Patayin sa sindak si Barbara, Episode 05

by

Title: “Kandilang Itim”

Sinabi ni Agnes kay John na tigilan na lang nila muna ang questing nila. Kinausap ni Agnes si Dale at sinabi nitong sometimes nacu-cute-an din siya dito minsan, na pwede silang maging friends, etc. Pero natutulog pala ito (kaya pala naka-shades). Umalis si Agnes sa inis niya.

alaman ni Barbara na ipinatago ni Amanda ang mga gamit ni Fritz sa attic sa mga katulong. Sinundan ni Barbara ang mga katulong sa attic. (Alam naman niyang gusto siyang patayin ni Ruth, nagpupunta pa siya sa mga lugar na tago). Tinignan ni Barbara ang mga gamit ni Fritz. Nakita niya ang blue print ng pinaplano ni Fritz na magiging bahay nila noon.

Sinabi ni Agnes ang kutob niya sa kuya niya pati na ang ginawa nilang pag-summon sa kaluluwa niya kaya lang nahuli sila ni Amanda. Ayaw maniwala ni Fritz, sinabi niyang lasing siya kaya naaksidente sila. Ilang beses na raw ba na sinabi ni Karen na naroroon ang mommy niya? (At this point, Fritz remembered noong nakita niya si Chelsea sa kotse niya after he threw it out). Nag-aalala lang daw si Agnes sa kanya.

Dinalaw ni Barbara si Fritz. Sinabi ni Barbara kay Fritz na hindi na sila pwedeng magkita dahil ayaw niyang masira ang relasyon nila ni Amanda. Inamin niya na mahal pa rin niya si Fritz pero kapalit ng pagmamahal niyang iyon ang ang buhay niya at ng mga mahal niya sa buhay.

Hindi na raw kailangan mag-worry si Agnes sa kuya niya dahil hindi na siya sasaktan ni Ruth. Paano raw siya mag-aalala e si Fritz ang dahilan ng pagpapakamatay niya. Sinabi ni Barbara na hindi siya ang dahilan. Agnes hugged Barbara as if she understood.

Ayaw pa ring paniwalaan ni Agnes si Dale. Sinabi ni Dale na parang multo din daw ang pagmamahal niya kay Agnes, hindi niya nakikita hindi niya nararamdaman.

Hindi na talaga makakaalis si Barbara dahil buo na sa loob ni Amanda na doon na lang siya. Inalok pa nito ang posisyon na naiwan ni Ruth sa real estate company ng daddy nila.

Nakita ni Elsa sa cabinet niya ang mga kandilang pinagpuputol niya the previous night. Buo ang mga ito. TUmingin siya sa altar at nakasindi ang mga itim na kandila. Tinanong ni Karen kay Elsa kung ano bakit galit sa kanya ang mommy niya. Siya raw ang uunahin nito. Nakita niyang may hawak na blade si Chelsea.

Nakita niyang isinara ni Ruth ang pintuan. Kinalabog niya ang pinto at humingi siya ng tawad kay Ruth. Nagawa lang daw niyang maglihim sa kanya dahil ayaw lang niyang masira silang magkapatid. Sinabi ni Chelsea na wala na roon ang mommy niya. Nakita ni Elsa na nasa tabi niya si Ruth pero nawala rin ito. Nasa kamay pa rin ni Chelsea ang blade.

Binigyan naman ng bulaklak ni Badong si Kitkat (ano ba ang pangalan niya dito?).

Sinabi ni Elsa kay Barbara na umalis na ito. Ginagamit daw ni Ruth ang manika ni Karen para makapag-communicate ito sa anak niya. Imposible daw na saktan siya ni Ruth dahil mahal na mahal siya nito. Sinabi ni Elsa na nagsinungaling siya ka Ruth at siya raw ang uunahin niya. Ayaw ni Barbara dahil ano raw ang sasabihin niya kay Amanda. Hanggan kailan daw siya magsisinungaling kay Amanda?

Sinabi ni Barbara na baka si Elsa ang dapat tumakas. Hindi raw siya pababayaan ni Barbara.

Sinabi ni Agnes ang pinag-usapan nila ni Barbara. Kung sino man daw ang dahilan ng pagpapakamatay ni Ruth, ito raw ang nanganganib ang buhay. Sinabihan ni Fritz si Agnes huwag na raw siyang bumalik sa bahay nina Amanda at tawagin ang kaluluwa ni Ruth.

Tumawag si Barbara sa isang pari. Pero naputol ang connection nila and Ruth disguised her voice as a man para akalain ni Barbara na ang pari ang kausap niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: