Patayin sa sindak si Barbara, Episode 03

by

Title: “Talim ng Blade”

(May title ba to every episode? I haven’t noticed. LOL)

Dinala sa ospital sina Fritz at Karen. Ni-re-revive ng mga doctors si Fritz pero he had a flatline. Sa kabilang kwarto, okay naman si Karen. Ni galos ay wala siya pero she’s still under observation.

Pinuntahan ni Agnes si Karen. Nakibalita ito tungkol sa kuya. Sinabi ni Karen na huwag siyang mag-alala dahil naroroon naman ang mommy niy at nagbabantay kay Fritz.

Ligtas na sa panganib si Fritz. Pero may internal bleeding ito kaya doon muna siya ospital.

Sinabi ni Agnes kay Barbara ang sinabi ni Karen. Alam daw ni Agnes na galit si Ruth kay Fritz, baka raw siya ang may kagagawan nito. yaw maniwala ni Barbara. For the sake of argument daw na totoo ang sinasabi niyang naghihiganti si Ruth kay Fritz, hahayaan daw ba niyang mapahamak din ang anak niya. (Duh! That’s walang nangyaring masama kay Karen).

Sinabi ni Karen na hindi na siya galit sa daddy niya. Sinabi rin niya na si Ruth ang nag-save sa kanilang dalawa ni Fritz.

May ibinubudbod na powder si Agnes sa hospital room ng kuya niya. Dahil ayon sa binabasa ni John (that Spirit Questor guy), nang-iiwan ng footprints ang mga multo. Dumating si Dale para samahang magbantay si Agnes sa kuya niya.

Biglang nag “I love you” ng paulit-ulit si Chelsea. Noong dinampot ni Agnes ang manyika, nakita ni Dale si Ruth sa likod ni Agnes. Biglang may dumating na nurse.

Nagtataka si Barbara kung paano napunta ang manyika ni Karen sa kwarto ni Fritz. Sabi naman ni Agnes baka raw nakapuslit lang si Karen sa kwarto ni Fritz at naiwan si Chelsea

Nakita ni Dale na naglalakad si Ruth sa likod nina Elsa, Barbara at Karen. (Pinauwi na ng doktor si Karen). (Teka, di ba dapat nagpo-float lang ang mga multo?)

Sinabi ni Amanda kay Barbara na kung hindi lang kasalanan sa Diyos. Si Fritz na lang at ang kabit niya ang naaksidente.

Ipinaalala ulit ni Elsa kay Barbara na huwag nitong hubarin ang rosaryo dahil nasa panganib ang buhay niya.

May humawak sa kamay ni Barbara while she was going out of the shower. She stepped on a blade dun sa drain, nasugatan siya. Nagpakita si Ruth sa kanya habang kumukuha siya ng pang-first aid sa sugat niya. Ruth forced her to slit her wrist.

Habang nagdadasal si Elsa, nahulog ang baraha , ang death card. Pinuntahan niya si Barbara.

Sinabi ni Barbara kay Elsa na sinabihan siya ni Ruth na papatayin siya nito noong nagpakita siya dito sa aksidente. Sinabi ni Elsa na alam na kasi ni Ruth na si Barbara ang babae ni Fritz.

Flashback: Mag-boyfriend sina Barbara at Fritz. Nalasing si Fritz at nabuntis niya si Ruth. Ayaw panagutan ni Fritz si Ruth. Ayaw ni Barbara na kumbinsihin si Fritz na pakasalan si Ruth kahit anong pakiusap ni Amanda. Naglaslas ng pulso si Ruth. Nakiusap si Barbara kay Fritz na pakasalan si Ruth, alang-alang sa magiging anak nila. End of flashback.

Sinabi ni Barbara sa yaya niya na nagkakamali si Ruth dahil mula noong pinakasalan ni Fritz si Ruth wala ng namagitan sa kanila. Sinabi ni Elsa na mahal pa rin siya ni Fritz at mahal pa rin niya ito.

Ayaw lumayo ni Barbara kahit pinayuhan na siya ni Elsa na lumayo. Dahil unti-unti na raw niyang nararamdaman na nagiging parte na siya ng pamilya niya (Which what she’s been doing all her life…).

Ipinasuot ulit ni Elsa ang rosaryo kay Barbara. Nasa bintana si Ruth…

5 Tugon to “Patayin sa sindak si Barbara, Episode 03”

  1. NoCar Says:

    Alam nyo gusto ko sanang manuod kasi alam ko maganda ang kwento. Pero hindi ko ma take eh, TAKOT TALAGA AKO!. Magbabasa na lang ako dito. Salamat po!!!

  2. ptvj Says:

    naku nocar, sinabi mo pa. one time hindi ko agad napanood so sa internet ko na lang pinanood at 3 in the morning. grabe, natakot ako. i will never watch it again at that time!

  3. Raymond Lee Quijano Says:

    sa tingin ko nga may title. kakatakooot

  4. michelle Says:

    waaa! super nakakatakot tlga! wla aqng pinalampas na episode grabe nkahanda nga mga unan nmin e hehehehe…

    more power to PSSB

    January 7, 2008 26.7% (6th)
    January 8, 2008 26.7% (6th)
    January 9, 2008 32.8% (3rd)

  5. Mariel Says:

    Galing ni Yaya Elsa.
    ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: