MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 21

by

Sinabi ni Veron na nasa plano na niya na aagawin ni Lena si Eli kay Jackie. Hindi sang-ayon si Mateo sa planong ito ni Veron. Huwag daw pagsasabungin ang mga inahin, lalo na’t mataas ang kalibre ng isa sa mga manok niya. Puso daw kasi ang usapan at hangga’t nasa puso daw ni Eli si Jackie, talo sila.

Masaya si Eli noong nagpaalam si Mateo dahil sinabi ni Mateo kay Jackie na anytime na available sila, lumabas naman daw sila.

Napansin ni Lena na matamlay si Jackie kaya inassure niya na hindi nito sinasadya ang pangyayari, aksidente lang daw iyon. Habang yakap ni Lena si Jackie, nagpasalamat si Veron sa kanya dahil pinasaya daw ni Jackie ang mga huling araw niya sa mansiyon.

Kausap pa rin ni Corazon si Mateo. Gusto na raw niya itong makita. Mateo told her na sandaling panahon na lang daw.

Inamin ni Jackie kay Eli na naiinis daw siya kasi alam niyang walang ginagawang kasalanan si Eli pero nagseselos siya, nagseselos siya sa sarili niyang kapatid. Then they kissed.

Ayaw aminin ni Lena sa ina na gusto niya si Eli at first, pero sinabi niya finally na hindi raw niya alam. Sinabi ni Veron na kung mang-a-ahas raw si Lena, galingan niya. Sinabi ni Lena na hindi raw siya ahas.

Jackie and Eli made love. While they’re going at it, napapanaginipan naman ni Lena si Eli (?). Ginising ni Veron ang anak at sinabi ng umiiyak na si Lena na si Joaquin ang mahal niya.

(Okay, this “asawa ko” endearment is getting on my nerves!!!)

The following morning, sweet pa rin ang mag-asawa.

Pinipigilan ni Veron si Lena dahil balak nitong umalis at hanapin si Joaquin. Hindi na raw alam ni Lena ang nangyayari sa sarili niya kaya kailangan niyang hanapin si Joaquin. Paano raw kung hindi siya nito talaga iniwan, paano raw kung may nangyari dito? Naiinggit raw si Lena kina Eli at Jackie dahil nabubuhay daw sila para sa isa’t isa. Hindi na raw mangyayari sa kanya iyon dahil araw-araw namamatay ang puso niya, dahil si Joaquin ang buhay niya. Naantig naman ang puso ni Veron. Gawin daw nito ang gusto niyang gawin, pero pagkatapos noon tama na.

Pinagmamasdan ni Celine si JB habang natutulog siya. Nagdarasal siya na huwag sana Niyang pababayaan si JB. Nagpasalamat din siya na she had the chance to love and be loved. Huwag daw sana Niyang ipagkakait kay JB ang chance na magmamahal at mahalin ulit…

(Onay was playing cards while this was happening. Hindi ako marunong magbasa ng cards, so I don’t really know…)

2 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 21”

  1. Sleeplessinwgtn Says:

    I agree with you, their pet name for each other , ‘Asawa Ko’, is annoying.

  2. annedito Says:

    bwisit talaga yang si toni! and i’m getting sick of “asawa ko” up to the point na fastforward ko yung scene nila.

    pero galing mag-act na malandi ni osang, ha! talagang kadiri na ewan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: