MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 33

by

Pag-uwi nina Jackie at Lena, naabutan nilang inihahatid ni Fidel ang kaibigan nilang pulis/sundalo(?) sa may pintuan. Sinita sila ni Fidel, mas marami daw importanteng trabaho ang kaibigan niya. Ipinagtanggol ni Jackie si Lena, sinabi ni Lena na hindi naman siya nagmamadali. Aksayahin lang daw nila ang panahon nila huwag ang oras ang ibang tao.

Sabi ni JB kay Celine huwag na nilang pilitin si Onay kung ayaw niya. Baka raw kasi sinungitan siya ni JB sabi ni Celine. JB rejected the idea of Celine asking Onay herself. Bakit daw obsessed siya sa babaeng iyon sabi ni JB. Celine feels safe around her daw. Hahanap na lang daw sila ng iba, sabi ni JB.

Nangyayari lahat ito habang pine-pedicure ni Celine si JB. (Please remind me, sino ba ang may cancer sa kanilang dalawa? Special treatment, ah!)

Nagtatampo si Veron kay Lena dahil lagi daw niyang kasama si Jackie kaya wala na siyang panahon. Ibinalita ni Lena na tumutulong-tulong na rin siya sa spa at mag-e-enroll na siya sa susunod na semester. Binalaan ni Veron si Lena na huwag niyang mamahalin si Jackie dahil napansin niyang bukambibig ni Lena si Jackie. Nanahimik na lang si Lena.

Sinabi ni Jackie kay Eli na ang hirap-hirap hanapin ni Joaquin. Andami-dami niyang ikinukuwento pero bigla siyang natigilan noong nabanggit niyang sinita ni Fidel sina Jackie at Lena sa ginawa nila. Inassure siya ni Eli na hindi magbabago ang pagtingin niya sa daddy niya dahil masyado raw malaki ang respeto nito sa kanya. (Really now…)

Ayan, nagkaskasan sila =P

Tuwang-tuwa ang pamilya ni Onay noong naka-uniform ito at papaalis na siya for her new job. May van pa raw na maghahatid at magsusundo sa kanya courtesy of the agency.

Patuloy pa rin ang paghahanap nina Lena at Jackie kay Joaquin. Nagpunta sila sa mga nagmamasaheng bulag, sa mga gumagawa ng arts and crafts pati na sa mga kumakanta. Lalong nalungkot si Lena noong narinig niyang kumakanta ng “Kailangan ko’y Ikaw(?)” Sinabi ni Jackie na huwag siyang mag-alala, mahahanap nila si Joaquin.

Sa loob ng punong-punong van, umutot si Onay. Nabigla si Onay dahil sa spa nina Celine siya ibinaba ng agency. Doon pala siya magtatrabaho. Panay pa rin ang utot niya. Aalis na lang sana siya pero nakita siya ni Celine.

Sinabi ni Onay na baka nagkamali lang ang agency, dahil ibang trabaho ang inaapplyan ni Onay. Tinanong ni Celine kung ayaw ba raw nito sa kanya? Inassure ni Onay na hindi totoo iyon, pero mahal daw kasi ang pamasahe, etc. Onay started to walk away, pero nakonsensiya siya. Kaya pumayag na rin siya. (Sabi lang niya: “Miss Celine!” tapos niyakap siya ni Celine at nagpasalamat siya. Asus, e paano kung manghihiram lang pala ng pamasahe si Onay?)

Kinakausap ni Lena ang statuette niya.

Nanaginip si Eli. May kalapating puti at may isang lalaking sumisigaw. (Sino iyon?) Paggising niya may kalapati sa balcony ng kwarto ni Eli…

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 33”

  1. safiya Says:

    ptvj, baka si jaoquin.

  2. NoCar Says:

    Onay Oa mo ha ayaw pa kunwari, paero bibigay din. he.he.

  3. annedito Says:

    NoCar, that’s why i don’t like toni. kasi talagang napaka-oa niyang mag-arte. the first time i saw her was when kalilipat niya sa dos and she was crying na ewan. napaka-fake ng dating and everytime she does interviews, parang oa at plastik ang mga sinasabi niya.

  4. ptvj Says:

    safiya, oo nga no. kaso lang ang weird naman nung napanaginipan mo ang taong hindi mo kilala

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: