MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 17

by

Ikinuwento ni Onay sa lolo niya ang encounter niya kay Celine at sa snatcher. Pinagalitan siya ng lolo niya dahil papaano raw kung may nangyaring masama sa kanya sa ginawa niya. Ayaw aminin ni Onay sa pinsan (?) niya na ang babaeng tinulungan niya ay ang babaeng kasama ng “soulmate” niya.

Masaya naman si JB dahil okay daw si Celine. Nagpasalamat naman si Celine at may tumulong sa kanya na babae. Sinabi ni JB na hindi na niya papayagang umalis na mag-isa. Sinabi ni Celine na gusto niyang pasalamatan ang babaeng tumulong sa kanya.

Tinawagan ni JB si Onay at nakiusap na makipagkita ito kay Celine dahil gusto nitong magpasalamat sa kanya. Sinabi ni JB na may sakit si Celine kaya kahit ayaw ni Onay, pumayag na rin ito.

(Naku ha, baka naman para itong pelikula nina Christopher de Leon, Maricel at G Toengi. Iyong nung nalaman ni Maricel na may taning na ang buhay niya, pinaglapit niya sina Christopher at G, tapos biglang gumaling si Maricel… .)

Walang kibo at first and then sumungit si Lena sa mga pagkukwento ng nanay niya. Para pang nanunuya si Veron na sinasabi niyang maswerte si Jackie, maganda na matalino pa at gwapo pa ang asawa. Napikon na ng tuluyan si Lena noong tinanong ng ina kung hindi ito naguguwapuhan kay Eli. Nanaginip si Lena. May mga rosas sa floor ng mga bathroom at nakita niyang nagsa-shower si Joaquin. Pagkatapos natutulog siyang mag-isa with fetals showering her, nakita niya ang statuette sa tabi niya at nakita niyang nasira ang mga bulaklak sa floor. Nagising na ito.

Tinatanong ni Mr. Jimenez kay Mateo kung paano nila papabagsakin ang kumpanya ni Fidel kung between the 2 of them ay 20% lang ang pag-aari nila. He should own at least 50% daw. Narealize ni Mr. Jimenez na he could get it from Eli.

Nabasa naman ng sprinklers sina Onay at ang pinsan niya noong nagsadya sila sa spa. Natulala na naman si Onay noong nakita niya si JB.

Natouch naman si Lena noong inoffer siya ni Jackie ng trabaho sa spa nila ni Celine para raw makatulong sa expenses nila ni Veron noong inihatid niya ang mga ito sa bago nilang tirahan. Tuwang-tuwa naman si Veron noong narinig niyang sinabi ni Jackie kay Lena na handa na siyang magtiwala. Hindi naman satisfied si Veron sa tirahan nila kaya nahihiya si Lena sa inaasal ng ina. Sinabi ni Lena kay Jackie na pangarap daw niyang makakita ng snow sa Christmas sahil noong bata pa raw siya lagi siyang pinapakanta ng White Christmas ng mga teachers niya at medyo na luha pa ito ng konti.
Pinakain nina Celine at JB sina Onay. Tinaggihan ni Onay ang alok ni Celine na bigyan siya nito ng damit dahil nga nabasa ito. Akala ni Onay sinasabi ni Celine na cancer ang zodiac sign niya kaya sinabi niya cancer din siya. Binaggit ni Onay na pinatingin nila ang lola niyang may cancer noon sa albularyo. Mukhang interesado naman si Celine. Nakita ni Onay ang pag-aalaga ni JB kay Celine.

Niyakap nina Celine at JB si Onay bago ito umalis at sinabi ni Celine na anytime na gusto nilang magpamasahe, etc. sabihin lang nila.

Gustong mag-noche buena nina Veron at Lena sa apartment nila, kaso niyaya sila nin Monique at Jackie na doon na kumain.

Isinayaw naman ni JB si Celine habang nagdi-dinner sila sa may garden. Scrapbook ng story nilang dalawa ang regalo ni JB kay Celine. (Na pati ako natouch). May card itong ibingay kay Celine (I tried typing it but in the middle biglang bumilis ang pagsasalita ni JB kaya tinigil ko na, hehe).

While reading it, ipinakita si Corazon habang pinagmamasdan ang picture nila ni JB noong bata ito pati na ang pagla-labing labing nina JB at Celine…

HAPPY NEW YEAR!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: