Patayin sa sindak si Barbara, Episode 12

by

Title: “Barbara, Oras Mo Na!”

Tinanong ni Amanda si Ruth kung kaya niyang saktan ang sarili niya ina. Sinabi ni Ruth na hindi raw niya ito sasaktan. Bakit daw kailangan niyang gamitin ang katawan ng sarili niyang anak, bakit niya pinatay si Yaya Elsa at kung bakit gusto nitong saktan si Barbara.

Sinabi ni Ruth na tinraydor daw siya ni Yaya Elsa dahil alam nito kung sino ang babae ni Fritz. Sinabi ni Ruth na si Barbara ang babae ni Fritz, kagaya din ng nanay niyang kabit. Hindi makapaniwala si Barbara.

Nakarating na sina Fritz sa bahay nina Amanda. Pinag-stay ni Fritz sina Agnes sa van at pumunta na ito sa loob.

Sinalubong ng sampal ni Amanda si Barbara at sinabi na nitong alam niya kung sino ang babae ni Fritz. Inamin ni Barbara na mahal pa rin niya si Fritz pero isinakripisyo niya ang lahat para lang lumigaya si Ruth at para matanggap siya ni Amanda bilang isang anak. Hindi pa rin matanggap ni Amanda na hindi sinabi Barbara sa kanya na siya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Ruth. Sinabi ni Barbara na naramadaman niyang natanggap at minahamal na siya nito. Ayaw raw niyang mawala iyon. Sinabi ni Amanda na hindi niya pwedeng mahalin at tanggapin si Barbara bilang isang anak.

Sinabi ni Barbara na ang tanging kasalanan niya ay hindi niya mahinto ang pagmamahal niya kay Fritz. Wala raw namagitan sa kanila mula noong nagpakasal sina Fritz at Ruth. Sinabi ni Amanda na tinawagan lang niya si Father Roman para itago ang sikreto niya. Magsama daw silang dalawa ni Fritz sa impyerno.

Kinumpronta ni Barbara si Ruth (na nasa katawan pa ni Karen). From outside, naririnig nilang isinisigaw ni Fritz ang pangalan ni Barbara. Sinabi ni Ruth ang kasalanan daw ni Barbara ang lahat kaya hindi siya kayang mahalin ni Fritz. Nasaksak niya Ruth si Barbara sa braso at habang nagbubuno sila, dumating si Amanda at pinigilan si Ruth.

(Nasaan ang rosaryo?)

Pilit na tumatakbo si Barbara palayo pero siempre dahil mumu si Ruth, nasusundan niya ito. Nacorner ni Ruth si Barbara. Dumating si Fritz at napigilan niya si Ruth.

Hindi mapalagay si Agnes kaya pumasok si na siya sa gate. Pinipigilan siya nina John at Dale, sinabi ni Dale na siya na ang papasok sa bahay. Sinaksak ni Ruth si Dale. Tumakbo paalis si John habang nagsitakbo naman papunta sa kanila ang mga iba nilang kasama.

Ginising ng kaluluwa ni Karen si Amanda. Sinabi nitong iligtas niya si Barbara dahil mahal na mahal sila nito.

Hinarang ni Ruth sina Fritz at Barbara. Sinabi ni Fritz kay Ruth na umalis na siya sa kaluluwa ng anak nila at siya na lang ang patayin nito kung gusto niyang magkasama sila. Mas nagalit si Ruth dahil kaya ni Fritz na isakripisyo ang buhay nito kay Barbara.

Dumating si Amanda at pinipigilan niya si Ruth. Sasaksakin sana siya ni Fritz noong malaking scissors for gardening pero nag-turn into Karen siya. Sinaksak ni Ruth si Barbara.

Fritz came to the rescue. Nakatayo lang si Ruth. Nakikiusap si Amanda na tama na. Kung nagkasala man si Barbara matagal na niyang pinagbayaran na niya iyon. Hindi lang si Barbara ang pinarurusahan niya kung hindi siya at si Karen. Sinabi nitong mahal na mahal niya si Ruth. Tama na raw, alang alang sa ikakatahimik ng kaluluwa niya. Niyakap ni Amanda si Ruth. Umalis na ang kaluluwa ni Ruth kay Karen.

Dinala sa ospital si Barbara. (What about Dale?)

Nagka-flatline si Barbara…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: