MSKM2: Ang Pagbabalik, Episode 13

by

Sinundan ni Eli ang “anino” na nakikita niya sa loob ng isang abandoned na bahay. Wala naman siyang nakitang iba pa.

Sinasabi ni Jackie ang mga nangyayari kay Eli lately. Natatakot daw siya sa mga nangyayari, lalo na noong hindi siya nito nakilala. Para raw kasing totoong totoo ang nangyari.

Kumunsulta sa doktor si Eli. Ayon sa doktor effect lang daw iyon ng pagkakalagay niya sa coma dati, eventually din daw babalik siya sa dati. Isa pa baka effect din daw ito ng pagkakaroon niya ng near death experience.

Habang nakikinig ng mga nagka-caroling sina Onay at ang lolo niya, sinabi ng lolo niya na may wish pa ito na hindi pa ibinibigay ni Onay.

Sinabi naman ni Celine ang fears niya na baka makalimutan na siya kapag wala na siya. Inassure naman siya ni Jackie na hanggang mga lola na sila, magkasama pa rin sila. Marami raw mga taong nakakasurvive sa cancer. Naiyak si Celine, basta masaya raw siya na they had that Christmas together.

Patuloy pa ring hinuhuli ni Veron ang loob ni Monique. Dinalhan pa niya ito ng juice noong pagdating niya. Nagdrama ito, sinabi niyang noon daw na akala niyang mamamatay siya sa sunog, naisip niya na hindi niya makakayang hindi makita ang anak niya araw araw. Lungkot na lungkot daw siya dahil paskong pasko wala siyang bahay. Hindi raw niya alam kung ano ang gagawin niya dahil alam naman niyang kailangan din niyang umalis doon. Sinabi ni Monique na pwede siyang mag-stay roon until New Year’s. Niyakap ni Veron si Monique at sinabing kung hindi lang daw ganoon ang situation nila, magiging bestfriends sila.

Hindi naabutan ni Eli si Jackie sa spa. Tinanong ni Celine si Eli, noon raw bang nasa coma siya may naalala raw ba siya? Sinabi ni Eli na magandang lugar ang napuntahan niya parang painting — may mga bulaklak, waterfalls, etc. Pero during that time hindi niya naappreciate ang mga nasa paligid niya dahil hindi pa niya handang iwan ang mga taong mahal niya. Pero ang natutuhan daw niya ay matapos man daw ang buhay dito sa mundo, may isa pa lugar kung saang mapayapa at pwedeng ipagpatuloy ang lahat, kung handa na sila.

Nagpasalamat si Celine kay Eli sa sinabi niya. Sinabi ni Eli na humahanga siya kay Celine dahil marami na itong pinagdaanan pero sige pa rin ang laban niya.

Pag-uwi ni Jackie nalaman niyang pinalantsa na lahat ni Lena ang lahat ng mga damit nila ni Eli. Medyo napapaniwala na niya si Jackie na mabait na siya. Kaya humirit si Lena at itinanong kung pwede siyang sumama sa spa. Pag-alis ni Jackie, kinuha ni Lena ang softdrinks at chips na tinatago niya sa cabinet para kainin habang namamalantsa siya.

Noong iminungkahi ni Jackie kay Eli na magpatingin na ito, tinanong ni Eli sa kanya kung sa tingin niya ay nasisiraan na siya ng bait. Sinabi ni Jackie na she’s been there, alam niya ang nararamdaman niya. Sinabi ni Eli na baka epekto lang daw ito ng coma or baka genetic din ito. Sinabi ni Jackie na she has to make sure. Sinabi ni Eli na huwag na muna niya itong isipin dahil maraming kailangang intindihin. Sinabi ni Jackie kay Eli na siya ang lakas nito at kung may nangyari masama sa kanya, hindi nito alam ang gagawin niya. Inassure siya ni Eli na walang mangyayaring masama sa kanya.

Hindi makatulog si Veron kaya nagpahangin ito sa labas ng bahay (with her very slinky pantulog on) at nakita niyang naroroon si Fidel. Kaya from afar ay nagpapakaseductive ito. Hindi niya alam na sinundan siya ni Lena at nakita niya ang ginagawa niya pero umalis na lang ito kahit nabigla. Hindi nagtagal umalis na rin si Veron.

Naiwan si Fidel…who had to take one big gulp of drink sa nakita.

2 Tugon to “MSKM2: Ang Pagbabalik, Episode 13”

  1. No Car Says:

    thanks for the blog. Avid fun mo ako at ang mga teleserye.
    Pero parang nagigigng boring ang MSKM2. Hindi ko type ang storya. Lalo na sa part nila Veron and Lena. (ysabella naman matagal ng boring)
    Buti na lang may iba ka pang blog gaya ng house with all the xmas lights and the dog with cat and with mouse. cute sila… thanks uli!!! ๐Ÿ˜‰

  2. ptvj Says:

    i agree with you, although i watch it i don’t get that i-can’t-wait-to-watch-it feeling. hopefully this gets better…

    basta pag may mga cute videos or pics akong nakita, ipopost ko dito๐Ÿ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: