na tumakbo siya the other night. Nainis si Agnes dahil pumayag si Dale na makisali sa kalokohan ni John.

Hindi pa raw normal ang blood pressure ni Barbara at mahina pa raw siya pero she’ll recover. Sinabi ni Fritz kay Barbara na niya ito pababayaan.

Dumating si Amanda at kinumusta si Barbara. May dala pa itong mga prutas para sa kanya.

Pagpasok ni Fritz sa kwarto nila dati ni Ruth. tinignan nito ang nakaframe nilang wedding picture at nagpasorry siya. Dumating si Karen at tinanong niya kung namimiss ni Fritz ang mommy niya. Umoo naman si Fritz. Sinabi ni Karen na namimiss rin niya ang mommy niya pati na si Chelsea.

Kalimutan na raw ni Karen si Chelsea. Tinanong ni Karen kung pati raw ang mommy niya kakalimutan niya. Sinabi ni Fritz na hindi daw niya dapat kalimutan ang mommy niya pero dapat raw na she’ll always be in her heart. PUmayag si Karen sa idea na ibibili siya ng bagong manyika ni Fritz.

Inaasikaso naman ni Amanda si Barbara (lol, baka naman pati siya sinapian ni Ruth). Madalas maghperventilate si Barbara dahil na rin daw siguro sa trauma sabi ng doctor (what, did she tell the doctor na sinaksak siya ng multo?)

Dinala na ni Fritz ang bagong manyika ni Karen (ang fanget!!!). Sabi ni Tina, sana raw teddy bear na lang ang binili ni Fritz sa anak niya (Oo nga!). Sinabi ni Karen na si Chelsea daw ang doll.

Maraming pagkaing inihanda si Amanda sa during dinner. Habang kumakain, naalala ni Amanda noong pinagtatalop ni Ruth si Karen ng hipon. Narinig ni Barbara na Chelsea ang pangalan ng doll niya. Sinuggest ni Barbara na iba naman ang ipangalan niya sa doll. Pero sinabi ni Karen na si Chelsea naman daw talaga iyon.

Nasa bintana si Ruth at pinapanood sila habang kumakain.

Nag-usap sina Barbara at Fritz. Sinabi ni Barbara na alam niyang hindi nababalik si Ruth.

Sinabi ni Tina kay Barbara ang takot niya dahil sinabi ni Karen na bumalik na si Chelsea. They just have to be patient daw with her sabi naman ni Barbara. Dadalhin daw siya sa isang child psychologist para makarecover na siya.

Nanikip ang dibdib ni Barbara noong papalabas ito ng kwarto ni Karen.

Iyon pala sinasakal siya ni Ruth. Sinabi ni Ruth sa natutulog na si Karen na mapapasok din niya ang katawan ni Barbara…

Isang Tugon to “Patayin sa sindak si Barbara, Episode 13”

  1. safiya Says:

    natawa ako sa mga sundot mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: