MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 26

by

Nag-aalala si Mateo dahil hindi sinasagot ni Corazon ang phone niya. Sabi ni Jimenez, he’s sure na she’s in a really bad situation right then. (Well, he’s right dahil sa kotse pa lang sinasaktan na ni Thomas si Corazon).

Tinawagan ni Lena si Jackie. Sinabi nito sa kanya na huwag silang mag-alala sa kanya. May mga panahon daw kasi na talagang gusto niyang mag-isa. Babalik na lang daw siya pag okay na siya at may pinatunguhan na ang pag-alis niya.

Nahulog sa hagdanan sa Corazon dahil sa kakapanlaban niya kay Thomas. Sinabi niya kay Thomas na huwag na siya nitong pahirapan. Kung gusto siyang patayin nito, patayin na siya. Kinuha ni Thomas ang baril niya…

Nakatanggap ng tawag si JB. Nagmamadali itong umalis ng bahay at iniwan si Celine kahit gusto nitong sumama.

Nasa firing range sina Fidel at Monique. Nanggigigil si Fidel kaya iyong target na lang niya ang pinagbabaril niya.

Tinangkang barilin ni Thomas si Corazon pero nakatakas pa ito. Nalaglag ang bracelet na ibinigay ni Mateo sa kanya at

Pinukpok ni Corazon ang Likod ni Thomas gamit ang isang vase. Nag-agawan ng baril sina Mateo at Thomas. Natamaan si JB habang itinatakas niya ang ina. (Nadaplisan din si Corazon by the way).

Tumakas si Thomas habang tinulungan naman ni Mateo si Corazon na dalhin di JB sa hospital.

Nag-aaway sina Onay at Joko kung sino ang maglalaba. Sumakit ang tiyan ni Onay at naita niya ang mga baraha niya (clueless talaga ako sa mga barah so I don’t know, but guessing from her expression, masama ang meaning).

Habang naghihintay naman si Celine, nagsuka ito at natumba. Hindi siya marinig ng mga katulong. Tinagawan niya si Onay. (Duh! Bakit hindi ang katulong niya ang tinawagan niya, mas agad silang makakalapit sa kanya). Nagmamadaling nagpunta sina Onay at Joko.

Mainit pa rin ang ulo ni Fidel tungkol sa involvement nina Mateo at Veron sa negosyo niya. Sinabi ni Monique na naroroon lang sila ni Jackie supporting him. Pati si Eli daw. Sinabi ni Fidel na ngayong nasa business na si Mateo, aminin man daw ni Eli o hindi, hati na ang loyalty nito. Ipinaalala ni MOnique na Eli is his son now at nagkakasundo naman daw sila dati dahil they work for the same goal.

Tinawagan ni Jackie si Fidel mula sa ospital para ibalita ang nangyari kina JB at Corazon. Hindi raw nito ma-contact si celine. Sinabi ni Eli kay Jackie na magpunta na lang sila sa spa. Pinigilan sila ni Mateo. Huwag daw muna silang umalis hangga’t hindi pa naooperahan si JB. May mahalag raw siyang aasikasuhin. (E di sana isa na lang sa kanila ang nagpunta sa spa, hindi naman sila kambal tuko pwede naman silang maghiwalay).

Dinala rin pala ni Onay si Celine sa hospital at kino-contact din niya si JB. Habang tinatanong ni Onay sa driver( or another staff nina Celine) kung ano pang number ang pwedeng macontact, nakita ng staff si Eli sa lobby ng ospital.

Hinarang ng mga kalalakihang armado ng baril ang sinasakyan ni Thomas.

Pinuntahan nina Jackie at Eli si Celine. Nagpasalamat si Eli sa tulong na ginawa ni Onay. Doon lang niya nalaman na nabaril si JB.

Pinagbubugbog si Thomas ng mga kalalakiha habang nanunuod si Mateo. Sinabi ni Thomas na akala raw niya wala na siyang interest kay Corazon. Alam naman raw ni Mateo na si Fidel ang nag-utos para barilin ang kamay niya. Alam raw niya na pinatawad na siya nito sa mga kasalanan niya sa kanya. Binaril ng isa sa mga tauhan ni Mateo si Thomas.

Napapanaginipan ni Celine si JB. Nasa OR naman si JB. He was having seizures. Celine was talking in her sleep: “JB, please stay… or take me with you… .”

(It’s like a dream) May kamay na humawak si Celine, si JB. Sinabi niya na she knows na he would never leave her and he will love her forever. WOuld she want that daw. There’s nothing else that she would want but that, answer naman ni Celine. Hinalikan ni JB si Celine…

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 26”

  1. carlosaya Says:

    pls.send me a video about the maging sino ka man 2 episode 26 & 27

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: