MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 28

by

Nagpasalamat si Jackie kay Onay sa lahat ng mga kabutihang ginawa niya kay Celine. They can be friends daw sabi ni Jackie kay Onay. Nagising si Celine at kinumusta nito si JB. Celine asked Jackie to bring her to JB.

Nagpila ulit si Lena para makita ulit si Impo. Pinigilan siya ng assistant ni Impo, sigurado daw kasi na may dahilan lahat. Darating at daratin din daw ang panahon na makakabalik siya doon.

Naiyak si Celine nong maktia niya si JB. Kinausap niya ito, nangako daw si JB na nothing would keep them apart kaya she demands na he keeps his promise to her. Lalabanan daw nilang dalawa ito. Sinabi nitong mahal na mahal niya si JB. Nagising si JB. Nakita ni Onay kung gaano sila kasweet sa isa’t isa.

Masaya na si celine noong inihatid siya nina Jackie at Onay sa kwarto niya. Inalok niya si Onay na maging caregiver niya kahit hindi siya professional. Tumanggi pa rin si Onay, mas importante daw kasi sa kanya na gumaling si Celine kaya dapat real nurse na lang ang umasikaso sa kanya.

Pinuntahan ni Mateo si Celine. Nagtatampo daw ito kay Celine dahil pinaglihiman siya nito dati (na may sakit siya). Ipinakilala niya si Onay. Magaan agad ang loob ni Mateo kay Onay.

Nag-usap sa telepono sina Veron at Lena. Hindi pa raw uuwi si Lena. Miss na raw nila ang isa’t isa

Habang kumakain sina Eli at Jackie, sinabi ni Eli sa kanya na maswerte siya because of Jackie.

Sinorpresa ni Lena si Veron. Nabigla ito dahil nakabusiness attire ito.

Pinilit ni Jackie si Eli na mag-almusal muna bago ito umalis papunta sa trabaho. Sinabi ni Fidel na hindi raw ito papasok ng isang linggo, Eli can handle everything naman daw tutal siya ang nagpasok sa more than half of the investors. (Sarcastic much, no?)

Pinuntahan ni Corazon si JB sa hospital rom nito. Hinawakan niya ito habang umiiyak. Nagising si JB. Humingi ng sorry si Corazon, humingi rin ng sorry si JB for hurting her that way he did. He just wanted to be happy and be free to love Celine daw. He never stopped loving her and he will always love him daw. Sinabi ni Corazon na: “Just be well.” Nag-“I missed you” silang dalawa…

8 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 28”

  1. annedito Says:

    HAHAHAHA…diba prediction ko na magiging caregiver ni celine si toni? i still hate her though

  2. ptvj Says:

    oo, nga no. ako man i don’t like toni that much. siguro si onay ang anak ni mateo kay andrea.

  3. safiya Says:

    sino si andrea? sa book 1 ba yon? di ko kse napanood yon. pansin ko lang napakaordinaryo ng mukha ni toni sa MSKM2. Pero pag hosting job sya maganda dating nya ron.

  4. ptvj Says:

    safiya, si andrea iyong naging asawa ni mateo dati, na allegedly ay namatay sa sunog noong ipinasunog ni fidel and neighbourhood nina mateo. here’s the episode that she was mentioned:

    https://pinoytvjunkie.wordpress.com/2008/01/10/mskm-ang-pagbabalik-episode-24/

  5. No Car Says:

    Safiya, si Toni mukhang ordinaryo dito kasi mahirap lang siya dito sa MSKM2. While in hosting syempre dapat glamorous looking siya diba. Pero wait and see kung si Mateo nga ang tatay ni Onay, Magigigng maganda rin siya balang araw. (Make-up lang ang katapat niya)

  6. annedito Says:

    No offense, but hosting/acting/singing WHATEVER, i still don’t like toni. i hate her more now kasi aagawin niya si jb kay celine.

  7. safiya Says:

    ptvj, thank you ha. naglinaw na sa akin bigla may dating na si Onay – kung sya nga ang anak ni Mateo kay Andrea. No Car, ibig sabihin pangit si Onay at si Toni better with make up. May mga artista kseng with or without make up maganda pa rin, Si Toni o Onay, square talaga ang dating ng mukha sa akin eh, di ko type! sorry agains sa die hard Tonians!

  8. annedito Says:

    OK lang safiya…i really don’t like toni either! hindi lang yung mukha niya, but it’s also yung dating niya. there’s just something plastik na ewan about her. although i like her sister.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: