MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 15

by

Habang nagpi-piano si Mateo, tumawag nakatanggap ito ng tawag.

Nagpapractice naman sina Onay para sa Christmas Play nila. Nag-aalala si Onay na baka mapagod ng husto ang lolo niya. Noong papalis na si Onay para sa interview niya, inatake ng ashtma ang lolo niya. Binasag niya ang piggy bank niya para ipangpagamot sa lolo niya.

Nag-enjoy naman si Eli sa restaurant na pinagdalhan sa kanila ni Lena. Dumating si Mateo sa restaurant.

Naiyak naman si Celine dahil nakita niyang nalalagas na ang buhok niya.

Magaling na ang lolo ni Onay at humingi ito ng tawad kay Onay dahil kung hindi sa kanya, hindi nito namiss ang interview niya at hindi natigok si Miss Piggy.

Habang kumakain sina Eli, Jackie, Lena at Mateo, nagkukwentuhan sina Jackie, Lena at Mateo. Mukhang nagseselos naman si Eli sa closeness na nakikita niya kina Lena at Mateo. Sinabi ni Mateo na ang pamilya sa kanya ay iyong mga matagal na niyang nakakasama (referring to Lena at Veron na matagal na palang kumakain doon) hindi ito agad na sumusulpot lang. Sinabi ni Jackie na sana madalas na rin silang magkita. Pumayag si Amang at sinabi niyang bukas daw ang pintuan niya dito at sa “asawa niya” (si Eli). Tuwang-tuwa naman si Jackie at pasimpleng natutuwa naman si Eli sa narinig.

Samantalang patuloy pa rin ang pang-aakit ni Veron kay Fidel at hindi pa rin siya pinapansin ni Fidel, though.

Pag-uwi nina Jackie, nakatanggap ng tawag si Jackie mula kay JB at nalaman nitong iyak ng iyak si Celine dahil nalagas na ang buhok niya.

Inakbayan ni Eli si Lena bilang pasasalamat sa ginawa niyang pag-iimbita kay Amang.

Napagalitan naman si Eli kay Fidel dahil wala ito sa opisina.

Tinawagan ni Amang si JB at sinabihan. Bakit daw hindi niya sinabi ang situwasyon ni Celine sa kanya (gusto ata nitong tumulong).

Sinabi ni Veron na kay Jackie raw ito lumapit ng lumapit para gumaan ang loob nito. Pero sinabi niya mag-ingat siya dahil baka raw pati tatay-tatayan niya maagaw pa nito sa kanya.

Pinagalitan ni Fidel si Jackie sa pagsama nito kay Lena. Pinagtanggol naman ni Jackie si Lena. Kung ayaw raw nito ng gulo bakit ayaw niyang magkasundo sina Lena at Jackie. Nag-second the motion naman si Monique sa sinabi ni Jackie.

Para raw lalong mapalapit ang loob ni Jackie sa kaniya, dapat daw magkunwaring tumulong si Lena para sa pagbubuntis ni Jackie (not as a baby maker!) sabi ni Veron.

Tinanong ni Jackie si Eli kung sa tingin niya ang totoong mabait na si Lena. Sinabi ni Eli na hindi masama ang mag-ingat pero huwag nitong pagdudahan ang kapatid niya. Naglambingan (and more) pa sila after.

Naiinis naman si Lena (or nagseselos dahil naririnig niya ang paglalampungan ng dalawa). Napansin ito ni Veron.

Nagpakalbo si Celine. Sinabi ni JB na with hair or without, mahal pa rin niya ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: