MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 20

by

Nagalit si Fidel sa pagdating ni Mateo sa pamamahay niya. Kung anong galit naman niya ay siya namang saya ni Eli, pati na sina Veron at Lena. Siempre masaya din si Jackie para kay Eli.

Nag-argue sina Monique at Fidel dahil gustong paalisin ni Fidel si Mateo pero sinabi ni Monique na pumunta siya doon bilang tao kaya dapat tanggapin nila. Nakiusap si Jackie sa mga magulang, na tutal bagong taon naman ay hayaan na nilang makipag-media noche si Mateo kasama nila.

Sinaktan ni Thomas si Corazon dahil sa matinding selos. Tinatawagan ni Corazon si Mateo sa cellphone nito para humingi ng tulong pero pakipot si Amang kaya hindi niya ito sinasagot. Sinabi ni Thomas na siya lang ang may-ari kay Corazon, when Corazon reaffirmed that, he started kissing her. (Yuck.)

Natumba si Lena on top of Eli at iyon ang tagpong naabutan ni Jackie. Sinisi ni Lena si Veron dahil binigla siya nito. Dinedma sila ni Jackie at niyaya si Mateo at sinabing pumasok na ito sa loob para kumain. Veron had this satisfied look on her face while si Lena ay mukhang guilty naman.

Sa dining table, malamig ang pakikitungo ni Jackie kay Eli. Noong tumayo si Jackie, hinalikan siya ni Eli. Kaya tinukso sila ni Lena at sinang 365 days silang magtutukaan.

Ayaw sagutin ni Onay ang cellphone niya, pero sinagot ito ng lolo niya. Si Celine ang nasa kabilang linya. Tinanong ni Celine sa lolo niya kung natanggap ni Onay ang damit. Kinausap din siya ni Onay at the end. Sandali lang silang nag-usap pero binati siya ni Celine ng Happy New Year (habang nilalambing siya ni JB) at nagpasalamat naman si Onay sa damit.

You can cut the tension with a knife sa bahay ng mga Madrigal. Nag-walk out si Fidel. Pinuntahan siya ni Mateo para magpaalam na. Tinanong ni Fidel kung ano ba raw talaga ang balak niya. Bago pa sila tuluyang nagkainitan, tinawag sila ni Veron para mag-ice cream.

Sinabi ni Fidel na tinatawag na siya ng babae niya. Sagot naman ni Mateo, hindi raw siya pumapatol sa mga pinagsawaan niya. Sinabi ni Fidel, e bakit daw habol siya ng habol kay Corazon. Malapit na raw niyang makuha si Corazon, sabi naman ni Mateo.

(Then they continued arguing. It seems like their history goes way back. They threatened each other, blah blah blah…in short boring ang episode na to…)

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 20”

  1. Mariel Says:

    boring? di naman siguro… di ko nga napanood un e… adik kaya ako kay Corazon ngayon… ty na rin, u made my little shippy heart jump up and down…but i agree, the kiss… I would have been grossed out too if i saw it… lmao. Lucky me.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: