MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 29

by

Nahihirapang maghanap ng trabaho si Onay kaya kinukumbinse siya ni Joko na tanggapin na ang alok na trabaho ni Celine sa kanya. Pero ayaw pa rin Onay, mas maganda raw na malayo siya sa kanila. Pero idol daw niya ang pagmamahalan nina JB at Celine.

Nag-aalala naman si Jackie na baka hindi lang sa work nagkaka-alitan sina Fidel at Eli.

Dumating si Lena habang inihahatid ni Jackie si Eli sa labas ng bahay nila.

Pinauwi naman ni JB si Corazon sa spa (nasa ospital pa si JB). Masungit pa rin siya kay Celine, although Celine was being really nice to her. Ayaw maniwalan ni Corazon na totoong mabait si Celine to her, she missed her spunk(-iness) daw.

Sabi ni Celine na at least try man lang daw na i-lessen ang negativity. Hindi raw nila kailangan iyon. Humalakhak si Corazon, ikinumpara niya si Celine as a Tibetan Monk. Iyon na raw ba ang epekto ng kanser sa kanya? Hindi pa rin siya pinatulan ni Celine, at sinabing welcome sa bahay nila.

Pinasalubungan ni Lena ng tote bag si Monique. Hindi na raw niya binili ng pasalubong si Fidel dahil i-re-reject naman daw niya ito. Fertility statues ang pasalubong nina Jackie at Eli. Nakita ni Jackie ang statuette ni Lena. Natahimik si Lena noong itinanong ni Jackie kung kanino galing ang statuette.

Pagdating nina Celine at Corazon sa kwarto niya. Na-insulto daw siya sa red flowers. Didn’t she know that she was still grieving daw? Noong sinabi ni Celine na galing kay Amang ang mga iyon, sinabi ni Corazon that it might lighten her pitiful conditions.

Si Veron ang sumagot sa phone noong tinawagan ni Corazon si Mate. Inalam muna ni Veron kung sino siya with her broken English. Binabaan ni Corazon ng telepono si Veron noong nalaman niyang wala siya.

Sinabi na ni Lena ang tungkol kay Joaquin– but not everything. Ayaw na raw kasi niyang pag-usapan. Pero kailangan din daw niyang magkwento baka raw kasi sumabog ang puso niya. Ikinuwento niya ang lahat ng mga ginawa niya para lang hanapin si Joaquin. Naantig naman ang heart ni Jackie. Niyakap siya ni Jackie pagkatapos nitong sinabi na namiss niya ito. Noong papaalis si Jackie, niyakap siya ni Lena. Nagbiruan pa sila at tinawag siyang “Ate” ni Jackie, ayaw daw niya kasi masagwang pakinggan (Mukhang sincere na si Lena).

Ikinuwento ni Celine si Corazon kay Jackie noong binisita siya nito. Pero she made a vow daw na hindi niya papatulan si Corazon. Like what Jackie is doing with Lena daw. Sinabi ni Jackie na okay na sila ni Lena, she doesn’t have to tolerate her daw, kasi iyon nga, okay na sila. Sabi ni Celine na basta mag-co-exist lang sila ni Corazon, okay na. It’s enough for her to finally see na okay na sila ni JB para pagdating daw ng panahon… .Jackie cut her off. Celine said that she has to go some time, and she has to prepare herself daw. She just wants JB to have someone for him daw. His life should not end when hers does daw.

Nainis si Veron noong malaman niyang wala si Fidel sa opisina. Tinanong ni Amang kung kaya ni Eli na mag-present sa mga investors. Mag eyes and ears si Fidel sa kumpanya na nagrereport sa mga nangyayari sa kumpanya. He wanted his guy to grill Eli. Sinabi ni Fidel niya na may tiwala ito kay Eli.

Inaasikaso ni Corazon si JB (what? nakakalakad na siya? He jus got shot in the back!). Sinabi ni JB na he has to get back to work soon coz he can’t afford to miss work. Nakiusap siya sa ina na Celine si very sick, pero at least do it for him daw. Corazon told her na huwag siya nitong mamadaliin, she can’t change overnight. Kinurot niya sa likod si JB, that broke the ice between the two of them…

(Is it just me or this is getting good?)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: