Patayin sa sindak si Barbara, Episode 09

by

Title: “Dale, Susunod Ka Na!”

Nakaroon ng cervical (upper vertebra) strain si Dale. Naroroon pa rin si Barbara at si Karen sa tabi niya. Tinanong ni Barbara kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi nito na may tumulak sa kanya, pero hindi niya sinabi kung ano ang nakita niya.

Pinuntahan ni Agnes si Dale.

Nakita ni Fritz si Barbara habang kausap nito si Amanda sa telepono.

Hindi makapaniwala si Agnes na si Karen ang tumulak kay Dale. Nasa katawan daw ni Karen si Ruth. Paglingon ni Agnes sa kinaroroonan ni Karen, wala na ito (she was just sleeping a while ago in the couch).

Sinabi na ni Barbara kay Fritz ang pagkamatay ni Elsa at sinabi na rin niyang wala na si Ruth. Huwag daw itong mag-alala dahil siya ang gustong patayin ni Ruth kaya hindi siya nito sasaktan. Dumating si Karen at tumakbo siya papalapit kay Fritz. Nag-sorry si Fritz sa anak, sinabi ni Karen na huwag na siyang malungkot dahil the three of them will be together again. Nag-flashback kay Fritz ang eksena noong bago sila maaksidente ni Karen, sinabi din ni Karen na magkakasama na sila ulit.

Nakatanaw naman si Agnes kina Karen habang nangyayari ito.

Hindi alam ni Agnes kung paano sabihin kina Fritz ang nangyayari. Huwag daw itong mag-alala sabi ni Dale, hindi na niya ito popormahan, ayaw na niya sa kanya, doon na raw siya sa boyfriend niyang sosyal. Basta ang importante raw ay ang kaligtasan nila, wala raw itong kapalit.

Nagyaya na si Barbara dahil hinihintay na sila ni Amanda. Bago umalis si Karen sinabi niyang hindi na sila magkakahiwalay.

During dinner, tinanong ni Amanda si Karen kung saan sila nagpunta. Sinabi niya na nagpunta sila sa mall, sa park, sa hospital. Nalaman ni Amanda na nagkita sila ng daddy niya. Sabi ni Karen humihingi raw ito ng tawad, sana raw patawarin na niya ang daddy niya.

Noong sinabi ni Agnes kay Fritz ang sinabi ni Dale sa kanya, nagflash back sa kanya ang mga kakaibang pangyayari na nangyari mula noong mamatay si Ruth.

Sinabihan ni Amanda si Barbara. Huwag na raw nitong ilapit si Karen kay Fritz, huwag daw nitong hayaang mawala ang tiwala niya sa kanya.

Pinuntahan ni Karen si Dale (noong una kamukha siya ni Agnes) sa hospital bed nito kinagabihan. Masyado daw siyang maingat, dapat manahimik na siya. Ruth slit Dale’s neck…nananaginip lang pala ito. Naroroon si Agnes noong magising siya, umiiyak siya at sinabi niyang papatayin siya ni Ruth.

Narinig ni Dale ang pag-uusap nina Dale at John. Nagseselos si John sa concern na ipinapakita ni Dale sa kanya. Sinabi ni John na siya ang tutulong sa kanya para mapatunayan kung nagsasabi ng totoo si Dale.

Umiiyak si Karen sa hallway, tumakbo ito papunta sa kwarto niya. Sinabi ni Karen kay Amanda na nakausap niya ang mommy niya at sinabi niyang hindi raw matatahimik si Ruth hangga’t hindi niya (Amanda) pinapatawad si Fritz.

Naniniwala na si Fritz na nagmumulto nga si Ruth.

Habang nagsusuklay si Barbara sa kwarto niya, nakita niya si Karen. Noong yayakapin ni Barbara si Karen, lumusot ang mga kamay nito (like sa mga multo). Biglang kumatok si Karen at tinanong kung sino ang kausap niya. Nakiusap si Karen sa kanya na kausapin niya si Amanda para patawarin nito si Fritz.

Sinabi ni Barbara na maghintay daw muna si Karen (because Amanda can’t just forgive him ng ganun ganun lang). Sumigaw si Karen at sinabing sawang-sawa na raw siya sa paghihintay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: