MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 14

by

Inaway ni Lena si Veron tungkol sa nakita niyang pang-aakit nito kay Fidel. Pinaalala nito na bantayan nito ang puso dahil nagdududa ito na mahal pa rin ng ina si Fidel.

May kausap si Mateo sa phone. Pinupuri niya ang kausap niya at ang mga tauhan niya dahil nagawa ng mga ito ang pinapagawa niya. (He’s probably behind all the things that had been happening sa kumpanya ni Fidel).

Napanaginipan na naman ni Lena si Joaquin. Naghahalikan sila, inalis ni Joaquin ang tshirt niya, biglang mukha ni Eli ang ipinakita.

Lumabas ito ng kwarto at nakita niya si Eli sa kusina na nabangungot rin. Nakikinig si Veron habang pinag-uusapan nina Eli at Lena ang mga panaginip nila. Narinig niya si Lena na sinasabi niyang darating din daw ang araw na magkaka-explanation din ang mga bagay na hindi nila maintindihan.

Sinabi ni Fidel kay Monique na Veron has to go. Wala na raw dahilan para manatili pa si Veron doon. Sinabi ni Monique na okay lang sa kanya na it’s fine with her kung doon ito magpasko at mag-bagong taon. Kawawa naman daw si Lena kung hindi nito kasama ang ina. Gusto lang daw ni Fidel na sila-sila lang ang magpapasko. Sinabi ni Monique na isipin na lang daw niya na they have visitors.

Amazed na amazed naman Lena sa spa noong nagpunta sila doon kasama sina Jackie at Eli. Nag-usap rin sina JB at Eli tungkol sa kalagayan nila ni Celine, pati na tungkol kina Amang at Eli.

Napikon naman si Celine sa sobrang pagkatakle sa ni Lena. Tinanong nito kung bakit daw kasi wellness ang naisip nilang isa sa mga pangalan ng spa, dahil daw ba sa kanser ni Celine? Nakatulong raw ba ang pagtira nila sa spa sa kalagayan niya? In-excuse ni Celine ang sarili at umalis na ito.

Nagkita ulit sina Celine at Lena sa kusina. Sinabi ni Lena na hindi naman daw nakakahawa ang kanser, di ba? Minsan raw mabuti pa raw ang may sakit. Lahat gusto ka na lang alagaan.

Celine didn’t buy Lena’s perky attitude. She’s a “one big fat bitch” daw and “one big heap of crap.” Disappointed raw ito dahil siya ang nakiusap kay Jackie na bigyan niya si Lena ng chance para may maiwan daw siyang something good pero ganoon pala ang ugali niya. Matalino raw na babae si Jackie and she’ll see through her. Sinabi ni Lena na kung matalino daw siya bakit inilihim pa ni Celine sa kanya dati na may sakit ito. Tinawag pa niyang plastic si Celine. Huwag daw siya nitong pangungunahan sa pakikipag-ayos niya sa kapatid niya. Pinsan lang daw siya kapag nawala na siya, silang dalawa na lang ni Jackie ang matitira.

Sinabi ni Celine kay JB na naiinis na siya kay Lena. Akala ni JB nagseselos lang siya kay Lena. Sinabi ni JB na there’s no need replacing her sa buhay ni Jackie. I-enjoy na lang daw nila ang pagkakasundo nina Jackie at Lena.

Sinabi ni Celine kay Jackie na umaarte lang si Lena at wala siyang tiwala doon.

Nagpasalamat si Lena sa pagsama ni Jackie sa kanya sa spa, sana raw maulit pa. Tinanong pa nga niya ito kung babalik siya bukas. Noong pasakay na sila sa sasakyan, sinabi ni Lena na may pupuntahan pa sila. Puzzled naman na sumakay ng sasakyan sina Eli at Jackie,

May nataggap na regalo si Corazon. Eto ang nakasulat sa card:

Corazon,

Kung kaya lang ibalot ang buong mundo,
ibibigya ko `to sa iyo.

Sa ngayon, ito na muna
sana magustuhan mo.

Bubuksan sana ni Corazon regalo noong tinawag sia ni Thomas para magpamasahe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: