Patayin sa sindak si Barbara, Episode 02

by

Sinampal ni Barbara si Fritz dahil tinangka siya nitong halikan. Nanlulumong napaupo si Fritz pagkatapos iwan ni Barbara.

Wala pa ring makita ang isa sa mga kasama ni Agnes sa Spirit Questor Club sa ipinadala niyang picture na kinuha niya sa burol. Noong si Dale ang tumingin, nakita niya ulit ang kaluluwa ni Ruth sa picture.

Sa libing ni Ruth, nakita ni Barbara ang kaluluwa ni Ruth.

Pinabendisyunan ni Yaya Elsa ang isang rosaryo sa isang pari. Sinabi ng pari na kaawaan ng Diyos si Ruth. Sinabi ni Elsa na si Barbara ang higit na nangangailangan ng tulong ng Diyos.

Masama na naman ang reading ni Elsa sa mga baraha niya (Death ulit).

Tinanong ni Elsa si Barbara kung ano ang nakita niya sa libing ni Ruth. Sobrang pagod lang daw siya kaya siya nagkakahallucinations at akala niya nakita niya si Ruth. Sinabi na ni Elsa kay Barbara na ayon sa baraha niya, nasa paligid lang si Ruth at may galit ito sa puso at hindi lang ito galit kay Fritz. Sinabi rin niya na naroroon siya noong namatay si Ruth at sa huling hininga niya ay bumulong si Karen ng “Huwag mo akong iiwan, Mommy.” May paniniwala daw kasi na ibulong mo raw sa huling hininga ng taong mamamatay, magkakatotoo raw ito. Binuhay daw ng bulong ni Karen si Ruth.

Ipinasuot ni Elsa ang rosaryong pinabendisyon niya at sinabing kahit na anong mangyari huwang niyang huhubarin ito.

Patuloy pa rin ang pagpaparamdam ni Ruth kay Barbara.

Kinagabihan, nagpunta ang grupo ni Agnes sa puntod ni Ruth to play spirit of the glass. They summoned Ruth’s spirit. Noong na-spell out na ang R-U-T-H, inalis ni Agnes ang kamay niya dahil natatakot siya na baka pumasok ang kaluluwa ni Ruth sa friend niya (I don’t know his name). Kinausap nila ang kaluluwa ni Ruth. Tinanong ng friend ni Agnes kung ano ang dapat nilang gawin para matahimik ang kaluluwa niya. Biglang dumating si Dale kaya hindi na naman natuloy. Itinuro niya si Manong (maybe a ghost, too) at baka raw magsumbong ito sa pulis. Biglang nawala si “Manong” noong itinuro niya. Lumitaw lang ito ulit noong siya lang ang nakatingin. (Multo nga).

Galit si pa rin si Karen kay Fritz. Kinausap ni Fritz ang anak para ipaliwanag dito na hindi niya pinatay ang mommy nito. Pinipilit ni Fritz na kausapin siya ng anak pero nasasaktan si Karen at narinig sila ni Amanda. Pinalayas niya si Fritz.

Pilit na isinama pa rin ni Fritz si Karen at iniwan niya sa ground si Chelsea noong isinakay niya si Karen sa kotse. Sinundan sila ni Barbara. Nagpupumiglas si Karen pero later on pumayag na rin ito dahil sinabi daw ng mommy niya na okay lang na sumama sa ama. Nabigla si Fritz dahil kalong-kalong ni Karen si Chelsea. Muntik na silang mabangga ng isang truck. Umiwas siya at nag-swerve ang kotse nila at nabangga ang isang malaking puno.

Duguan si Fritz, walang malay si Karen…

Nakita ni Barbara ang kaluluwa ni Ruth at kalong-kalong nito si Karen…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: