Patayin sa sindak si Barbara, Episode 01

by

Habang nagdadalamhati si Barbara (Kris Aquino) sa pagkamatay ng isa sa mga pasyente niya, nagpakita ang multo ng pasyente niya sa kanya. Nakatanggap ng tawag si Barbara mula kay Amanda (Susan Roces) at nalaman niya mula dito na nagpakamatay ang kanyang half-sister na si Ruth (Jodi Sta. Maria-Lacson). Umuwi ng Pilipinas si Barbara para sa burol ni Ruth.

Sinabi ni Karen (Celine Lim), ang anak nina Fritz (Albert Martinez) at Ruth, kay Barbara na hindi siya iniwan ng mommy niya. And she kept on referring to her doll, Chelsea, as her mom. (By the way, manyika ni Barbara si Chelsea, pero ibinigay niya ito kay Ruth dahil inaangkin niya ito noong bata pa sila. There was an animosity between them dahil si Barbara ay anak ng daddy ni Ruth sa ibang babae, pero pinakasalan pa rin nito si Amanda at later on na lang nila nalaman ang tungkol kay Barbara).

Sa burol, naroroon ang kapatid ni Fritz na si Agnes (Maja Salvador). Mahilig itong ma-imbestiga ng mga supernatural events. Isa sa mga kasama niya ay si Dale (Jay-R Siaboc), at mukhang may third eye siya dahil noong siya ang tumingin sa picture na kinuha ni Agnes a while ago, nakita niyang naroroon sa tabi ni Karen ang kaluluwa ni Ruth. Wherein, noong si Agnes at ang iba pa niyang kasama sa Spirit Questors ang tumingin ay wala silang nakita.

Hindi binendisyunan ng pari ang bangkay ni Ruth dahil nagpakamatay nga ito.

Noong nasa bahay nila si Barabara ay maraming pagpaparamdam na ginagawa si Ruth. Sinabi ni Yaya Elsa (Eva Darren), ang yaya nila ni Ruth noong mga bata pa sila na ngayong naman ay yaya ni Karen, na sana hindi na lang daw ito bumalik (she was reading cards kasi and she saw death).

Sinabi ni Fritz kay Barbara na pinaghihinalaan siya ni Ruth na nambabae. Galit kay Fritz sina Amanda pati na si Karen. Dahil nakita siya ni Karen na sinaktan niya siya Ruth noong inaakusahan niya ito ng pambababae. Sinabi pa ni Karen na si Fritz ang pumatay kay Ruth. Sinabi ni Fritz kay Barbara na wala siyang ibang babae kahit na hindi niya talaga nagawang mahalin si Ruth. Kung may babae daw ito, si Barbara iyon dahil until now siya pa rin ang mahal niya…

8 Tugon to “Patayin sa sindak si Barbara, Episode 01”

  1. NoCar Says:

    exciting…… sige susubaybayan ko ito. But I will not watch it if I do not have somebody beside me. (TAKOT AKO EH!!!!!!!!)

  2. Raymond Lee Quijano Says:

    hiundi ko napanood ito… sayang. sana next time may youtube link. kahit link lang.

    mas maganda yung meron din mag po provide ng mga scripts per episode.

    but all in all, nice post and nice job. *post tagged!*

  3. Estrella Ferrer Says:

    Ako ay masugid na tagasubaybay ng Patayin Sa Sindak Si Barbara. Maganda sana ang teleseryeng ito. Kaya lang sana ay huwag namang laging sumisigaw ang bata ng “I hate you” and I don’t like you” sa daddy niya. Sa kulturang Pinoy, ang magulang ay laging nirerespeto kahit na anong sama ng magulang o kung tayo man ay may tampo sa ating magulang. Sa pangkaraniwang familia, iisa lang ang telebisyon sa bahay nila kaya sabay sabay na nanonood ang mga matatanda at bata. Hindi magandang makita/mapanood ng mga bata ang ganitong pagpapakita ng kawalan ng respeto sa magulang. Inaamo na nga ng ama ang bata ay sige pa rin ang sigaw ng bata sa ama ng disrespectful words. Tayo ay mga Pinoy pa rin kahit na tayo ay nakasunod sa mga makabagong gawi ng ibang kultura. Kailangang panatiliin pa rin natin ang mga magagandang traits ng mga Pinoy, RESPETO SA MAGULANG.
    Sana ay i-konsider naman ang bagay na ito ng tagapamahala ng Patayin Sa Sindak Si Barbara.

  4. tagasugid Says:

    Estrella Ferrer so very sensitive ka naman….it is only a teleserye and it is in the script that the child will be angry to her father kung kaya ” I hate you ang nasasabi ng bata” alangan namin i like eh sa pakiramdam ng bata ay nagkasala ang kanayang ama……tsk tsk tsk mag-isp ka naman….heheheh lol

  5. fever Says:

    sobrang ganda ng patayin sa sindak si barbara…
    Kaya namn ndi ko ito mapanood ng mag-isa.
    Nakatakip talga ang mukha ko pag nakaktakot n ang scene.. eh sometimes bigla n lng may susulpot ng kung anu2..
    Hay ang galing talaga ng pagkakagawa nito

  6. Mariel Says:

    Well, masyado namang mahina si Ruth, nagpakamatay agad. Hayzz.

  7. maru Says:

    sana may part two ang ganda grabe lalo na ni miss kris

  8. maru Says:

    i love it!ang galing ni miss kris,sana mabasa niya ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: