Patayin Sa Sindak si Barbara, Episode 08

by

Title: “Bye-bye Chelsea”

Nagkulong sa kwarto sina Karen at Ruth. Pilit na pinapabukas ni Barbara ang pintuan pero ayaw niyang buksan ang pinto. Kinantahan ni Ruth si Karen. Nabuksan nina Barbara ang kwarto kasama si Father Roman. Binendisyunan ng pari ang manyika. Iyak ng iyak si Karen. Nakapunta sa ilalim ng kama si Chelsea. Paglabas nito, si Ruth na siya ulit. While all this is happening, nag-aalalang kumakatok si Amanda sa pintuan wondering what is going on.

Ayaw humingi ng tawad ni Ruth sa Diyos dahil hindi raw siya tinulungan nito. Nakawala si Karen ka Barbara at tumakbo si Karen kay Ruth. Ruth made the door fall on her and Karen, pag-lift nila sa pinto, si Karen at Chelsea ang naroroon. Nag-disintegrate ang manyika. Niyakap ni Amanda si Karen (ngumingisi si “Karen”).

Tahimik na natutulog si Karen habang nasa tabi niya sina Amanda at Barbara.

Umpisa na ng therapy ni Fritz. Umalis si Dale noong nakita niyang naroroon na rin si John. Nagputna siya sa simbahan para itanong kung ano ang purpose ng pagkakaroon nito ng third eye. Ayaw raw niyang makialam sa mga problema ng mga kaluluwang hindi matahimik. Pagbalik niya sa hospital, humingi ng sorry si Agnes sa kanya dahil tama raw ito na nagmumulto si Ruth. Sa sobrang sayan ni Dale dahil naniniwala na si Agnes sa kanya, nayakap niya ito.

Dumating si John at doon lang nalaman ni Dale na magboyfriend na sila nito.

Nagising si Barbara na nakatayo sa tabi niya si Karen. Sinabi nitong namimiss na raw niya ang daddy niya. Nakiusap siya na kausapin ni Barbara ang lola niya. Niyakap siya ni Barbara at nasaktan si Ruth (na nasa katawan ni Karen) at kaya tumakbo ito papaalis. (Wait, does this mean patay na si Karen o sumanib lang si Ruth sa kanya?)

Tinanong ni Barbara si Tina kung wala itong napapansin kay Karen. Masyado raw itong tahimik. Biglang dumating si Amanda at masayang ibinalita na sabi ng abugado nila malaki ang chance na makuha nila ang custody ni Karen dahil mataas ang alcohol content ni Fritz noong naaksidente sila. Sa halip na sabihin ni Barbara na dadalhin niya si Karen kay Fritz, sinabi na lang nito na mag-mo-mall sila.

Sa mall nakita ni Barbara si Dale. Sinabi ni Dale na ayaw siyang paniwalaan ni Agnes noon na nakikita niya ang multo ni Barbara. Noong itinuro ni Barbara si Karen kay Dale (he asked who was she with), si Ruth ang nakita ni Dale. Nabigla si Dale pero hindi nito sinabi kay Barbara ang dahilan at nagmadali itong nagpaalam.

Tinawagan ni Dale si Agnes pero nahulog si Dale sa escalator bago pa niya nasabi kay Agnes. Nakita ni Dale na si Karen ang tumulak sa kanya. Nakita ni Barbara na nahulog si Dale. Hinawakan ni Ruth ang kamay ng walang kamalay-malay na si Barbara…

5 Tugon to “Patayin Sa Sindak si Barbara, Episode 08”

  1. tinigpamilya Says:

    We would like to address our comment to the writers, directors and producers of this soap Patayin sa Sindak si Barbara. It is a primetime drama which is open to children’s viewing. Im afraid that kids are taught to be fearful and get the wrong notion of truly a ghost is. I wish your story is based upon research becoz thats not how a ghost works. The protrayal of Ruth here is no longer a ghost but a devil or an aswang. It is not true that the ghost can move actively as it wish to slash a hand. They are helpless and can hardly move objects. they cannot be touch and feel with ur hands. Please do a good research and come up with an intelligent movie or soap not merely on computer effects but on the content.
    Let us not scare our children. Let us teach them to positive in life as the world tries to destroy it.

    from a concern movement for the family

  2. tinigpamilya Says:

    We would like to address our comment to the writers, directors and producers of this soap Patayin sa Sindak si Barbara. It is a primetime drama which is open to children’s viewing. Im afraid that kids are taught to be fearful and lead them to the wrong notion of what truly a ghost is. I wish your story is based upon research becoz is not how your ghost works. The protrayal of Ruth here is no longer a ghost but a devil or an aswang. It is not true that ghost can move objects actively as it wish to kill. They are helpless and can hardly move objects. they cannot be touched and felt with ur hands. Please do a good research and come up with an intelligent movie or soap not merely based on the wonder of computer effects rather on the content.
    Let us not scare our children. Let us help them trust and pray for ghost or souls who are not yet in peace.

  3. ptvj Says:

    hi tinigpamilya, thanks for your input.

    however, this is just fiction and it was mentioned in the story that when ruth was still alive, she was so obsessed about finding who was her husband’s mistress was that she sought other “forces'” help as well.

    we all have different perceptions about ghosts and their capabilities, whether we believe them or not. maybe the writers are just expressing what they think vengeful ghosts are capable of doing. this, after all, is a fictional story.

    i know kids are quite impressionable. we cannot control the actions of other people around us, nor can we filter out what children can see in their surroundings. that’s why i think it is the responsibility of the adults around them to guide them and interpret for them what they can’t understand yet.

    kaya nga it says “kinakailangan ang patnubay ng magulang” before they show the program, di ba?

  4. safiya Says:

    I asked my nephew and niece in Saudi if they are watching Patayin sa Sindak. They said, “no Tita because it is scary but mama and papa are watching it”. My point is gaya ng sabi ni ptvj, parental guidance, dahil nakakatakot ito para sa mga bata di sila pwedeng manood. Pero tanungin mo ang klase ng joke ni Ethel Booba gusto nila pero para sa akin ayoko kse di sya pumasa sa moral standard ko. pero kse sa bata, nakakatawa daw. anumang panoorin alamin ng magulang kung dapat ba o di dapat para sa bata! Isa pa, si Ruth e di lang isang multo kaya nga nakakatakot kse merong possession ng evil spirit.

  5. Mariel Says:

    Yes, sumanib nga si Ruth sa katawan ni Karen. Sometimes, si Karen talaga, but si Ruth, nandun parin sa katawan nya.

    (And we really need parental guidance for this)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: