MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 27

by

DUmating ang nag-aalalang si Gloria sa ospital. Kinumusta niya si Corazon. Dinala siya nina Jackie at Eli sa hospital room Corazon. Naiyak si Gloria sa nakita sa kapatid, puno ito ng pasa at may neck brace it at pati na iyong arm.

Corazon told her to save her tears dahil humihinga pa siya. Hindi raw ba pwedeng kalimutan na lang ni Corazon ang lahat, tanong ni Gloria. Hindi raw siya madaling makalimot at ayaw niyang lumimot. Sinabi ni Gloria na pag pagod na siyang mag-isa, naroroon lang sila ni JB para sa kanya. Pinaalis na sila ni Corazon. Paalis na si Gloria noong pumasok si Mateo sa hospital room at nagkita sila.

Nagtama ang mga paningin nila pero nilampasan lang siya ni Mateo at dumiretso sa tabi ni Corazon. Hinalikan nito ang kamay niya at kinumusta niya ito. Umiiyak na umalis si Gloria.

Samantalang ayaw pa ring umalis ni Onay sa hospital kahit anong yaya ni Joko sa kanya. Pinapauna na niya ito sa palengke dahil hindi raw siya mapalagay.

Sinabi ni Gloria kina Jackie at Eli na alam niya na si Corazon ang mahal ni Mateo. Matagal na raw niyang tinanggap iyon dahil alam niya hindi lahat ng pag-ibig dapat at kung minsan kahit masakit kailangan mong pakawalan, (at this point dinugtungan nina Jackie at Eli ang mga sinasabi nila habang ipinapakita nila sina Lena, Mateo at Corazon,ang pagkakadiskubre sa bangkay ni Thomas, at sina JB at Celine)…dahil kung kayang bumuhay ng pa-ibig,kaya nitong sumira ng buhay. Pero makapangyarihan ang puso titiisin kahit gaano katagal ang paghihintay, gagawin ang lahat para labanan kahit ano mang katapusan.

Sinabi ni Jackie na sana raw kagaya raw nina JB at Celine silang dalawa ni Eli, na kahit lahat ng imposible lahat pwedeng gawin. Nagkukwento si Onay kay Celine ng mga istorya noong mga bata pa sila ni Joko, kahit natutulog lang si Celine. Sumersyoso si Onay at sinabi niyang sana gumising na siya. Ang ganda raw ng araw sa labasa, gusto daw niyang makita ni Celine ang lahat ng araw na darating. Huwag saw siyang susuko.

Nagising si Celine at tinawag ang pangalan ni JB. Tuwang-tuwa si Onay. Tumakbo si Onay sa kinaroroonan nina Jackie, Eli at Gloria para ibalita. Pinuntahan nina Jackie at Eli si Celine at kasunod nila si Gloria pero lumabas si Mateo sa pintuan at nakita siya ni Gloria. Sinabi ni Gloria kay Samuel/Mateo na salamat raw sa ginawa niyang pagtlong sa kapatid at pagtanggap niya kay Eli. Sinabi ni Mateo na wala daw siyang dapat ipagpasalamat –in a very malamig way.

Sinabi na nina Jackie at Eli kay Celine ang kundisyon ni JB.

Nakausap na ni Lena si Impo at pinahawak niya ang statuette niya para maramdaman nito kung nasaan si Joaquin. Nagmamakaawa si Lena. Sinabi niya na tama na raw, mahal siya ni Joaquin at babalikan siya nito sa tamang panahon ang kung diya raw ang tatanungin, hindi niya gugustuhing darating ang panahong iyon. Gustong malaman ni Lena ang ibig niyang sabihin pero ayaw ng i-elaborate ni Impo. Pinapaalis na siya nito at niyayaya na siya ng assistant ni Impo.

Kinumusta ni Corazon si JB kay Mateo. Sinabi ni Mateo na huwag siyag mag-alala, makakaligtas siya at hindi siya pababayaan ng mga doktor. Sinabi ni Corazon na napakahayop ni Thomas. Sinabi na ni Mateo na wala na si Thomas. Umiyak si Corazon, akala ni Mateo dahil mahal niya si Thomas. Sinabi ni Corazon he treated her like dirt. Malaya na raw siya.

Ipinangako ni Mateo kay Corazon na mula ngayon raw wala ng mananakit sa kanya.

Hindi pa rin nagigising si JB mula sa operation. Nakita ni Mateo na malungkot si Eli habang pinapanood si JB, hinawakan nito ang shoulder ni Eli…

2 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 27”

  1. No Car Says:

    mukhang gumaganda na ha.

  2. safiya Says:

    naiyak ako sa episode na ito. gusto ko na yatang panoorin ito religously. Sa totoo lang napapabilib ako ng mga artista dito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: