MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 18

by

Pinasuot ni Jackie si Lena para sorpresahin. Naglagay ito ng mga fake snow sa may garden nila. Tuwang-tuwa si Lena at noong napatingin ito sa taas ng balcony nakita niyang itinatabi na ni Eli ang snow machine, eto ang sinabi niya…

Lena: Jackie, hindi ba pwedeng lahat ng meron ka, meron din ako? (Looking up)

Jackie: (Looked up as well) Pati asawa ko?

Lena: Joke…?

Saved by the bell, dahil tinawag na sila ni Monique para kumain.

Habang kausap ni Celine ang mommy niya sa phone, nagkukunwari pa rin ito na wala siyang dinaramdam. Gusto na ni JB na sabihin ni Celine sa ina ang totoo nitong kalagayan pero ayaw niya. Umiiyak na binuksan ni Celine ang regalo ng ina sa kanya.

Pinadalhan ni Celine si Onay ng isang dress for Christmas. Tinutukso siya ng pinsan niya at sinasabi nitong siguro mas gusto nitong kay JB ito nanggaling instead.

Opening of presents sa Madrigal household. Lahat sila, including the staff, ay tuwang-tuwang nagbubukas ng regalo. Pinakamasaya si Eli dahil may natanggap itong regalo mula kay Mateo (with a card that says something about eveyrthing has their own time and now is the time, etc.). Iba ang expression ni Fidel noong malaman ito, habang na-excite naman si Jackie.

Nakatanggap ng gold necklace at cellphone si Corazon with a card that says “Sana kapiling kita sa lahat ng okasyon.” Biglang kumatok si Thomas kaya hindi na niya nagamit ang cellphone.

Binigyan din ng lolo ni Onay si Onay ng regalo.

Tuwang-tuwang ibinalita ni Eli kay Lena na binigyan siya ng tatay niya ng regalo and it’s all because of Lena. Saktong paakyat si Jackie noong inakbayan ni Eli si Lena. Pumunta ito sa restroom at umiyak ito. Iba raw kasi ang kutob niya, kahit na ayaw niyang maramdaman ito.

Pinaghihinalaan ni Fidel ang motibo ni Mateo sa pakikipaglapit nito kay Eli at sa pagsama nito sa kumpanya nila. Sinabi ni Monique na huwag nila itong husgahan. Hindi kumbinsido si Fidel.

Tinawagan ni Eli si Mateo para magpasalamat sa regalor (hindi masaya ang mukha ni Amang noong malaman niya kung sino ang tumawag).

Behind Thomas’ back, tinawagan ni Corazon si Mateo (gamit ang cellphone na kasama ng necklace). Ibibigay daw niya ang lahat kay Corazon, kapalit nito ang pagmamahal niya. Hindi pa rin kilala ni Corazon ang kausap. At the same time, hinahanap siya ni Thomas. Bago pa siya nakita ni Thomas na may kausap sa phone, nakita siya ni Corazon at itinago nito ang cellphone. Nagkunwari itong nagpapahangin lang.

Habang tinutulungan ni Jackie sina Lena at Veron sa paglilinis ng apartment nila. Naikwento niya na sanay na siya sa mga gawaing bahay, uling pa nga raw ang ginagamit niya sa plantsa, sa probinsiya at sa Tondo raw iyon noong una silang mag-asawa. Ikinuwento niya na tatlong beses siyang pinakasalan ni Eli (which later on ay binawi niya, dalawa lang daw dahil ang pangatlo forever na iyon). Nacurious naman si Veron at pinakwento niya kay Jackie ito.

Isinalaysay ni Jackie ang mga pinagdaanan nila ni Eli…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: