Madam Damin sa 2008

by

Dahil hobby ko ang pangunahan ang mga writers ng mga teleserye na pinapanood natin, lulubus-lubusin ko na. Manghuhula muna ako…

Lobo

Feeling ko gagayahin nila ang ending ng Impaktita. Di ba sa trailer pinakitang nabaril ni Noah (Piolo Pascual) si Lyka (Angel Locsin) –tama ba ang mga pangalan — baka mabubuhay din si Lyka minus the “sumpa.” Kagaya nung nasunog supposedly si Jean Garcia (ano kasing pangalan niya dun?) tapos buhay pa pala siya at nawala na iyong sumpa.

MSKM Book 2

I’m actually torn. Dalawa kasi ang nahuhula ko. Oo, alam ko walang sense ang mga hula ko pero anong magagawa niyo, isusulat ko pa rin😈 .

Baka naman gagayahin nila iyong movie ni Maricel Soriano wherein she found out that she’s dying kaya pinaglapit niya ang asawa niya (Christopher de Leon) at ang secretary(?) niya (G Toengi) pero at the end, noong nagka-develop-an na ang dalawa, nalaman niya hindi pala talaga siya mamamatay. Baka paglapitin din ni Celine sina JB at Onay and then later on gagaling pa rin pala siya.

Or, mamamatay talaga siya. There. I said it. Ayoko lang talagang mamatay si Celine.

TV in General

May bagong teleserye wherein mangyayari ang mga sumusunod: ang isa sa mga bida may lihim na pagkatao, tapos ang mga susi sa tunay niyang niyang pagkatao ay masasama or masyadong mabait kaya namamanipulate ng mga masasama sa paligid nila kay hindi niya masabi-sabi ang totoo. May kidnapang mangyayari. May hindi tunay na anak. May maipluwensiyang tao na may mga tauhang gumagawa ng mga kasamaan. May mamamatay sa teleserye. May barilan sa bodega. Magbabarilan ang mga bida at mga kontrabida. Matatamaan si bida pero hindi siya madededo. Daplis lang daw.

Showbiz in General

May mabubuntis (may buena mano na pala, si Jennylyn Mercado). May magpapakasal at magsasabing sukob hanggang langit ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Maya maya maghihiwalay at panay ang patutsada sa isa’t isa. May magkakabalikan. May mga mag-aanak sa ibang babae na hindi niya asawa. May magdedemandahan. May mag-aaway dahil sa pera or sa leading man. May magsusuntukan. May magpipikunan.

Ayan, pagod na ako. Hindi ko na alam ang patutunguhan nito, kaya tatapusin ko na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: