MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 23

by

Flashback: Magkasama sa isang fraternity sina Fidel at Thomas. Fidel was paying Thomas to do something to Mateo (dapat daw na sirain niya ang buhay Mateo). Dahil gipit si Thomas (due to gambling, I guess).

Tinawagan ng maid nila si Thomas para ibalitang umalis si Corazon. Papaalis na si Thomas sa restaurant para sundan si Corazon pero nakita na siya ng kausap niyang tao at niyaya na siya nito sa loob.

Nagkita-kita sina Mateo, Thomas, Fidel at Jimenez sa loob ng restaurant.

Flashback in the not so recent past (Book 1): Si Thomas ang sumira sa kamay ni Mateo. Binalaan ni Thomas si Mateo, sa kanya lang daw si Corazon.

Nagtama ang mga paningin nina Thomas at Mateo pero pareho silang walang sinabi. Binati ni Mateo si Fidel pero wala pa rin itong kibo.

Ngumingisi si Fidel (I don’t know why — maybe because they’re all in the same place?)

Pumasok si Corazon sa loob ng restaurant. Akala ni Corazon, si Fidel ang katagpo niya. Hinila siya ni Thomas papalabas ng restaurant. Tumayo si Mateo para ipakita ang rosas na dala niya. Doon lang nakita ni Corazon.

Pag-uwi sa bahay sinisante ni Thomas ang mga katulong nila. Sinabi ni Corazon na naglilibang lang siya. Nakita lang daw niya ang kotse ni Thomas sa labas ng restaurant kaya bumaba ito ng taxi para samahan siya. Nagdrama si Corazon kaya naniwala naman si Thomas.

Nasa mansion si Veron para kunin ang mga natitira pa niyang gamit. Dumating ang lasing na lasing na si Fidel. Inumpisahang akitin ni Veron si Fidel. Dinala ni Veron si Fidel sa loob ng kwarto niya. Inumpisahang alisin ni Veron ang mga damit ni Fidel. She was going at his belt pero pinigilan siya ni Fidel. Sinabi niyang kaya niya ito. Ayaw paawat ni Veron. Nagdrama ito at itinanong kung hindi na siya nito kayang mahalin, nakalimutan na raw ba niya ang tamis niya? Nag-uumpisa na silang maghalikan.

Papauwi naman sina Jackie at Monique. Sinabi ni Jackie sa mommy niya na baka siya ang dahilan kung bakit umalis si Lena. Sinabi ni Monique na natural lang daw ang nararamdaman niya dahil asawa siya.

Natauhan si Fidel at pinalayas si Veron. Ayaw umalis ni veron at sinasabing mahal niya si Fidel. Itinulak siya ni Fidel. Ayaw pa rin talagang paawat ni veron. Natatakot raw ba si Fidel na bumalik ang pagka-addict nito sa kanya. Hindi raw siya umuulit ng hostess dati, pero siya binalik-balikan niya. Dahil daw ayon kay Fidel siya daw ang first honour, valedictorian at summa cum laude. (LOL)

Nakiusap si Fidel na umalis na si Veron para sa kapakanan ng anak niya. Veron corrected her and she said “anak natin.” Fidel agreed, pagkatapos ay itinulak niya si Veron paalis.

Nanghihina naman si Celine after her treatment at inaasikaso siya ni JB. Pero hindi pa rin nito ipinapakita kay JB kung gaano kasakit talaga ang nararamdaman niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: