MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 24

by

Pagpasok nina Monique at Jackie sa pinto nakasalubong nila ang pinapawisang si Veron. Sinabi niyang naiinitan lang siya. Dali-dali rin itong umalis.

Habang naglalakad-lakad si Lena, may nakita siyang bulag na nanggigitara at napangiti siya.

Ayaw iwan ni JB si Celine pero pinilit siya ni Celine na pumasok sa trabaho.

Malamig ang pakikitungo ni Fidel kay Eli. Sinabi niya na sa business matters, he’ll allow him to call the shots dahil kumpanya rin niya iyon. Pero sa personal matters siya ang magdedesisyon (nag-second the motion kasi si Eli sa sinabi ni Jackie na hindi pwedeng ipa-cancel ni Fidel ang check-up niya).

Sinadya ni Eli si Mateo at itinanong niya kung ano talaga ang pakay niya sa pagpasok nito sa buhay nila. Mateo started making drama about his life before etc. etc. at gusto niyang maging mabuting ama sa kanya ngayon. Hindi naniniwala si Eli. Gusto daw niyang malaman ang totoo.

Ikinuwento ni Mateo ang lahat…

Totoo daw na nagkasala siya kay Fidel pero pinagbayaran na raw niya.

Itinakwil si Mateo ng ina niya dahil daw sa mga kababuyang ginagawa nila ni Donya Esther (sino yun?). Inatake sa puso ang nanay niya, nagsisigaw siyang humingi ng tulong. Dumaan ang kotseng minamaneho ni Fidel kasama si Gloria pero pinasibad lang nito ang sasakyan niya.

Tinorture siya ni Fidel at halos mamatay na ito kung hindi dahil sa isang babaeng tumulong sa kanya, si Andrea (si Angel Aquino). Naging pianist siya sa pagkakanta ng Andrea. Binaril ni Thomas si Mateo sa kamay. Nanganak ang Andrea (si Ana Joy). Umalis si Mateo para magtrabaho sa ibang bansa.

Itinanong ni Eli kung nasaan ang kapatid niya.

Siya daw ang huling kaluluwang pagsasabihan nito…

Nagpunta si Mateo sa Taiwan para magtrabaho. Doon ay nasaksihan niya kung paano pagmalupitan ang mga Pilipino.

Ginahasa ni Fidel si Andrea. Umuwi siya ng Pilipinas. Sinugod ni Mateo si Fidel (well, ipinakita na susugurin niya si Fidel).

Nasunog ang neighbourhood nina Mateo. Nasunog sina Andrea at Ana Joy.

Sinabi ni Mateo na inilihim niya ang lahat ng ito kay Eli dahi tatay na rin niya si Fidel at ayaw niyang maapektuhan ang relasyon nila ni Jackie.

Umiiyak si Eli (and he crushed a soda can) habang iniisip ang mga ikinuwento ni Mateo sa kanya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: