Ysabella’s Latest Update

by

Eto i-sa-summarize ko ang mga pangyayari sa Ysabella😈 :

Nag-away sina Ysabella at Victoria. Dahil may maitim na binabalak si Victoria kay Ysay.

Nag-uusap sina Ysabella at Mito. Darating si Albert tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Nag-uusap sina Ysabella at Albert. Tutulo ang luha ni Ysay. Darating si Mito tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Nag-uusap sina Albert at Mito. Darating si Ysabella tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Magkikita sina Mito at Albert. Magtitinginan sila kasabay ng suspense music.

Tapos iinom sila ng kape (Nescafe), pero mas mahaba pa ang exposure ng kape dun sa tao.

Kakanta si Alex kapag nauubusan na sila ng mga dialogues at eksena kaya mag-e-emote na lang sila.

P.S. Marunong palang mag-Spanish si Ysay.

9 Tugon to “Ysabella’s Latest Update”

  1. nawawala Says:

    What the f****!! ano yun!??!?!??! HAHAHAHAHHA!!!!!

  2. NoCar Says:

    AAAy Naku!!! Tapusin nyo na pleeease!!!
    Ayaw na ng Televiewers kahit anong gawin nyo hindi na nakakaexcite.
    Kahit nga hindi nyo na ituloy, biglang end na lang okay lang sa amin. Hindi namin kayo mamimiss. (Sama ko ‘no) 😉

  3. annedito Says:

    HAHAHA…hindi ko na rin pinapanood yun eh. naiinis nalang ako. the last episode i remember was yung preview na sinaksak si ysay. sino ang sumaksak sa kanya or was that a dream???

  4. ptvj Says:

    naku guys, inis talaga ako sa ysabella. to the point na gusto ko ng magtagumpay si victoria😈 . it was so bad. to think na napagtiyagaan kong tapusin ang margarita, but this? matutulog na lang ako.

    annedito, hindi siya nasaksak. may naglagay ng puso ng baboy(?) sa higaan niya. it turned out to be christina dahil she wanted albert for her self.

  5. shema Says:

    Haaaaaaaaaaaayyyyyyyyy! sobrang sobra na ang pagka evil ni Victoria, walang katapusan. Si Ysay naman Albert pa rin ng Albert kahit napakasama ng Ina. Unrealistic talaga, do u think mag risk ang tao to choose a man whose mother is ill mentally, psychologically and a murderer? Hahaha sa pelikula lang nangyayari ito. Salamat naman at nabalitaan ko sa TV Patrol na maghiwalay muna si Juday at Ryan sa tambalan, yeah sa totoo lang sawang sawa na kami sa dalawa, wala talagang thrill! We want something new!

  6. Raymond Lee Quijano Says:

    arg! di ko pa napapanood yan. huwahh!

  7. annedito Says:

    thanks ptvj! like i said, hindi ko na pinapanood kaya confuse na ako sa story. sawang-sawa na ako kay ysay at albert. mommy ko nga inis na inis kay ysay dahil sobrang concern daw niya kay reno. ewan ko ba…kawawa naman si juday, ang pangit ng serye niya. to think na i don’t really like her, but she’s a good actress and she did as much as she could with this ridiculous story.

  8. ptvj Says:

    annedito, minsan gusto ko na ngang magtagumpay si victoria dahil nagsawa ako sa ysabella😈

  9. Marie Says:

    HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA its true tho, thats what always happens! Oh and dont forget to add Victoria yelling and screaming =P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: