Patayin sa Sindak si Barbara, Episode 11

by

Title: “Humanda ka Barbara!”

Sinabi ni Amanda kay Fritz na she’s giving him one more chance para kay Ruth. Pero hindi pa rin daw siya nito pinapatawad dahil hindi pa niya sinasabi kung sino ang kabit niya.

Nagpunta sina Agnes and company sa ospital para ipakita kay Fritz ang video noong tinawag nila ang kaluluwa ni Karen. Hindi nila macontact si Barbara kaya nagdesisyon silang magpunta sa bahay nina Barbara.

On the way there, may nakisakay na multo sa kanila. Ayaw pa ring maniwala ni John na may third eye si Dale kaya tuloy pa rin ang bangayan nila. Tumigil lang sila noong nagalit na si Fritz sa awayan nila.

Samantalang pag-uwi naman nina Barbara, Karen at Amanda, nagtataka sila kung bakit wala roon si Tina at kung bakit bukas ang pintuan nila. Nasa may bintana ang kaluluwa ni Karen pero walang nakakakita sa kanya.

Naniniwala na si Barbara sa mga sinasabi ni Agnes (dahil na rin ilang beses na nagpakita ang kaluluwa ni Karen sa kanya) sa kanya kaya ino-obserbahan niya si Karen. Sinabi na rin niya kay Amanda ang hinala nila. Sinabi ni Amanda kay Barbara na tawagan niya si Father Roman. Mag-ingat daw siya dahil alam niyang sa kanya galit si Ruth at hindi niya alam kung bakit. Hindi maka-contact si Barbara sa phone dahil pinutol ni Ruth ang connection.

Nakikiusap si Karen kay Ruth, huwag daw nitong sasaktan si Barbara. Nagalit si Ruth at pilit na pinapapili si Karen kung sino ang mas mahal niya. Binasag ni Ruth ang salamin ng dresser sa kwarto ni Karen.

Noong nag-good night si Amanda kay Barbara, nakita ni Barbara ang basag na salamin. Nagpakita sa kaniya si Ruth na may hawak na patalim…

Is it only me or no one seemed concerned na baka hindi na pwedeng bumalik ang kaluluwa ni Karen sa katawan niya?

3 Tugon to “Patayin sa Sindak si Barbara, Episode 11”

  1. safiya Says:

    ptvj, ako tila naguluhan, namatay na ba si karen at gumagala ang kaluluwa.

  2. ptvj Says:

    hindi ko rin ma-gets pero apparently hindi na-dedo si karen. itinulak lang ni ruth ang kaluluwa niya palabas para magamit niya ang katawan niya

  3. Mariel Says:

    Ganda ng Patayin sa Sindak si Barbara. ^_^
    Naguguluhan lang ako bakit parang tao na yung itsura ng kaluluwa ni Ruth?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: