MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 32

by

Hindi makatulog si Eli kaya bumaba ito. Bumaba din si Lena at nakita niya si Eli. She prepared a drink for the both of them. Sabi niya kinabahan daw siya sa exchange nina Eli at Fidel earlier, kung sa dating tinitirhan daw niya nangyari iyon naghabulan na sila ng itak.

Kung bubukod naman daw sila sabi ni Eli, baka raw hindi makayanan ni Monique ang lungkot (Pucha, e di bilhin niyo ang bahay sa tabi nila). Ikakasama din daw ng loob ni Fidel iyon. Ayaw raw niyang ipagdamot si Jackie sa kanila.

Sabi ni Lena na siguro raw naninibago lang si Fidel at hindi siya sanay na may ibang nagdedesisyon sa bahay na iyon. Darating din ang araw na matutuwa si Fidel dahil si Eli ang napangasawa ni Jackie.

Lingid sa kaalaman nila. Nakikinig si Fidel.

Itinapon ni Corazon ang pagkaing inihanda sa kanya ng maid at pinagmumura niya ito. Nag-quit ang maid (or nurse?) dahil hindi na nito kaya ang ugali ni Corazon.

Itinanong ni Lena kay Jackie kung masungit din daw si Corazon sa kanya. Hindi raw masyado kasi daw siguro ay dahil na rin magkaibigan sina Fidel at Corazon dati. Na-amaze si Lena dahil magkaibigan pa rin sila ni JB.

Napag-usapan nila si Joaquin. Isinuggest ni Jackie na hanapin nila ito. Magpapatulong daw sila sa mga kaibigan ng daddy nila.

Nanggigigil na si JB sa nanay niya pero pinapakalma naman siya ni Celine. Nauwi sa kilitian ang usapan nila. Nilambing ni Celine si JB bago nito sinabi ang request niya na kuning caregiver si Onay. Samantalang natanggap naman sa trabaho si Onay.

Malapit na raw matapos ang imbestigasyon ng mga tao ni Fidel tungkol sa pagkamatay ni Thomas. Sinabi in Fidel na i-update siya as soon as alam na nila.

Sinabi ni Eli kay Fidel ang problema nila sa mga chief engineers. Sinabi ni Fidel na kaya na ni Eli na gawan ng paraan iyon. Inexplain ni Eli na it might be better kung si Fidel ang haharap sa mga engineers. Hindi lang daw iyon ang mga ginagawa ni Fidel, marami pang iba. Nag-walk-out si Eli.

Namimili ng mga jewelries si Mateo for Corazon (nasa bahay niya ang alahera with the jewelries). When he asked for Daniel’s (Jimenez) opinion, Daniel told him na he’s just feeding Corazon’s materialism. Medyo nagalit si Mateo, pero Daniel told him na he’s saying that because magkaibigan sila. Tumanggi si Daniel noong sinabi ni Mateo na pumili na siya ng alahas para sa asawa niya, sinabi nitong mahal siya ng asawa niya more than all the jewelries. Pumili pa rin si Mateo ng alahas for Annette (asawa ni Daniel).

Nagkaroon ng pag-asa si Lena noong nakatawag si Jackie sa kaibigang pulis ng daddy niya.

Sinadya ni JB si Onay, may dala pa itong pasalubong. Binuksan ng lolo ni Onay ang pintuan, nabigla si JB dahil naka-costume ito ng king. Bigla ring dumating si Joko na naka-gown at tiara, dali-dali itong tumakbo habang naiwan ang nashock na si JB.

In-explain ni Joko na hindi naman sila mga luka-luka, trip lang daw talaga nilang mag-pretend once in a while dahil dating umaarte at custodian ng mga costume sa theatre ang lolo nila. Sinabi ni JB ang sadya niya. Hindi maka-oo si Onay kahit na pinipilit na siya nina Joko at ng lolo niya. Naka-oo na raw siya sa agency. Nagpaalam na si JB.

Naiwang nag-iisip si Onay…

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 32”

  1. safiya Says:

    unti unti nagugustuhan ko na mukha ni Toni kahit walang make up. Natural ang dating!

  2. NoCar Says:

    he.. he.. he.. sanayan lang talaga yan.

  3. NoCar Says:

    baka daw malungkot si monique kung bubukod sila eli and jackie. eh yung nanay nga ni eli mag-isa lang sa buhay bakit hindi niya naisip samahan. buti nga si monique may fidel.
    baka din daw isipin ni fidel pinagadamot ni eli si jackie kung bubukod sila. “da” natural lang yon mag-asawa na sila no!
    kalokohan ang mga dahilan.

  4. Raymond Lee Quijano Says:

    hay…. cute nga si Toni. ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: