Patayin sa sindak si Barbara, Episode 04

by

Title: “Matakot ka Barbara!”

Nagparamdan rin sa katulong (anong pangalan ni Kitkat dun?) nina Amanda si Ruth dahil ayaw nitong maniwala kay Karen na kasama niya ang mommy niya. Nakita niya ang mga paa ni Ruth noong kinuha nito ang nahulog na kutsara/tinidor sa ilalim ng mesa.

Ayaw paniwalaan nina Agnes si Dale. Si John daw ang may third eye at hindi siya. Gawa-gawa lang daw niya iyon dahil gusto lang niyang sumali sa grupo nila (Akala ko mga spirit questors ito e bakit ayaw nilang paniwalaan iyong tao).

Napanaginipan ni Barbara si Ruth. (Kinakausap niya ang picture nila ni Ruth at sinabi niyang mahal na mahal niya si Ruth kaya kahit mahal niya si Fritz, nagparaya ito para lang sa kapatid. Gumalaw ang picture ni Ruth sa picture nila ni Barbara at hinablot niya ang rosaryo ni Barbara. Nasa ilalim ng kama ang pumangit na si Chelsea and she was going after Barbara). Nagising si Barbara, nasa kama siya ni Karen at ni Chelsea. Naging si Ruth si Chelsea without Barbara’s knowledge.

Pumupuslit sa loob ng bahay sina Agnes at ang mga kasama niya sa Spirit Questor pero nahuli sila ng katulong. Nakumbinse nila itong papasukin sila para i-summon ang kaluluwa ni Ruth. Ibinigay pa niya ang mga nakita niyang mga itim na kandila ni Ruth. Nakikita ni Dale si Ruth pero hindi niya ito sinasabi sa mga kasama until nakipagface to face sa kanya si Ruth. Nagising sina Amanda sa sigaw ni Dale kaya nahuli sila.

Sinabi ni Agnes kay Amanda na hindi pa tahimik ang kaluluwa ni Ruth at maaring ito ang dahilan ng pagkakaaksidente nina Fritz at Karen. Sinabi ni Amanda na tahimik na ang kaluluwa ni Ruth at kaya naaksidente sina Fritz at dahil lasing ito.

Noong papalabas na sa gate sina Agnes, pinuntahan sila ni Elsa para balaan. Huwag na raw nilang ilagay sa panganib ang mga buhay nila at huwag na nilang tawagin ang kaluluwa ni Ruth. Kinuha rin niya ang mga itim na kandila ni Ruth. Desperada na raw si Ruth na malaman kung sino ang babae ni Fritz kaya kung anu-ano na ang pinaggagawa niya. Nagpaimbestiga raw ito, nagpahula, humingi ng tulong sa Diyos, humingi rin siya ng tulong sa ……….. (well, hindi na niya itinuloy pero your guess is as good as mine).

Hindi makatulog si Amanda at iniisip niya ang mga sinabi ni Agnes sa kanya.

Kinakantahan naman ni Karen si Chelsea/Ruth ng lullaby.

Itinanong ni Amanda kay Barbara kung naniniwala siya sa mga sinasabi ni Agnes. Sinabi niya na noong inilibing nila ang daddy nila, nagpakita ito sa kanya kinagabihan. Nakatayo lang daw ito sa isang sulok at nakangiti sa kanya. Hindi raw niya alam kung dala lang daw ba iyon ng kalungkutan niya.

Niyakap ni Amanda si Barbara at sinabi niyang sila na lang ni Karen ang natitira sa kanya. Sana raw huwag ng lumayo si Barbara…

2 Tugon to “Patayin sa sindak si Barbara, Episode 04”

  1. nawawala Says:

    ang ayoko lang dito yung pag-trato ni maya kay jay-r. ganun na naman parang sa “pangarap na bituwin.” yung masungit na naiirita! hmp! pwede namang di sya maniwala, pero hindi masungit diba! kainis lang…

  2. Mariel Says:

    Wala, si Dale talaga ang may third eye! Si John ang plastik!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: